Level 117

1.5K 100 56
                                    

"A-Amiel buhay ka.." Nawala ang tingin ko sa aking cellphone ng marinig ng boses ni Athena.

Muling bumalik ang atensyon ko sa harap. Kahit nagduda ako kanina ay hindi ako makapaniwala, buhay siya. Paano... Kanino ang bangkay na nasunog noon bakit nawala siya.. Paanong ganito?

Fuck. Nakakabaliw.

Tahimik itong naglakad palapit sa banda namin, blanko lang ang tingin nito, hindi niya kami nilingon kahit tinawag siya ni Chino.

Si Athena ay gulat pa din sa nangyari, bumalik lang ito sa wisyo ng maglakad paalis si Amiel, pabalik sa arena. Sinubukan nito tumayo ngunit agad pinigilan ni Kagame.

"You're bleeding, stay still." Gulat man kanina ay nakabawi ito agad upang tabihan si Athena.

"I saw it, h-he killed him paanong buhay siya?" Wala sa sariling sabi ni Chino.

Hindi ko siya masisisi. Ibinunton niya sa sarili ang sisi noon sa pagkawala ni Amiel. They were best friends. Enigma ruined them, Enigma ruined us.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung bakit umabot sa ganito. I want to end this, I'm not sure if I can do it, but I will try even if it means risking my all.

"Bakit nasa kabilang team siya? If he was alive then he should be with us, right?" Nalilitong tanong ni Kagame.

"All of the groups were only composed of five members per team, hindi ka ba nagtataka kung bakit tayo ay anim?" Seryosong sabi ni Karius.

Nakuha nito ang buong atensyon ko, noon pa ay malaking palaisipan na ito para sa'kin.

"Athena is the fifth member to complete our group," Napahinto ito at saglit bumaling sa'kin. How come? Akala ko ay kinuha niya ako noon upang mabuo ang team niya, I thought I was the last person he talked to. "But later on, Amiel became part of our group too. But the truth is, he isn't. He was only with us for a purpose. Everything was his plan, everything." Kunot noo kong tinitigan si Karius.  Idiniin niya ang huling sinabi na tila may gustong iparating sa sinabi.

Alam kong madami siyang alam, pero naguguluhan pa din ako at mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Naguguluhan ako na ang dami niyang alam, kinakabahan ako kung ano ang nasa likod ng lahat ng ito.

"Are you saying that he is only a spy of our group?" Nanlalaking mata na tanong ni Kagame.

"Maybe yes, maybe not." Nakakalokong sagot ni Karius.

"And he killed him when he became a threat. I thought he killed him. Akala ko tinapos na siya para manahimik sa lahat ng nalalaman niya." Dugtong nito.

I see, hindi din alam ni Karius na buhay si Amiel. Nagsuspetsya lang siya ng makita ito sa likod ng maskara at ng makita ang ability nito.

"I don't get it, he's still alive. What are his plans? Fuck." Frustration was written in his face. I feel like for the first time, wala siyang alam sa nangyayari, hindi niya alam ang plano ng tao sa likod nito.

"Are we going to continue this fight or not?" Seryosong tanong ni Mystic kita kong tinatansya niya rin ito.

"I surrender." Napasinghap ako sa sinabi ni Amiel. Ibang iba siya sa nakilala kong Amiel.

Walang emosyon ang mukha niya. Sandali itong nagkaroon ng lapitan niya sa Athena pero burado na ito ngayon, para siyang robot na walang emosyon, nakakapanibago.

"You're kidding." Maging si Mystic ay hindi inasahang ganito ang isasagot niya.

"N-No, Amiel ituloy mo." Nakita ko ang pag bakas ng takot sa mukha ni Athena.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon