Chapter 28

82.9K 1.5K 30
                                    

"Baby?" I asked Dashton dahil biglang sumagi sa isip ko 'yon. Kumunot naman ang noo niya dahil sa tinawag ko sa kanya.

"It's babe, Kas." Sagot niya at niyakap ako. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango nalang.

"Kawawa naman sila," bulong ko habang nakatingin sa mag-asawang nasa balita, hinahanap ang anak nilang babae na hindi na nagpakita. "Hinihiling ko na someday magkita ulit kayo."

Naalala ko yung mga magulang ko, simula nung maaksidente ako, hindi man lang nila ako nagawang dalawin. Buhay pa ba sila? Alam ba nila ang nangyari sa akin?

Agad kumunot ang noo ko ng i-off ni Dashton ang TV. Sinamaan ko siya ng tingin, gusto ko siyang sigawan, bastos!

"What? Hindi mo sila kilala, babe." He chuckled. Naiinis ako sa kanya.

"Sweetheart, ano bang nangyayari sa 'yo?" His mother asked him. Nagpanggap akong tulog sa kama habang si Dashton ay may inaasikasong mga papel sa sofa.

"Wala, ma. Medyo pagod lang ako." Rinig kong sagot ni Dashton.

"Pagod sa trabaho o pagod kakaalaga sa babae na yan?" Mariing tanong ng kanyang ina.

"Huwag mo siyang idadamay,"

"Sinasabi ko sa 'yo, Dashton. Itatapon ko sa basurahan ang babaeng 'yan kung papabayaan mo ang dapat inuuna mo." Sigaw ng ina niya sa kanya narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto.

"Unti-unti nang nawawala yung mga pinaghirapan namin, Dashton!" Again, his mother.

"Paulit-ulit 'ma? Ginagawan ko naman ng paraan!" Dashton shouted back.

"Kung alam ko lang na ipangsusugal at ipangdo-droga mo 'yong pera, hindi ko na sana ipinagkatiwala sa 'yo."

Nagtago ako sa kusina habang nakikita ko kung paano sila mag-away magpamilya sa sala. Napatakip ako ng bibig ng makita kung paano kwelyuhan ni Dashton ang sariling ina.

"Ginusto ko bang malubog sa ganito kalaking utang, ha? Sumagot ka!" Sigaw niya.

"P-put me down, a-anak." Natatakot na hiling ng kanyang ina. Ang pangyayari na 'yon ang naging sanhi ng takot ko na galitin si Dashton. B-baka masaktan din niya ako.

"Señorita, aba bangon na." Agad akong napabangon matapos maramdaman ang malamig na bagay na dumapo sa balat ko. Bumungad sa harapan ko yung mama ni Dashton.

"T-tita Martha, bakit po?" Bakas ang takot sa boses ko ng makita ang nag-aalab na galit sa mga mata niya. Walang pasabing hinatak niya ng malakas ang buhok ko at kinaladkad pababa ng kama.

"I-ikaw at ang ina mo, parehas kayong pasakit sa buhay ko!" Sigaw niya at sinampal ako. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Sinong ina? Ni-hindi ko nga maalala ang pangalan nila.

"Kayo ang dahilan kung bakit nagkandaleche-leche ang buhay ko ngayon!" Sigaw niya. Hindi siya nakuntento sa mga sampal at sabunot. Lumabas pa siya ng kwarto ko sandali.

Sunod-sunod na lumandas ang luha sa mata ko, gusto ko man humingi ng tulong. Natatakot akong baka lalo lang madagdagan no'n ang galit niya sa akin.

Plastic siyang ngumiti pagkapasok, bitbit ang isang piraso ng kahoy. Pinagdikit ko ang palad ko sa harap niya habang nakaluhod, nagmamakaawa.

"T-tita, baka pwede naman natin pag-usapan," hiling ko habang patuloy na umiiyak. "W-wala naman po akong alam---"

Napasigaw ako ng maramdaman ang kahoy na dumapo sa braso ko. Sobrang sakit ng hampas na 'yon parang namanhid ang buong pagkatao ko.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon