Level 85

3.4K 162 128
                                    

Hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang mga nabasa ko, bakit may ganoon?

This is just a game, bakit kailangang umabot pa sa patayan?

Looking at them, I don't think I can even lay a finger on anyone if someone stops me. This game is turning us into a monster we never want to be.

I will defend myself, but killing someone for my safety will never cross my mind. Damn it, ano ba itong napasok namin?

"Be ready players, the game will start in a few, position yourselves."

Nawala ako sa pagiisip ng gaya noong mga nauna, may nagsalita nanaman sa speaker, I wonder who's behind this, bakit hindi siya magpakita?

I want to know who ever or whatever is he, I want to confront him. Gusto kong malaman kung bakit niya kami pinaglalaruan. Ano bang kailangan niya?

"Levi, tara na kunin na natin yung mga gamit." Natigil ako ng hilahin ako ni Athena, napatingin ako sa mga kagrupo ko, lahat sila nakatingin sa'kin na tila ako nalang ang hinihintay.

Tahimik ako na sumunod sa kanila, kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag sulyap sa'kin ng mga kaibigan ko ng dumaan ako sa harapan nila pero tanging si Kairo lang ang hindi nagpatinag ng humarap ako sa gawi nila.

"You don't have to do this, don't play the game." Halos manghina ako ng marinig ko ang pagsusumamo sa boses niya ng harangin niya ako.

"I'm already here wala na akong balak umatras. J-Just be safe," Sabi ko sa kanya pero hinarap ko sila isa-isa, umaasang sana narinig ng lahat ang sinabi ko.

"Never leave my side, please?" Bulong nito pagkatapos ay sinubukang abutin ang kamay ko pero mabilis akong nilapitan ng ka grupo ko kaya napaatras ako ng bahagya.

"T-Tawag ka na ni Karius." nahihiyang sabi ni Chino, yung kaklase kong nakasalamin.

"I'll go now, s-sorry." Sabi ko pagkatapos kalasin ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Sorry Kairo, it pains me knowing that you were all my rivals now, but that wouldn't change the fact that you were all my friends.

The game declared that we can kill each other, pero walang sinabi na hindi pwedeng mag tulungan. At yon ang gagawin ko, hold on tight. Matatapos natin ang larong ito na walang mamamatay, I'll make sure of that, hindi ko pa alam kung paano pero gagawin ko ang lahat.

"Position players, the game will start in Five, four.." Napasinghap ako ng unti unting magdilim ang paligid ng kwarto

Three, two..

"One." Kasabay nito ang muling pagliwanag at pag iba ng paligid.

Now we're surrounded by big trees, rinig din ang pagkaluskos ng mga hayop at kung anong bagay sa paligid, natulala ako, nagulat nalang ako ng makitang mabilis na umalis na ang ilang grupo at kami nalang ang natira dito, kasama ng grupo nila Kairo.

Now we're surrounded by big trees, rinig din ang pagkaluskos ng mga hayop at kung anong bagay sa paligid, natulala ako, nagulat nalang ako ng makitang mabilis na umalis na ang ilang grupo at kami nalang ang natira dito, kasama ng grupo nila Kairo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon