Level 104

2.3K 129 69
                                    

This chapter contains scene that may be sensetive for other readers. Read at your own risk.

. . . . .

Nagising ako na may mabigat na pakiramdam, sumasakit ang ulo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Agad kong nilibot ang mata sa buong lugar ng dumilat ako. Ngayon ay nasa isang silid akong hindi pamilyar sa'kin, malaki ito at malinis, doble ang laki sa kwarto na ibinigay sa'min.

Where am I?

Ang naaalala ko lang kanina ay ng mag iba ang lugar na pinaglalagyan ko ay nawala ang mga kasama ko at nakita ko siya.. Pero pagkatapos non ay inantok ako.

Hindi panaginip ang lahat diba? Kung ganoon, nasaan siya?

Why am I alone in this big room full of mirrors? Bukod sa malaking kama at ilang gamit gaya ng cabinet at lamesa ay wala ng ibang laman ang kwartong ito.

Nasagot ang tanong ko ng marinig ang tunog ng pinto, hudyat na may taong papasok. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag kung bakit, dahil ba sa narinig kong huling sinabi niya?

What the fuck, Levi?! When did you learn to imagine things like that?

Napailing ako, marahil ay iba lang ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya, dahil na rin siguro sa matinding antok.

Mabilis ang tibok ng puso ko ng makita ang anino ng isang lalaki na papasok sa kwarto, medyo madilim at tanging ang lampshade lang sa lamesa ang nagsisilbing ilaw para makita ko kung ano ang nasa paligid.

Mabilis ang kabog puso ko, pero hindi gaya ng tuwing malapit siya, hindi dahil sa kaba na malapit siya, kakaibang kaba na tila natatakot ako kasi nandito siya.

What is this feeling? Ngayon ko lang ito naramdaman para sa kanya..

Galit ako sa kanya, pero hindi dahilan yun para kabahan at matakot ako ng ganito.

"I'm just in time, you're awake, princess." His husky yet calm voice sent shivers down my spine.

"K-Kairo.." Hindi ko alam kung saan nangaling ang boses ko, pakiramdam ko ay nanghihina ako.

Nakita ko ang pagbahid ng inis sa mukha niya pero kalaunan ay napalitan din ito ng ngisi, isang ngisi na ngayon ko lang nakita sa kanya.

"You don't know how long I've waited for this," Kumunot ang noo ko ng lumapit ito sa'kin at umupo sa gilid ng kama na kinauupuan ko.

"W-What are you doing?" Napaatras ako ng humarap ito sakin at ilagay ang magkabilang kamay sa gilid ko, dahilan para hindi ako makahinga ng maayos dahil nakakulong ako sa pagitan ng mga braso niya.

"I miss you..." Nagsitaasan ang balahibo ko ng maramdaman ang labi niya sa tenga ko.

Halos magkadikit na kami dahil sa ginawa niyang pagbulong, tanging ang suporta nalang ng dalawang braso niya ang nagpipigil para tuluyan kaming magdikit.

Napapikit ako nang sa muling pag atras ko ay tumama ang likod ko sa head board ng kama.

What the fuck is he doing?

"A-Ano, nasaan ang iba, sila M-Mystic, Karius?" Shit. Bakit ba iba nalang ang kaba ko?

Ngumisi ito bago ako titigan ng diretso.

"We're all that matters now, huwag mo muna sila intindihin.." Sabi nito sa namamaos na boses.

I-Is he trying to seduce me? Cause if he is...

You fool! Akala ko ba galit ka? At talagang magpapadala ka sa kanya?

"Don't you miss me?" Sabi nito bago isandal ang mukha sa balikat ko. By now, maybe he can hear how loud my heartbeat is.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon