Level 119

1.3K 78 28
                                    

With all the strength I've got, I raise my both hands.

Kahit ako ay hindi ko na makilala ang sarili ko, ang alam ko lang ngayon ay galit ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalin ng galit ko pero wal na akong pakielam. Isa lang ang nasa isip ko ngayon.

Gusto kong pumatay.

Gusto kong tapusin ang tao sa lahat ng paghihirap ko. Sa lahat ng paghihirap ng mga inosenteng taong nadamay dito.

"You're mad at me that much? I doubt if you can hurt me once you see my face." Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya. Bigla kong naalala ang nangyari noong araw na 'yon.

"Try me," Pang hahamon ko dito pero hindi pa din mawala ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ako natatakot sa kanya, hindi na ako natatakot mamatay. Ang mahalaga ngayon, magawa ko ang dapat matagal ko nang ginawa.

"I really like it when you're mad." Gumuhit ang ngisi sa mga labi nito sa likod ng maskara.

"Stop talking nonsense, I'm not interested, let's get this done." Bago pa siya makasagot ay mabilis ko ng ibinato sa kanya ang tira ko, hindi niya ito inaasahan kung kaya't natamaan nito ang kabilang bahagi ng katawan niya, dahilan ng pagtalsik ng maskara sa mukha niya.

"You want me mad, don't you?" Nakatagilid ang mukha nito sakin habang sapo-sapo ang pisngi na tinamaan ko.

Kahit inaasahan ko na ito, hindi ko pa rin natigilang hindi mapasinghap ng tuluyan niya akong harapin.

"What the fuck?!" Madaming nagulat, kasama dito ang mga taong walang alam sa totoong nangyayari.

"Holy shit! Hoy b-bakit magkamukha sila?" Narinig kong sigaw ni Kagame.

"You have the guts to fight me without my mask, baby?" Halos masuka ako sa ginawa nitong pagtawag sa'kin.

Jerk. You might have the same face, but you'll never be like him! Gusto kong isigaw ito sa kanya hindi lang para sa kaalaman niya, para na rin sa'kin, para maalala ko kung bakit nga ba ako nagagalit, para makayanan ko siyang harapin ng walang pag aalinlangan.

"Levi!" God knows how I wanted to look at him when I heard him calling my name, pero ayokong makita siya ng ganito ang lagay ko. Hindi ngayon na kaharap ko ang lalaking kinamumuhian ko na may parehong mukha niya--ng taong pinakamamahal ko.

"K-Khiro." Shit.

"Yes baby, scared eh?" Ngayong may mapaglarong ngiti sa mukha niya ay nagsisisi ako na tinawag ko pa siya sa kanyang pangalan.

This guy infront of me almost raped me, he was also the reason why a lot of people suffered, the reason why my friend died.

Paulit ulit kong itinatak sa isip ko 'yon upang bumalik ang galit na matagal kong inipon. Hindi pwedeng huminto ako ngayon. There's no way I would stop, no one can stop me--not even myself!

"What made you think I am?"

"Just tell me, I can stop all these, sumama ka lang sa'kin." Mapang akit nitong sabi. Halos gusto ko nang bumigay, kung tutuusin 'yon talaga ang plano ko, pero dahil sa ginawa niya, ang nagiisang gusto ko nalang gawin ngayon ay ang burahin siya sa mundong ito.

"Levi, let me do it please," Bakas ang pagmamakaawa nito. Saludo ako sa ginagawa niyang pagpipigil, the Kairo I knew will always do what he wanted before he think. Alam kong nagpipigil siya para sa'kin.

"Levi please." No. Ayokong humarap alam kong isang tingin ko lang sa kanya, mapuputol ahg pareho naming inipon na lakas. Ako para harapin si khiro at siya para pakalmahin ang sarili. Kairo stop it, please. Nanghihina ako kapag naririnig ko yung boses mo.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon