Level 39

4.9K 223 40
                                    

Tahimik akong naglalakad sa corridor ng school pero hindi ako mapakali sa mga matang nakatitig sa'kin, kung makatingin ang ilan ay parang may mali akong nagawa.

"Leeeex!" Halos makahinga ako ng maluwag ng salubungin ako ni Nico, sa likod niya ay si Ann na nginitian din ako at si Mystic na seryosong nakatingin sa'kin.

Ilang araw lang kami hindi nag kausap ng maayos pero bakit pakiramdam ko, may nag iba?

I washed it all away, maybe I'm just too preoccupied by the thought of us, being in this game. Walang magbabago, kaibigan ko pa din siya.

I smiled at her when our eyes met, napanatag na ako ng ngitian niya ako pabalik. Siguro gaya niya, kailangan ko nalang munang isipin na gaya ng dati, normal lang kami base kasi sa pinapakita niya, parang ayaw niyang pag usapan ang kahit anong nangyari noong nakaraan.

I respect her decision, she'll open up when she's ready, I trust her.

"Kamusta?" Sabi nito sa'kin ng tuluyan na kaming makaupo sa nakasanayan na naming tambayan pag vacant.

"I'm fine. Ikaw?" nagaalangan kong tanong.

I wonder what's on her mind? Ang dami kong gustong itanong pero natatakot ako na hindi niya sagutin, o mas natatakot ako kung sasagot siya?

"I'm good." Malungkot na ngiti ang isinukli nito na muling nagpabagabag sa isip ko.

"Anong nangyari kahapon?" Biglang singit ni Nico.

I watched her reaction, but I got nothing, she didn't even blink with Nico's question. Akala ko ay tuluyan na siyang magke-kwento sa tanong na 'yon pero mas pinili niyang tumahimik.

Mystic, what's stopping you from telling the truth?

"Siguro sumama ang pakiramdam mo, sabi nung nurse kanina galing ka daw doon kahapon, are you fine now?" nag aalalang tanong ni Ann.

"I am, thank you." ngiti ang isinukli nito pero tila kulang ata ang pagpapanggap niya para maniwala ako na ayos lang ang lahat.

"Good to hear that, magbabakasyon na! I can't wait." excited na sabi ni Ann.

I suddenly remember how it felt before, when things are still normal. Noong hindi pa pumapasok ang larong ito sa buhay namin, bukod sa pag pasa sa exam, wala na kaming ibang inaalala.

Hindi gaya ngayon na komplikado na ang lahat.

"Guys, do you know where my treasure is?" I said out of the blue.

Nagtataka silang tumingin sa'king tatlo. I laugh with my own thought, gusto ko lang maramdaman nila kung gaano sila kahalaga bago mahuli ang lahat.

"They're all in front of me, I can't handle to lose any of them." I smiled, a sincere one as tears formed on the side of my eyes.

"Ang cheezy naman niyan, group hug nga!" Tumatawang sabi ni Nico at siya na mismo ang dumamba sa'ming tatlo para yakapin kami.

Nababaliw na ako, eto na ba yung sagot sa laging tinatanong ng isang sikat na artista sa patalastas,

Kung para kanino ka bumabangon?

Ang kaibahan lang, lumalaban at patuloy akong lalaban para sa mga taong mahal ko at importante sa'kin.

××

Okay, ang corny ng update ko today. 😂😂😂

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon