Chapter 7

107K 2.2K 39
                                    

"Stop laughing." Sabi sakin ni Shooter na hanggang ngayon ay namumula dahil sa kahihiyang ginawa niya kanina.

Nandito pa rin ako sa kwartong pinagdalan sakin ni Six kanina at nakaupo sa kama, habang si Sex ay nasa gilid ko at si Six naman ay nakaupo sa sofa at pinagtatawanan pa rin ang kakambal niya.

"She's bleeding!" Panggagaya pa niya sa sinabi ni Shooter kanina na ikinabungisngis ko dahilan para samaan niya ako ng tingin at murahin naman niya si Six.

"Fuck you, Sniper. Fuck you." Mura niya na ikinatawa lang ni Six.

"Nakakahiya ka, Shooter. Ayaw na kitang kakambal." Biro nito.

"Nakakahiya din magkaroon ng kakambal na abnormal tulad mo." Sagot ni Shooter.

"Atleast i'm not an idiot like you." Pagmamayabang ni Six.

"Get lost." Sagot naman ni Shooter at hindi pinansin ang pangaasar ng kakambal niya.

"Uh, Excuse me Doctor Gray. May naghahanap po sa inyong babae sa labas." Singit ng isang nurse na kakapasok lang sa kwarto.

"Hm? Okay. Susunod ako." Sagot ni Six at agad lumabas ang nurse. Inayos naman ni Six ang nagusot niyang coat at nagseryoso. Sinuklay din niya gamit ang daliri niya ang kulay pula niyang buhok, And I find it hot.

"I have to go. May aasikasuhin lang ako." Sabi ni Six na animo'y ekspertong doktor kung magsalita. "Pagaling ka Sexy Kim." Biro pa nito.

"Where's Six, Huh? Palabasin niyo siya! I want to kill that fucking asshole!" Dinig kong sigaw ng isang babae sa labas. Napanguso naman si Six dahil sa narinig at nagdadabog na parang batang lumabas sa kwarto at iniwan kaming dalawa.

"Sino kaya yon?" Tanong ko kay Sex.

"Idunno. Maybe one of his fling, I guess." Bored na sagot niya sakin.

"Baka pwede na tayo umuwi?" Tanong ko sa kanya. "I have a napkin down there. Don't worry." Namumula ngunit nangingiti ko pang dagdag. Ngumuso din siya at sinamaan ako ng tingin.

"Forget what I did. Isipin mong hindi yon nangyari." Nahihiya niyang sabi at agad tumayo. "Babayaran ko lang yung bills mo kay Sniper." Sabi niya at hinalikan ako bago lumabas ng kwarto.

PAGUWI ko galing hospital ay agad akong pinaupo ni Sex sa sofa at inabot sakin ang isang paper bag.

"You want chocolates, right? Ayan yung dala ko kaninang umaga." Sabi niya sakin. Binuksan ko ang paper bag at nakita ko ang iba't ibang klaseng tsokolate sa loob non.

"S-salamat." Sagot ko sa kanya.

"What do you want? I'll cook our dinner." Tanong niya pa.

"Nah. Ayoko nang kumain. Busog ako." Sagot ko sa kanya. "Panhik lang ako sa kwarto." Sabi ko pa at iniwan siya sa sala at dinala ang paper bag na may mga chocolates.

Napagpasyahan kong maligo na muna bago matulog. Lumabas ako sa banyo nang nakatapis ang tuwalya sa aking katawan at naghanap ako ng masusuot kong damit. Naghanap ako ng damit ko sa closet ngunit panay dress or jeans lang ang nandoon.

Sa paghahalungkat ko nakita ko ang isang red at medyo manipis na damit at halatang kapag sinuot ko ay makikita na ang kaluluwa ko.

Pero dahil no choice ako, Kinuha ko yon at isinuot. Ako lang naman magisa sa kwarto kaya pwede na 'to.

Naupo ako sa gilid ng kama at pinupunasan ang basa kong buhok.

Paglipas nang ilang minuto, Nahiga ako sa kama at nagtaklob ng kumot sa katawan ko at napatitig sa kisame habang hinihintay na dalawin ng antok.

Halos mag aalas nwebe y medya na nang tignan ko ang orasan sa gilid ng kama ko.

Pipikit na sana ako ngunit naramdaman ko ang dahan dahang pagbukas ng pintuan ng kwarto.

Nagtulugtulugan ako at pinapakiramdaman kung sino naman ang pumasok sa kwarto ko. Baka magnanakaw o akyata bahay? Ngunit agad nawala ang kaba sa dibdib ko nang manuot ang pamilyar na amoy ng pabango niya sa ilong ko.

Naramdaman ko rin ang pag-uga ng kama at ang pagdikit ng braso niya sa braso ko.

"I know na gising ka pa. Wag kana magkunwari." Bulong niya sakin na may kasamang mahinang pagtawa. Idinilat ko naman ang mata ko at bumungad ang sobrang lapit na mukha ni Shooter sakin.

"A-anong ginagawa mo dito? Diba doon sa kabilang kwarto natutulog?" Gulat kong tanong kay Shooter ngunit imbes na sumagot ay isiniksik niya lang ang mukha niya sa leeg ko at hinapit ako sa bewang papalapit sa kanya at niyakap ako.

"Nothing, baby." Bulong niya sakin. Nakiliti naman ako sa hininga niyang tumatama sa leeg ko dahilan para maitabingi ko ang ulo ko at madinig ang pagtawa niya.

"Doon kana sa kabilang kwarto, Sex." Sabi ko sa kanya.

"Pangalawang beses mo pa lang akong tinawag na Sex." Sabi niya as a matter of fact.

"So?"

"I don't like Sex, anymore. Call me baby Sex." Bulong niya.

"Kagaya nung name mo sa contact ko?" Natatawa kong tanong. Ramdam ko naman ang pagtango niya.

"Why? Ano ka sanggol?" Biro kong muli katulad ng sinabi ko sa kanya kaninang umaga.

"Nah. I'm not a baby pero I can give you a literal baby gamit ang pangalan ko." He whispered using his sexy voice.

"Tigil tigilan mo nga ako, Sex." Sabi ko sa kanya.

"Baby Sex, kasi." Sabi niya.

"Baby Sex, then." Sagot ko.

"Thank you." Bulong pa niya pero hindi ako sumagot dahil naramdaman ko ang daliri niyang dahan dahang gumuguhit ng bilog sa bewang ko na nagbigay ng kiliti sabayan pa ng mumunting halik na ibinigay niya sa leeg ko.

"S-stop it, Sex--- I mean b-baby Sex." Mahina kong saway sa kanya.

"Fuck. I'm sorry. Your baby Sex is turning me on plus the fact that you are wearing an offensive clothes right now." Paghingi niya ng paumanhin at siya na mismo ang nagkumot sakin at niyakap na nalang ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. "I'm sorry again, Baby. Goodnight." Bulong pa niya at hinayaan akong dahan dahang pumikit dahil sa antok.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon