Level 52

4.1K 208 17
                                    

"Come on, Eros. Isa lang, I want to learn more!" Kanina pa ako naaasar sa kanya kasi ayaw niya akong turuan o kahit hayaan man lang na mag ensayong muli.

"You will, but not now. Mahina pa ang katawan mo, mauulit lang ang nangyari kahapon." Napanguso ako sa sanabi nito.

"It's just a task, Levi. Don't pressure yourself."

"It's not just a task, Eros. I'll be needing it to protect my friends in this fucking game." halos ibulong ko na ang huling salita.

Muling lumambot ang mukha nito at lumapit lalo sa'kin, "I'll train you, just not now, ayokong makita muli ang nakita ko kahapon."

Lalo akong nanghihina pag naaalala ko ang nangyari sa panaginip ko. Idagdag pa ang panghihina ko kahapon ng tuluyan kong makopya ang kapangyarihan ni Eros.

Kahit gusto kong sumabay sa mga kaibigan kong umuwi ngayon ay mas pinili kong hagilapin si Eros, hindi ko man gustong dumepende sa ibang tao dahil nadala na ako ay tingin ko wala akong ibang choice.

Para sa kaibigan ko. Muli kong pagpapaalala sa aking sarili.

"Eros." Sabay kaming napatingin sa tumawag sa kanya.

Napahinto ako sa unang sulyap at mapait na napailing. He looks like him, of course.

They have the same aura that screams authority. He got his eyes, dark and intense. Ang pinagkaiba lang nila ay ang kulay ng balat, moreno ang kanya at mas maputi naman ng bahagya ang nakakatanda sa kanya.

"What is it, Karius?" Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Eros ng harapin ito.

"We need to talk," Bahagya ako nitong pinasadahan ng tingin, hindi ko maiwasang mailang dahil magkamukha sila, pakiramdam ko ay siya ang kaharap ko.

"Talk." simpleng sagot ni Eros.

"In private." He said as his jaw clenched repeatedly as if he's controlling his self from something.

"What's wrong if this girl was here? Come on, Karius! You're wasting my time."

"You know why I'm here, kung ako lang ay wala akong pakielam kung marinig niya ang pag uusapan natin." Panghahamon nito na ikinabago ng reaksyon ni Eros.

Kunot noong nag palipat lipat ang tingin ko sa kanila, curious, I want to hear their conversation, but I know my limits,  whatever it is, I know it's none of my business.

"It's fine Eros, mauuna na rin ako." I excused myself but he grabbed my pulse immediately.

Nakita ko ang pagsunod ng tingin ni Karius sa kamay ni Eros kaya mabilis kong winaksi ang kamay ni Eros na ikinagulat niya.

"Wait for me, ihahatid kita." Anito sa mababang boses.

Muli ko silang pinasadahan ng tingin dalawa, nakatalikod na si Eros at nginisian naman ako ni Karius kaya lalo akong kinabahan, mabilis ang ginawa kong hakbang palabas ng silid.

What the fuck, Levi? It's just his brother and it's not as if he would tell him what he just saw.

Gosh, Levi! Ano bang iniisip mo, as if he cares! Ni ayaw ka na nga niyang makita! You fool, get a hold of yourself.

How can I be this affected with someone I don't know that much? Who are you really, Kairo Sarmiento and why do you have this kind of effect on me?

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now