Chapter 14

98.6K 1.8K 18
                                    

With a maong black short, White Spaghetti Strap and cardigan, I'm already ready for our vacation.  I messy bun my hair, para mas bumagay sa aking suot. Sinuot ko na rin ang rubber shoes.

Nakanguso naman si Sex na pinapanood akong mag ayos habang siya nakaupo sa kama, At minsan ay ngingisi magisa.

"May problema ba?" I asked. Umiling lang siya.

"So hot.." Rinig kong bulong niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahilan para matawa siya.

"Ready?" Tanong niya nang mapansin na tapos na ako at ready na lahat. It's already 6 in the morning at paalis na kami para sa 'kakaibang bakasyon' daw namin.

"Yeah." Sabi ko at huling kinuha ang shade at handa na akong umalis.

Tumayo na din siya at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang daliri bago ako hawakan sa kamay at sabay kaming bumaba para sumakay sa kotse niya.

Masyadong tahimik ang naging byahe namin kaya naman binuksan ko ang Radyo at nagpatugtog.

[Shape of you: Ed Sheeran]

"I'm inlove with your body..." Pagsabay ko sa kanta at sinabayan pa ng pagbeat gamit ang marahang pagpalo sa dashboard ng kotse ni Sex at paggalaw ng aking ulo.

Saglit namang napatingin sakin si Sex at muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

Wala sa sarili akong napangiti dahil sa kanta. I love music so much. Isa yon sa mga stress reliever ko. Patuloy lang ako sa pagkanta ng biglang ilagay ni Sex ang isang kamay niya sa hita ko at namahinga doon. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakangisi na. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin.

"Say, girl, let's not talk too much grab on your waist and put that body on me come on now, follow my lead come, come on now, follow my lead i'm in love with the shape of you we push and pull like a magnet do although my heart is falling too i'm in love with your body and last night you were in my room and now my bedsheets smell like you every day discovering something brand new i'm in love with your body.." Pagsabay niya din sa kanta. Napalingon ako sa kanya na patay malisya lamang at patuloy sa pagmamaneho.

Maganda ang boses niya. Hindi sintunado at swabeng swabe lang. Malamig at masarap sa tainga.

Napangiti naman ako dahil may tinatago din pala siyang talento. "Ang ganda ng boses mo." Sabi ko sa kanya. Sinulyapan niya ako saglit bago sumagot.

"Really? Thanks, baby." Sagot niya. Iniliko niya ang kotse at dumaan saglit sa isang fastfood.

"What do you want?" Tanong niya sakin. "Baka magutom ka sa byahe."

"Anything. Ikaw bahala." Sagot ko. Nakipagusap siya saglit sa isang babaeng nakatoka siguro para sa pagkuha ng order. Pagtapos ay pumikit siya saglit at isinandal ang ulo sa kanyang upuan.

Inilagay niyang muli ang kamay niya sa hita ko. Hindi ako nagreklamo. Tinignan ko lang siya.

Wala naman sigurong masama kung mahulog ako sa kanya diba?

Mabait naman siya at handa niya akong protektahan. Hindi naman niya ako binastos o sinaktan. Hindi naman siguro masama kung hahayaan ko ang sarili kong magustuhan siya hindi ba? Hindi naman siguro pinagbabawal na mahalin siya? Pwede bang wag ko nang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya?

Pero, Ex ko ang pinsan niya. Binili niya ako kaya ako nasa kanya, Hindi dahil mahal namin ang isa't isa. Makakasigurado ba akong hindi niya ako masasaktan? Paano kung sa oras na hayaan ko ang sarili kong mahulog sa kanya ayun din pala ang oras na nagsawa na siya sakin? Nakakatakot sumugal. Pero hindi ba't sinabi niya nang mahal niya ako? Pero paano kung hindi naman pala yon totoo?

Ang daming tanong ang biglang sumulpot sa isip ko nang titigan ko siya sa mga oras na yon. Para bang kilalang kilala ko na siya kahit hindi. Para bang matagal ko na siyang nakilala kaya ang dali mahulog ng loob ko sa kanya. Kaya parang ang daling sabihin na mahal ko siya.

"What are you thinking?"

Napakurap ako ng magsalita siya. Titig na titig kami sa mata ng isa't isa. Nanunuri ang mga mata niya, para bang inaalam ang iniisip ko.

"W-wala.." Sagot ko. Mabuti na rin at dumating na ang order namin kaya para malihis ang usapan ay ako na ang umabot ng order. Ipinatong ko ang isang braso ko sa hita ni Sex para maabot ito.

Ngumisi si Sex sa naging kilos. At dahil nasa harap niya ako ay paulit ulit niya akong hinalikan sa pisngi kahit na nasa harap lang namin ang babaeng crew.

Nalaglag naman ang panga ng babae sa ginawa ni Sex at natulala. Uminit ang pisngi ko at mabilis na kinuha ang order namin.

"Thank you." Sabi ko sa babae at umalis sa pagkakapatong kay Sex na ngayon ay malaki ang ngisi. Hinampas ko siya sa braso pero humalakhak lang siya. Sinimulan niya nang paandarin ang kotse.

"Masyado kang PDA!" Sabi ko sa kanya.

"So? Tsaka halik lang naman yon sa pisngi." Sabi niya at hindi matanggal ang ngisi sa kanyang mukha.

"Lang? E natulala nga yung babae sa fastfood!"

"Bagay daw kasi tayo. Gwapo ba naman ang humalik sayo, ewan ko lang kung hindi ka matulala." Pagyayabang niya dahilan para hampasin ko siya.

Tumawa lang siya at gamit ang isang kamay ay hinuli niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya at hinalikan ang likod non. "I love you." He whispered.

Natahimik naman ako dahil sa ginawa. Parang nawala bigla ang inis ko at naiwan ata dun sa fastfood.

Dahil sa Red light ay nahinto kami. Hinatak ko naman pabalik ang kamay kong hinalikan niya. Halatang nagulat siya doon, Pero mabilis akong kumilos at hinawakan siya sa magkabilang pisngi at hinalikan siya sa labi. Tumugon siya sa mga halik ko. Pumikit ako at hinayaan siya.

"I love you, too." I said in between our kisses. May isang butil naman ng luha ang pumatak sa mata ko pagkatapos sabihin yon. Hindi maintindihan kung ba't ako naluha.

Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung tipong sa sobrang bilis masakit na.

Dinig ko ang malakas na busina ng mga sasakyan sa likod namin. Idinilat ko ang mata ko at nakita na green light na. Lalayo na sana ako pero hinabol ni Sex ang labi ko at hinalikan ako.

"Sex, Green light na." I said.

"Isipin mo nalang na nasirain tayo kaya hindi umaandar yung kotse natin. Don't mind them." Sagot niya at hinalikan akong muli pero umiling ako at tumawa. Tumigil na din siya sa paghalik.

"Fuck." Mura niya at pinaandar na ang kotse at hindi pinansin ang ibang sasakyan na bumubusina samin.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon