Prologue

243K 4.5K 520
                                    

Author's note:
Nabasa ko 'to before ko ibalik ulit. Uunahan ko na kayo, ang daming errors at hindi gano'n kaganda :((

Thank you sa lahat ng aabot hanggang dulo. Thank you for your time <3

Happy reading! Na-miss kayo ni Shooter at Sniper :)

_________________

"Ten thousand!"

"Thirty thousand!"

"Fifty thousand!"

"Hundred thousand!"

"Hundred fifty thousand!"

Ramdam na ramdam ko ang lamig na humahamplos sa balat ko dulot ng kakarampot na tela na bumabalot sa aking buong katawan. Hindi ko magawang ilayo ang kamay ng mga manyak na humahaplos sa mga hita ko dahil sa taling pumipigil sa dalawang kamay ko.

"Two hundred thousand!"

Hindi matigil ang pag agos ng luha ko habang iniisip ko kung nasa'n ako ngayon. Hindi ko malaman kung paano ako napunta dito basta ang huling natatandaan ko lang ay ang paghingi sakin ng pasensya ng boyfriend ko bago niya ako takpan ng panyo sa ilong dahilan para mawalan ako ng malay.

"Huwag kang umiyak.." Mariing sabi sakin ng isang mamang nasa gilid ko habang mahigpit akong hawak sa aking panga. Ngunit imbes na tumahan ay lalo akong naiyak.

"Sinabing 'wag kang umiyak e!" Pasigaw niyang bulong. "Kapag nahalata nilang umiiyak ka eh baka wala nang mag-uwi sayong gabi. Sayang ang pera! Kaya 'wag kang mag inarte dyan!" Sabi pa niya at pabatong binitawan ang panga ko.

"Three hundred thousands!" Sigaw pa ng isang matanda.

"Five hundred thousands!"

"Seven hundred thousands!"

"One million!"

"O-one million, W-wala na bang tataas?" Tanong ng isang babae na halatang hindi makapaniwala sa taas ng bid para sa akin. Nakarinig ako ng ilang mura. Ang ilan ay mukhang sumuko na pero may iilan din na ayaw magpatalo.

"One and half million!"

"Three Million!"

"Three and half Million, Anyone?"

Walang sumagot kung kaya't nag ngiting tagumpay ang isang lalaki na halatang halata na ang katandaan dahil sa kulukulubot na balat pagkatapos ay tumingin ito sa 'kin na para bang iniisip na ang mga gagawin sa akin sa oras na maiuwi niya ako. Ngunit agad nawala ang ngisi sa labi niya nang may magsalita.

"Ten million.."

Hinanap ng paningin ko ang pinanggalingan ng boses na 'yon at natuon ang pansin ko sa isang lalaki na kampateng nakaupo sa isang gilid at mariin ang pagkakatitig sakin ng kulay abo niyang mga mata.

Agad natahimik ang lahat dahil sa taya niya. Sampung milyon?

"Ten million.. Anyone who can beat?" Nakangising tanong muli ng babae ngunit ilang sandali ang lumipas ay walang sumagot ni isa.

"I guess, No one can beat my ten million bet for her." Matigas na ingles ng lalaki na dahan dahang tumayo at naglakad papalapit sa entablado.

He has a Perfect Jaw, Malalim at mapungay na mga mata, Tamang tangos ng ilong at mapulang mga labi and with his black tuxedo and messy hair, I can say thay he's so freaking hot!

"Sampung milyon. Ang swerte mong babae ka.." Sabing muli sakin ng mamang nasa gilid ko, kasabay no'n ang marahas na paghawak niya sa buhok ko.

"Get off your hand on her." Malamig ang tinig na sabi ng lalaking tumaya ng sampung milyon para sa akin. Mukha namang natakot ito, kaya agad akong binitawan sa buhok.

"Don't fucking do that again, or else I'll kill you." Banta niya dito ng may talim sa boses dahilan para mabilis na bumaba ang lalaki at iwan ako.

Hindi katulad kanina, hinawakan niya ako sa panga ng marahan at may pag-iingat. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigan ako na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Kasunod no'n ay ang panlalaki ang mga mata ko ng dahan dahan siyang pumikit at pinatakan ako ng mababaw na halik sa pisngi.

"You are mine now again, baby." Bulong niya at agad na tumayo para tignan ang mga tao sa baba ng entablado.

"From now on. Don't touch her. Don't hurt her. Don't fantasize her body and Fuck off your fucking eyes away from her," Sabi niya ng may awtoridad sa boses. "Because. . She's Mine." Dagdag niya at nag-iwan ng isang ngising nagpakilabot sa buong pagkatao ko.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon