level 75

3.2K 146 38
                                    

Hanggang sa makababa ako ng taxi ay hindi pa din nawawala sa isip ko ang nakakatakot na ngisi mula sa driver nito.

kahit na hindi ko gaano naaninag ang mukha niya dahil sa sumblero niya ay sigurado akong hindi nalalayo ang edad namin, nakakapagtaka lang na ganoon ito kung makatingin, he looks like someone I know pero malabo namang siya 'yon, baka masyado lang marami ang naiisip ko kaya namamalik mata ako.

"Good morning po!" masiglang bati sa'kin ng gwardya pagkapasok ko ng mall.

Alas nuebe palang kaya kaunti palang ang tao sa mall, nakakapagtaka lang na ang aga naman mag aya ni Athena, buti nalang at wala na akong balak pumasok ngayon.

Mabilis akong nagtipa ng mensahe upang sabihan siya na nandito na ako, agad naman ito sumagot na nasa Cafe hub siya.

"Lex, I'm here." mabilis akong lumingon sa likod ng marinig kong may tumawag sa'kin. I knew it was her, kaya hindi ko alam kung bakit may ibang tao pa rin ang inisip itong utak ko, bilang lang kasi ang tumatawag sa'kin ng pangalan na 'yon.

Stop it Levi, paanong magiging sila yan kung tinakbuhan mo sila?

Kakaibing kirot ang naramdaman ko ng maalala ko ang nangyari kanina. Tama ba ang ginawa ko, o tama si Mystic?

Hindi ko na alam.

"You okay?" kalabit nito sa'kin kaya mabilis akong tumango.

"parang hindi ka naman masaya na makita ako," natatawang sabi nito. "Take a sit." nakangiti nitong saad.

"It's not that, may iniisip lang ako." tumango ito at ipinagkibit balikat nalang ang sinabi ko.

"Order lang ako, my treat." Kindat nito sakin, bago pa ako makapag protesta ay nakaalis na ito.

Loosen up, I reminded myself.

Habang naghihintay kay Athena ay tumunog naman ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. It was Kairo, pero pinili kong ireject ito.

Ilang mensahe pa mula kina Eros at Nico ang natanggap ko pero ni isa, wala akong binasa. 'Wag muna sa ngayon. Baka naman bukas ay ayos na ako.

"kamusta pala? You look troubled. May problema ba?" Kunot noong tanong nito sakin

"Ah wala lang ito," Mukhang hindi naman niya binili ang sinabi ko dahil lalong kumunot ang noo niya.

"I texted them, sabi ko nasa mall lang ako, pero nung sinabi kong kasama kita, bigla silang umayaw, may klase daw kayo. Did you guys argue about something?" muli ako nitong sunuri bago magsalita.

I don't know if it's just me but I find her strange and I'm a bit uncomfortable with her.

"You see, matagal akong nawala but I'm still your friend, you can share your secrets with me, and I can tell you mine." Napaangat ako ng tingin dito, pabulong niyang sinabi ang huling salita pero rinig na rinig ko.

Right, she's a friend it;s wrong to think of her like this.

"Athena," Seryoso niya akong tinitigan na tila naghihintay sa sasabihin ko.

"Nagkatampuhan lang, pero ayos lang naman." ngiti ko dito pero tila hindi siya natuwa sa sinabi ko.

"They let you go alone? Bakit naman hinayaan ka nilang mag isa." naiiling na sabi nito, tila dismayado sa ginawa nila Mystic.

"Hindi ganoon, ako nama ang nagpasyang umalis." Ayoko naman sumama ang tingin niya sa mga kaibigan namin.

"Real friends stay with you in good or bad, they are someone you can lean on everytime," Mapait na sabi nito kaya napatingim ako sa kanya, siguro nga may tampo pa siya sa'min.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon