Chapter 21

87.5K 1.7K 61
                                    

"Baby.." Tawag sakin ni Sex pero hindi ko siya pinapansin. Magiilang araw na rin simula ang away namin pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya pinapansin.

Nahulog na ako. Mahal ko na siya e, Pero pakiramdam ko hindi niya ako kayang saluhin. Simpleng paglagay nga ng label sa aming dalawa hindi niya magawa, paano pa ang suklian ang pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.

"Hey, Galit ka pa rin ba?" Tanong niya sakin pero hindi ako umimik. "I miss you, baby."

Niyakap niya ako galing sa aking likuran at isinuksok ang mukha niya sa leeg ko pero nagpumiglas ako.

"Forgive me please. I love you." He said while kissing my neck.

Napapikit naman ako hindi dahil sa mga halik niya kundi dahil sa sinabi niyang mahal niya ako.

"Ano bang ikinagagalit mo? Si Patricia--"

"Fucking stop that 'Patricia' naiirita 'ko." Sagot ko at kinurot siya sa braso. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at tinignan ako habang nakanguso.

"Jealous?" Simpleng tanong niya. Kumunot naman ang noo ko at mabilis na umiling.

"Bakit naman ako magseselos? Hindi naman kita boyfriend o asawa. So wala akong karapatan." Sagot ko at iniwas ang tingin ko sa kanya.

Ngumisi naman siya at pinatakan ako ng mumunting halik sa aking pisngi at idinikit ang pisngi niya sa pisngi ko, animo'y pusang naglalambing sa kanyang amo.

"Asawa kita." Bulong niya sakin.

"No. I'm not. Binili mo lang ako. Pero hindi asawa." Sagot ko.

"Yes, you are." Sabi niya. "I am your husband, And you are my wife."

"Seriously? Wala akong natandaan na pinakasalan kita nung binili mo 'ko." Sakastiko kong sagot dahilan para tumawa siya.

"Kailangan ba ng kasal bago kita tawaging asawa ko?" He asked in a playful tone.

"Yes. 'Ni singsing nga wala e. So paano kita naging asawa?" Tanong ko. "I'm a single mom."

"You're not single. Asawa mo 'ko--"

"No." Putol ko sa sinasabi niya.

"Boyfriend then." Sabi niya animo'y napilitan.

Boyfriend, huh?

"May label na tayo. I'm your boyfriend, now.  Pwede mo na ako bakuran." Sabi niya sakin at ramdam ko doon ang aliw.

"Bakuran your ass." Sagot ko at inirapan siya.

"I like it when you're too possessive to me. It's turning me on."  He whispered.

"So what? You're my boyfriend right? Ayokong may kahati." Sagot ko na animo'y nakalimutan ko na ang pinagmulan ng away naming dalawa.

"I'm all yours baby." Sagot niya.

"Then you're mine. Only mine." I said using my serious voice. Narinig ko naman ang mura niya.

"Fuck. Calling me Sex is Nice, Calling me baby is great, But calling me 'yours' is all I want. Damn it." Bulong niya sakin at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

Muli nanaman kaming naistorbo dahil sa tawag sa cellphone ni Sex. At agad kumulo ang dugo ko nang makita doon ang hindi nakarehistrong numero ng babaeng yon kasama ang halos mahigit isang daang missed calls. Bitch.

Kinuha ko ito at pinasagot kay Sex pero umiling ito. Binantaan ko siya ng masamang tingin dahilan para ngumuso siya at sagutin ang tawag.

"Hello." Sagot niya dito.

"Babe! I miss you! Its me, Patricia Maelan," Bungad ni Patricia sa kanya.

"Sex please. Kahit ngayon lang pumayag kanang makipagkita. Please. I miss you so much." Sabi pa nito pero hindi umimik si Sex. Humalukipkip naman ako dahil namumuro na talaga sa akin ang babaitang 'to.

"Actually nasa labas ako ng bahay mo ngayon. Pwede pumasok?" Tanong nito na may ibang kahulugan ang huling sinabi at malanding tumawa.

Umalis naman ako galing sa pagkakayakap ni Sex at dumeretso sa bintana at marahan itong binuksan. Nakita ko doon si Patricia na nakatayo sa harap ng gate suot ang isang pulang short fitted dress at pumps habang bitbit ang kanyang bag.

Akmang lalabas ako ng pinto para puntahan sa labas si Patricia ng agad ibaba ni Sex ang kanyang cellphone at pinigilan ako.

"Kaya ko ang sarili ko. Hindi ka talaga titigilan ng babaeng yan kung wala akong gagawin," Sabi ko. "Kapag pinigilan mo 'ko tayo nanaman ang mag-aaway. Sinasabi ko sayo."

Napasabunot siya sa buhok niya at sinamahan akong bumaba. Pinauna ko siyang lumabas sa pintuan. Nakita ko kung paano umaliwas ang mukha nung babae niya na lalong nagpakulo ng dugo ko.

"Babe!" Tili niya at tumakbo papalapit kay Sex. Niyakap siya nito pero hindi kumikilos Sex.

"Patricia, right?" I asked. Napatingin sa akin yung babae niya. Ngunit imbes na matakot ay nagyayabang pa itong tumingin sa akin.

"Your sister?" Tanong niya kay Sex, halatang nang iinis lang. Plastik akong ngumiti sa kanya.

"Alam kong maganda ako pero hindi niya ako kapatid," sarkastiko akong tumawa. "I'm his wife."

Umalis si Sex sa tabi ni Patricia at lumapit sa akin. Inangkin niya ako gamit ang braso niyang pumulupot sa beywang ko. "Relax," He chuckled. "Ikaw lang naman ang mahal ko."

Nakita ko ang selos sa mata ni Patricia kaya napangiti ako. "You know ang ganda ng pangalan mo, Patricia Maelan." Sabi ko.
"Your surname is Dee, right?" Kumunot ang noo niya.

"Patricia Maelan Dee." I said. Frustated siyang nagpapadyak ng sapatos niya at tinapon ang bag niya. Ang sama ng tingin niya pero nilabas ko lang ang dila ko sa kanya. Walang pumulot ng bag niya kaya siya rin ang pumulot no'n tapos ay nagdadabog na umalis.

Inalis ko naman sa beywang ko ang kamay ni Sex at sinamaan siya ng tingin. Magsama sila. Sinira nila ang araw ko.

"Hindi na siya magpaparamdam. 'Wag kana magselos," Sabi niya sakin. Hindi ako umimik at naupo sa sofa. "Hey, Talk to me." Naupo rin siya sa tabi ko.

"Mahirap iwasan magselos." Tanging nasagot ko at inirapan siya. Tinusok niya ang pisngi ko at tumawa. "My baby is jealous."

Naramdaman kong parang bumaliktad ang sikmura ko. Tumakbo kaagad ako sa banyo at halos yakapin ko na ang toilet bowl nang sunod-sunod ang naging pagsuka ko. Pakiramdam ko gustong lumabas ng mga organs ko. Maluha-luha na ako ng daluhan ni Sex.

"May nakain ka bang sira?" He asked. Inipon niya ang buhok ko gamit ang palad niya, pinunasan ang pawis sa noo ko.

"Nasusuka ako sa inyo ng babae mo." Sabi ko.

Tumayo ako at nagmumog sa lababo. Nakahukipkip lang siya habang nakatingin sa akin. Naalala ko nung unang beses ko dito sa bahay niya, ganitong ganito siya. Inayos ko ang sarili ko bago naghandang umalis sa banyo. Binunggo ko pa ang balikat niya.

"Anong gagawin ko para hindi ka magselos?" He asked. Umiling ako. Gusto ko nalang magpahinga, sumasakit ang ulo ko. Inalalayan niya ako hanggang makapasok ako sa kwarto.

"Sa susunod na magselos ka, papakasalan talaga kita." Sabi niya, hinalikan ako sa noo at kinumutan bago hinayaan magpahinga.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon