Level 50

4.3K 246 36
                                    

"Doon tayo." Pag hila ko kay Nico.

Hinihingal na nagtago kami sa likod ng puno. Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin, naiiyak na ako nahiwalay si Ann sa'min dahil dumiretso siya sa dulo ng gubat, I just hope she's fine.

Kaninang pauwi na kaming apat ay may mga lalaking biglang sumulpot sa harap, nakakatakot dahil hindi sila mga normal na tao lang, nahuli nila si Mystic, pero gagawa kami ng paraan para iligtas siya, ang kailangan lang ngayon ay makatakas kami sa mga ito para makahingi ng tulong..

"I-I'm tired," Hinihingal na saad ni Nico.

"Shh, I am too, pero kailangan pa natin makatakas dito." Bigla akong nakaisip ng magandang paraan, kaya nabuhayan ako ng kaonti.

"Lend me your powers." Seryoso kong saad dito na ikinalaki ng mata niya.

"I-I'm not familiar with it yet,"

"It's fine, I am too, pero wala na tayong oras." Desperada kong sabi dito.

Gaya ng ginawa ko noon, matinding konsentrasyon ang ginawa ko at inisip ang dapat gawin.

"Nico"

I tried to talk to her using my mind. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya kaya tingin ko, nagawa ko.

"Do you hear me?"

"Y-Yeah"  Saad nito

Pumikit ako ng mariin at sinubukang abutin si Ann, sigurado naman akong hindi pa siya nakakalayo.

"Ann"

"L-Lex, ikaw ba 'yan?"  Malalim na buntong hininga ang ginawa ko, I did it.

"Haharangan ko sila, humingi ka ng tulong, bumalik ka ng school."

"N-No, hindi mo kaya baka makuha ka din nila."  Rinig ang panginginig sa boses niya, alam kong natatakot din siya pero wala ng ibang paraan.

"They won't, trust me." Matapang kong saad kahit walang kasiguraduhan itong gagawin ko.

"Be safe, bibilisan ko." Huli nitong sabi bago matapos ang koneksyon namin.

"Nico, stay here." Nakitaan ko siya ng pangamba ng harapin ko siya.

"No way, t-tutulong ako." Naiiyak na sabi nito.

"I don't want you hurt," kahit ako ay naiiyak na pero bilang pinaka matanda sa kanila, sinusubukan kong magpakatatag.

"But Lex,"

"You're helping me already by lending me your power, saka mahirap pag pareho tayong nakita nila." Pangungumbinsi ko dito,

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at hinarap ang isa sa lalaking humahanap sa'min, nakakapagtaka dahil hindi umiilaw ang marka ko, hindi sila kasali sa laro, pero sigurado akong hindi sila normal na tao lalo na at nagpakawala ng apoy ang isa sa kanila sa kanina.

Tantya ko ay nasa anim sila kanina pero tatlo nalang ang humahabol sa'min ngayon.

"Andyan ka lang pala." Galit na sabi nito at mabilis na inalerto ang sarili.

"Sumama na kayo sa'min ng hindi na kayo masaktan." Saad nito.

"There's no way that we will surrender without fighting back." ngumisi siya na ikinalambot ng tuhod ko.

"No doubt, you're different. Too bad, I won't let you fight back." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Lex!" Mabilis akong bumaling sa likod ng marinig ang sigaw ni Nico.

"Shit." I cursed when the man used it as his advantage, ngayon pareho na kaming nahuli fuck it.

"let go of me!" pag pupumiglas ko dito pero nagulat ako ng ang lalaki ay mas lumaki kumpara sa dati niyang anyo, he became a wild bear.

"Sabi ko sayo, kung sumuko ka, walang masasaktan." Sabi nito sa mas malaki at mabangis na boses.

Nanlaki ang mata ko ng sa isang kumpas lang ng kamay niya ay umagos ang dugo mula sa dibdib ng kaibigan ko, mabilis kong kinuha ang pagkakataon na iyon para I-summon ang armas ko, mabilis ko itong isinaksak sa kanya,

Pero kasabay ng pagbagsak niya ay ang pag bagsak ng isa sa taong pinaka mamahal ko.

Wala akong sinayang na oras at mabilis ko siyang dinaluhan, pero halos bumagsak ako sa tabi niya ng maramdaman ang pag hinto ng pag hinga niya. No...

N-No.. Nico.. This isn't real, right?

Sa huli, mahina pa rin ako. Hindi ko nagawang tuparin ang pangako ko, patawad.

×××

Sa totoo lang busy ako every sunday pero nag update ako kasi lab ko kayo, kahit may lab na kayong iba. Hahahaha.

Napapaupdate talaga ako pag natutuwa ako sa comments. Ako yung tipo ng author na kahit konti lang reads, o kahit walang votes, basta nalalaman ko yung feels niyo sa story ko, daig ko pa may million reads. 💖

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon