Level 46

4.2K 217 16
                                    

"Focus, Levi." Napapikit ako ng mariin ng muling narinig ang sigaw ni Eros.

Magdadalawang oras na kami dito sa dulo ng burol, dito niya ako napag pasyahan turuan dahil bukod sa walang tao, malayo ito sa mga kabahayan.

"Okay, let's take a break. Tama na muna yan,"

I sighed. Alam kong mahirap akong turuan pero nagpapasalamat ako na hinahabaan niya ang pasensya niya.

"Isantabi mo muna lahat ng iniisip mo,you need to loosen up, relax your mind, nagawa mo na sa game, kaya mo din dito." Nakangiti nitong sabi bago guluhin ang buhok ko.

"Think of a reason why you're here and why you decided to keep going." Huli nitong saad bago tuluyang tumayo at binalik ang ginagawa.

Namangha ako ng lumabas mula sa kanya ang isang clone niya, hanggang ngayon ay nagugulat pa din ako sa kayang gawin ng game at sa kayang gawin ng mga player nito.

Pinanood ko ang pag eensayo ni Eros at ng clone niya,  walang kahirap hirap na iniwasan niya ang mga sugod nito.

With great speed, his body move swiftly as his clone attacked him, nakakamangha. He really is good at this, huh? Just like him...

Seriously, Levi?

Focused on how to control your power, think of your friends, think of the people who believes in you...

Mariin akong pumikit sa kinakaupuan ko, unti unting ikinalma ang sarili at gaya ng ginawa ko sa game, inipon ko ang lakas ko at matinding konsentrasyon ang ginawa ko..

Isang matinding enerhiya ang naramdaman ko na unti unting sumasakop sa buong pagkatao ko, sobrang init na parang hindi ko matagalan hanggang sa napalitan ito ng lamig na kumalat sa buong katawan ko,

"L-Levi." Gulat at pag aalala ang bumakas sa mukha ni Eros ang nakita ko pero tila may sariling utak ang katawan ko, isang kumpas ng kamay ko ay naramdaman ko ang tila paghiwalay ng kaluluwa ko sa sarili.

Nakakapanghina pero tinuloy ko ang ginagawa hanggang sa makita ko ang tuluyang paghiwalay ng isang katauhan ko mula sa katawan ko---

Huling nakita ko bago ako tuluyang mahilo at tuluyang mawalan ng malay.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon