Level 113

1.6K 75 53
                                    

Mariin akong nakatingin sa apat na player na ngayon ay umakyat na sa arena.

Kung saan ang dalawa dito ay importante sa buhay ko. Karius and Nico.

"One's will only be declared as the winner when s/he killed the enemy's guardian or s/he will get the ribbon that is tied to their opponent's guardian. Goodluck player, may the best slayer win."

"He's crazy. After building a kingdom like the late Aquanta now he made a clone of the four guardians of Etheria. "

"Guess he's a fan, never knew he has that side, right Kai?" Natatawang sabi ni Wave kay Kairo.

"Shut up." Inis na asik ni Kairo.

Ilang dipa ang layo namin sa bawat isa pero rinig na rinig ko dahil sa lakas ng boses nila, lalo ni Wave. Kung bakit nangangapit bahay si Wave sa kabilang grupo ay hindi ko alam.

Bigla kong naalala ang huli naming pag uusap. Far from the Wave I knew.

Wave and Ann belongs to Frances and Unica's group. There are five of them, of course. Hindi ko lang kilala ang isa. Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit pinayagan ng Enigma na anim kami sa grupo? 'Yon ang gusto ko itanong kay Karius noon pa, hindi lang ako makakuha ng tamang tyempo.

"Player Karius won against his Enemy." Gulat akong napatingin muli sa Arena. That fast?

Sinalubong ko ng tingin ang ngayo'y nakangising si Karius na pababa na ng arena. Agad nitong inabot ang nakalahad na kamay ni Chino ng taas noo at hinampas ito.

Oh I can hear him saying his famous line.

"Congrats." Tipid kong sabi ng makarating ito sa tabi ko.

"Oh I told you, that's easy. Never unde-

"Oh yeah, never underestimate a Sarmiento. I knew that already." I hissed sarcastically. Tinawanan niya lang ako sa sinabi.

"Tyamba lang, babae ang kalaban mo." Pang aasar ko dito.

"Girl or not, I can always defend myself." Pag kikibit balikat nito.

Napangiti nalang ako ng palihim. I saw what he did there. Hindi niya pinuruhan ang kalabang si Frances, he only tricked her para mawala ang atensyon nito sa kanyang guardian. He really have a good heart, hindi niya lang ipinapakita.

"Next player, please step up of the arena." Napatingin ako sa mga ka grupo ko, mag pi-presinta sana ako kung hindi lang ako hinarang ni Karius.

"Save the best for the last." He then winked at me.

"Ako muna." Ani Chino at patalon na umakyat sa stage.

Muling nabaling sa kabilang banda ng arena ang atensyon ko ng may marinig na pag sabog.

Ilang segundo bago mawala ang usok ay nakita ko si Nico na sapo sapo ang kaliwang braso niya. Napamura ako sa nakita.

Noon ko binaling ang paningin sa taong kaharap niya. She's smirking. Ibabang bahagi lang ng mukha ang kita sa kanya pero dahil sa pulang nakapahid sa labi at sa hubog ng katawan ay masasabing babae ito.

Nilibot ko ang tingin sa mga kasamahan pa niya. Ang sabi ay random pinili mula sa player ng Enigma ang mga ito. Bakit pakiramdam ko may mali? Bakit nakakaramdam ako ng takot mula sa ipinapakita nilang tindig lalo na sa lalaking nasa dulong bahagi ng upuan, nakatingin ito sa arena pero ng makitang nakatingin ako sa kanila ay dumapo ang tingin nito sa'kin. Halos mag sitaasan ang balahibo ko dahil sa nadamang panlalamig sa titig niya.

Who is he? Who are they?

Lahat ng myembro ng grupo nila ay may takip ang itaas na bahagi ng mukha kung saan tanging mga mata lang ang kita.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon