Chapter 6

111K 2.5K 271
                                    

"Baby.." Pagtawag ni Shooter sa akin pagkababa niya ng hagdan.

"Hm?" Tanong ko ng hindi siya tinitignan dahil masyado akong abala sa panonood ng telebisyon.

"I'll go to office, now." Paalam niya sakin. "Call me if you want anything, okay?" Sabi niya pa.

"Pero wala akong cellphone." Sagot ko ngunit hindi man lang siya mabalingan ng kahit isang sulyap.

"Yeah, i know. I have a extra cellphone here, Sayo na. Naka-save na yung number ko dyan." Sabi niya at iniabot sakin ang sa tingin ko'y isang mamahaling cellphone.

Binuksan ko yon para matignan. Napansin kong naka Default pa ito.

"Bago pa ito ha?" Tanong ko at sinulyapan siya. Tumango namab siya.

"Actually, Yes. Binili ko talaga yan para sayo."

Tinignan ko ang nasa contact list at iisang number lang ang nakasave doon na may pangalang "BABY SEX".

"Baby sex?" Patanong kong basa dito. Nakita ko naman ang pag ngisi niya.

"Yeah. Number ko yan."

"Baby Sex talaga? Bakit, Sanggol ka ba?" Biro ko sa kanya. Sumeryoso siya bago sumagot.

"No. I'm not a baby. Pero kaya kitang bigyan ng baby gamit ang pangalan ko." Sabi niya. If you know what i mean." Dagdag pa niya at ngumisi.

"Manyak!" Sigaw ko at tumayo para sapakin siya pero pinigilan niya ako at humalakhak lamang.

"Aww-- Stop it. Okay okay. I'm sorry. I'm just kidding." Sabi niya sakin at niyakap na lamang ako pero ramdam ko pa rin ang pagpigil niya sa pagtawa.

"Ang manyak mo talaga." Sabi ko sa kanya

"I know. Pero sayo lang naman ako ganito." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"I'll go now. Baka malate pa ako. May gagawin lang ako sa opisina." Paalam niya at pinakawalan ako galing sa pagkakayakap niya. "Yung mga bilin ko, 'wag mong kalimutan." Sabi pa niya bago ako hinalikan sa labi at iniwan akong magisa sa bahay.

Pagkaalis niya ay pinagpatuloy ko nalang ang panonood at nang magtatanghali na ay nagluto na ako ng makakain ko.

Habang kumakain ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Shooter.

Baby Sex:
Baby. Don't forget to eat your lunch.

Napanguso naman ako dahil sa text niya at agad siyang nireply-an.

Me:
I'm almost done. Eat your lunch, too.

Pagkareply ko sa kanya ay agad akong pumanhik sa kwarto at nahiga.

Gusto kong kumain ng chocolate. I'm craving for chocolates. Damn it.

Nagtipa muli ako ng mensahe para kay Sex.

Me:
Can you please buy some chocolates?

Wala pang ilang segundo ang hinintay ko nang magrehistro sa cellphone ko ang pagtawag niya na agad kong sinagot.

"You want chocolates?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Ahm. Oo." Sagot ko at tumango pa na animo'y nakikita niya ako.

"Ngayon o mamaya?" Tanong pa niya. Nahiya naman ako dahil baka busy siya sa opisina pero inistorbo ko siya.

"Ah. Nevermind. Ako nalang pala ang bibili. Sorry sa istorbo. Bye." Sabi ko at agad pinutol ang linya.

Bumuntong hininga ako bago muling bumaba sa kusina para maghanap ng makakain.

Binuksan ko ang ref niya kung may chocolates pero bumagsak ang balikat ko nang wala akong makita. Hinalungkat ko pa ito at nakita ko ang isang garapon ng nutella.

Napangisi ako at agad itong kinuha. Dahil no choice ako at gusto ko talaga ng chocolate, Kinain ko nalang ito.

Habang kumakain, Narinig ko ang boses ni Shooter.

"Baby? I'm home. May dala akong chocolates. You want this right?" Dinig kong sigaw niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil nandtio siya. Iniwan niya ba yung trabaho niya para lang madalhan ako ng chocolates? Imposible.

"Hey? Where are you-- Fuck! What the hell you're bleeding!" Natatarantang sabi ni Shooter pagpasok niya ng kusina kung nasaan ako.

Kunot noo ko naman siyang hinarap. Ano daw? Bleeding, Ako?

"Huh? Anong pinagsasabi mo--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong binuhat pangkasal at dinala sa labas para isakay sa kotse niya.

"O-oy saan mo 'ko dadalhin? Nababaliw kana ba?" Natataranta ko rin na tanong sa kanya pero hindi siya sumagot.

mabilis siyang umikot para makasakay at agad pinaandar ang kotse niya.

"H-hoy magsalita ka nga! Saan mo 'ko dadalhin? Ba't natataranta ka?" Sigaw ko sa kanya.

"You're bleeding! Nakita kitang may dugo!" Sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya pero agad akong napamura ng maramdaman kong kumirot ang puson ko.

Gusto kong kutusan si Shooter dahil sa pinaggagawa niya.

"Iuwi mo na ako. Okay lang ako!" Sabi ko sa kanya pero umiling lang siya.

"No. Dadalhin kita sa hospital." Sabi niya at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse niya.

"Damn it. Iuwi mo na ako! May mens--" Napahinto ako dahil nasa tapat na kami ng hospital at agad niya akong binuhat papasok sa hospital.

"Ano pong nangyari, Sir?" Tanong ng isang Nurse kay Shooter

"Call Sniper, now!" Utos ni Shooter sa nurse.

"D-doctor Gray, Sir?" Paguulit ng nurse.

"Fucking Yes. Emergency lang. Faster! Or else i will fire you!" Sigaw ni Shooter sa Nurse na agad naman umalis para tawagin si Six.

"Baliw ka ba? Iuwi mo na kasi ako!" Sabi ko sa kanya pero umiling lang siya.

Agad dumating si Six na naka doctor attire at agad kaming nilapitan.

"What happen? Sexy Kim are you okay?" Nagaalalang tanong sakin ni Six. Uminit naman ang pisngi ko bago tumango.

"She's bleeding. Damn it, Sniper. You're a fucking doctor right? Gamutin mo siya." Sabi ni Shooter sa kakambal.

Mukha namang nataranta rin si Six at agad tumawag ng nurse at inihiga ako sa stretcher.

"Okay. Dito ka lang ako na ang bahala." Sabi ni Six sa kakambal at agad akong pinasok sa isang kwarto.

"Check her vitals." Utos ni Six sa mga nurse pero agad akong umiling.

"N-no. Wag na. Six-- i mean Doctor Gray. Okay ako." Nahihiya kong sabi kay Six. Nagtataka naman siyang tumingin sakin.

"Magpapaliwanag ako. Pero baka pwedeng palabasin mo sila." Sabi ko na ang tinutukoy ay ang mga nurse sa gilid ko.

Tinanguan naman sila ni Six at agad lumabas.

"Are sure na okay ka? Sex told me na you're bleeding." tanong ni Six.

Uminit ang pisngi ko at gusto kong magpakain sa lupa ngayon. "A-ano. Kaya sinabi ni Shooter yon, Kasi n-nakita niya akong may dugo sa kusina.. Nataranta ata kaya ako dinala rito.. Pero may mens lang ako.." Pahina ng pahina ang boses ko nang sabihin ko yon sa kanya.

Lumipas ang ilang segundong katahimikan bago punuin ng halakhak ni Six ang buong kwarto.

"What a fucking idiot!" Sigaw niya at halos mamatay na kakatawa.

Pumasok din si Shooter na bakas ang pagaalala sa mukha pero mas lalo lang tumawa ang kakambal niya.

"Damn it, Shooter. You idiot!" Sabi ni Six sa kakambal. "May mens lang siya kaya siya may dugo, Gago!" Sabi pa nito na hindi matigil sa kakatawa at halos mapahiga na sa sahig.

Kahit ako ay hindi mapigilan ang pagbungisngis dahil sa kabaliwan ni Shooter na ngayon ay nakanguso at namumula ang pisngi at pati ang tenga dahil sa hiya.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon