Level 74

3.4K 160 53
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ay hindi mawala sa isip ko ang huling mensahe mula sa game. I need to choose a group, pero paano ako bubuo ng grupo kung ayaw akong pasalihin ni Kairo?

"Stop thinking about the game, you're not joining anyway." Nagulat ako ng magsalita si Kairo mula sa likod ko halos makalimutan ko na kasunod ko nga pala siya.

"B-But." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tignan ako nito ng matalim.

"Please, don't be stubborn this time."

Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating kami sa loob ng silid. Naabutan naming seryosong naguusap si Mystic at Eros, natigilan lang ang dalawa ng makita kami.

"Morning Lex." Pagbati ni Mystic na tila wala kaming naabutan kani kanina lang.

"Morning," tinignan ko ang relo ko, maaga pa pala kaya wala pa ang mga kaklase namin.

"Good morning!" Binasag ng masiglang si Nico ang katahimikan sa pagitan namin, kasama nito si Karius at Ann.

Si Sue nalang ang kulang, kung pati siya nandito ay magtataka na ako na maaaring pati sila ay nakatanggap ng mensahe mula sa laro.

"Am I late?" Speaking of, he's here.

"What's the plan, kuya." Biglang tanong ni Karius na kinakunot ng noo ni Kairo pag katapos ay hinila ako palayo sa kanila.

"Oh, saan kayo pupunta? Mag me-meeting tayo." Natatawang sabi ni Mystic.

"She's not joining the game." Matigas na pahayag ni Kairo.

"You can never hide the truth. Let her decide on her own." Pang hahamon ni Karius dito dahilan ng pagtagis ng bagang ni Kairo.

Ano ba ang totoo?

"Shut up Karius!" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng sumigaw ito.

"He've started it, we have no choice but to play the game." Ngayon ay si Eros na ang nagsalita.

Kunot noo ko siyang sinulyapan, so I'm right? Nakatanggap din sila.

"We have a choice." Mariing sabi ni Kairo.

"What is it? To keep on running from our fate? Kairo! We can't hide forever. We must face him to end this. You must face him." Pagalit na sabi ni Eros.

"Or else you're still scared of him." Pang aasar nito dahilan ng paghigpit ng hawak sa'kin ni Kairo.

"You only know a thing, Eros." Malamig na sabi nito kay Eros pero ramdam ko ang pagpipigil nito ng galit.

"Let's go." Hihilahin na sana ako nito muli pero binawi ko ang kamay ko kaya nagulat siya pero bakas ang inis sa ginawa ko.

"What is it that you don't want me to hear, Kairo?" Tanong ko na ikinahinto niya.

All this time, alam kong may tinatago ang lahat sa'kin pero pinag sawalang bahala ko kasi naniniwala akong sasabihin din nila sa'kin ang lahat. Pero hanggang kaylan?

Bakit pakiramdam ko wala na silang planong sabihin sa'kin ang totoo.

"Kayong lahat, kilala ko ba talaga kayo, o marami rin kayong tinatago gaya ng mga sekreto niyo?" Napangisi ako ng mapait ng mag iwas ng tingin ang ilan sa kanila, samantalang si Karius ay diretso lang na nakatingin sa'kin, tila hinihintay ang sasabihin ko.

"Levi." Napaatras ako ng lapitan ako ni Eros.

"Sabihin mo nga sa'kin Eros, anong hindi ko alam?" Naluluha kong tanong dito. Naramdaman kong gusto niya akong hawakann pero mas pinili kong umatras.

Palayo sa kanila.

"Levi, stop it." Maging si Kairo ay nakitaan ko ng pag aalala sa mata ng makita niya ang pag atras ko.

"Mystic, Nico, Ann.. Anong alam niyo na hindi ko alam?" Nakita ko ang pag patak ng luha mula sa mga kaibigan ko, parang kinurot ang puso ko sa nakita ko. Parang inamin na rin nila na meron nga dahil hindi sila makapag salita.

Napalunok ako bago ngumiti ng mapait.

"I never knew that this day would ever come, I did everything to protect our friendship, but how can I if you were hiding things from me?" Bakas ang pait sa boses ko, halos mabasag na din ito dahil sa nagbabadyang luha.

"Damn it, Lex! Go back to your fucking senses! Ganyan ba kaliit ang tingin mo sa'min?" Halos sugurin ako ni Mystic, umiiyak na din 'to pero kumpara sa dalawa, siya lang ang may tapang na magsalita.

"Stop it, Mystic." Bulong ni Ann dito.

"No, she doesn't know a thing kaya siya gumaganyan!" Muli nitong sigaw.

"That's it, Mystic. Wala akong alam. Is the truth more important than our friendship?" Natigilan ito sa sinabi ko.

I get it, wala nga silang balak sabihin sa'kin ang kahit na ano. I smiled bitterly before looking at them.

Secrets and lies can ruin anything. I don't want that to happened but I guess this is all for now, I believe that friendship is about growing closer together, not hiding things and ruining trust.

But this doesn't mean I no longer trust them, maybe I just need time to think.

Time to be more mature. Oras para mas maintindihan ko pa kung bakit nila ito ginagawa.

Kasi sa huli, kahit gaano pa kadami ang itago nila sa'kin, hindi ko naipagkakaila na importante sila sa'kin.

Sa huli, magtitiwala at magtitiwala pa din ako sa kanila, dahil mas importante pa din sa'kin ang nabuo naming pagkakaibigan kumpara sa kahit na ano.

"Levi, please.." Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita muli si Kairo pero hindi ko na sila nagawang lingunin, baka kasi magbago pa ang isip ko kung sakaling makita ko siya.

If he really isn't hiding anything from me, why can't he stop me?

Pinahid ko ang luha ko bago parahin ang padaan na taxi, sasakay na sana ako pero naramdaman ko ang pag tunog ng cellphone ko.

It's from Athena. Agad ko itong binuksan pag sakay ko ng taxi.

You free today? Nasa mall ako malapit sa school niyo. Let's hangout wala akong kasama.😒😅

"Manong, sa mall po ako." Natigilan ako ng tignan ako nito mula sa salamin bago ngumisi.

Halos kumawala sa dibdib ko ang puso ko sa ngisi na 'yon, nakatakip ang mukha niys pero pakiramdam ko nakita ko na siya.

. . . . . .

Guuuys may tanong ako. If ever ba na mag pa activity ako may sasali? HAHAHA.

Since I received a lot of support from you, I want to give it back, by letting you experience the game itself.

Lol. HAHAHA. Joke, pero seryoso nga, i'll make it worth the try. May sasali ba if ever?

" S t o p  l i v i n g  i n  m i s e r y  b y
u n f o l d i n g  h i d d e n  m y s t e r y . "
- a l l a y x z a n F R

. . . .

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon