Level 109

2.2K 108 72
                                    

Ang bilis ng mga pangyayari.

Hindi ko alam kung anong plano ng nasa likod ng larong ito, bakit minamadali niyang matapos ang laro?

The last thing I remember is when we finished level 3, I woke up in a wrong place.. And that guy, who looks like Kairo, h-he.

Napailing ako, hindi ito ang oras para isipin ko 'yon. Hindi ito ang oras para manghina ako. Atleast Karius was there, he saved me. 'Yan nalang ang iniisip ko para hindi ako madepress sa nangyari.

Walang lugar ang mahina sa larong ito. Pag mahina ka, kawawa ka.

May mas malaki pang bagay na dapat kong problemahin bukod doon.

"Hey." Nawala ako sa pag iisip ng lapitan ako ni Kairo simula ng nangyari 'yon noong isang gabi ay wala akong masyadong kinausap sa kanila.

Pero hindi sumuko si Kairo, ilang beses ko siyang pinagtulakan pero heto pa rin siya.

Hindi ko makalimutan ang nangyari ng araw na 'yon. I can still remember their faces when they saw us coming,

"Levi!" Mabilis na dinaluhan ako nila Nico ng makarating kami sa kanila sa tulong ng kapangyarihan ni Karius.

Everyone was here, including my team. Bakas ang pag aalala sa kanilang mga mukha na tila ba may alam sila sa nangyari.

"We're sorry, I know galit ka sa'min, pero hindi namin kayang tiisin na ganyan ka." Mabilis na pumatak ang mga luha ko sa sinabi ni Ann.

Why does our friendship have to be this complicated? Hindi ba pwedeng ibalik nalang sa dati ang lahat? Noong wala pang Enigma. Ang larong sumira sa buhay naming lahat.

Pero sinong niloko ko, sa ngayon, hindi nalang ang Enigma ang pinag uusapan namin. There are bigger issues than this, just like our identity. Me as that girl who happens to be the protector of the water element.

The lost memory. The monster behind this.

Everything is fucked up. Everything was in chaos.

"Hear us out, we will explain everything." Pag susumamo ni Nico na lalong ikinaiyak ko.

"But your memory, hindi namin pwedeng pakielaman 'yon. You should regain it naturally or else, you might forget it, forever." Natigilan ako sa sinabi ni Mystic.

Mawawala na ang memoryang nakalimutan ko?

"I don't think she's ready to hear it now, she needs to rest for a while." I think Karius' right.

I want to know the truth, but half of me is afraid. Afraid to know the truth behind these things that I chose to forget.

Takot ako na malaman ang mga bagay na matagal ko ng tinatakbuhan.

"You want things back to normal, right?" Muling nagsalita si Kairo sa tabi ko. Hindi nakalagpas sa mata ko ang kakaibang titig niya ng sinabi niya ang bagay na 'yon.

What does he mean by that?

"You run away because you never wanted that life, that you have to leave everything behind, including me."

No.. It's not true.

Naiiyak akong humarap sa kanya. Ganyan ba kababa ang tingin niya sa'kin?

"Hindi mo na din naman naaalala, It's better like this. That way, it will be easier for me to do this." Ano ba ang sinasabi niya, bakit pakiramdam ko may hindi magandng mangyayari?

Bakit ganito nalang ang epekto ng mga binibitawan niyang salita? Bakit simula palang, iba na ang epekto niya sa'kin?

Because no matter how much your mind forget, your heart can remember it all. And by this time, you are now slowly gaining your memory.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon