Chapter 20

89.8K 1.7K 73
                                    

"Anong english ng aso?" Nakangisi kong tanong kay Sex habang nakaupo sa sofa at siya ay nakatutok sa laptop niya. Mag iisang linggo na siya dito sa bahay nagta-trabaho. Feeling ko isang araw, babagsak na ang kompanya niya.

"Dog." He answered.

"How about pusa?"

"Cat."

Napabungisngis ako dahil sa pagsagot niya sa bawat tanong ko kahit na hindi niya ako matapunan ng tingin kapag sasagot dahil masyado siyang tutok sa laptop at inaasikaso ang karamihan sa kanyang trabaho.

"three times two?" I asked him again playfully.

"Six."

"And Six plus nine is?"

"fifteen." He answered again, Ignoring my playful tone.

"Mali!" Natatawang kong sabi sa kanya. Nakita ko naman kung paano magsalubong ang magkabila niyang kilay tapos  ay nagtataka akong tinignan nito.

"Sixty nine kaya!" sagot ko at humagalpak ng tawa. Kahit siya ay pasimpleng napangiti dahil sa sagot ko. Tumayo ito galing sa pagkakaupo at akmang pupunta sa kusina ng hatakin ko ang suot niyang damit at parang pusang naglalambing na tumingin sa kanya.

"Sama ako.." Sabi ko sa kanya. Tumaas naman ang isang kilay niya at ngumisi. Pailing iling siyang binuhat ako at dinala sa kusina.

"There.." Sabi niya nang maiupo niya ako sa stool at dumiretso siya sa ref at kinuha ako doon ng maaaring makain.

"What do you like, Red or Green?" Tanong niya sakin habang pinapakita ang dalawang magkaibang kulay na mansanas.

"Red." Sagot ko at inihanda iyon para sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya at wala sa sariling napapangiti. Ganito ba talaga kapag maganda ang gising o natural na talaga sakin ang ganito.

Nasa kasarapan ako ng pagkain ng tumunog ang cellphone ni Sex sa tabi ko at nag-register doon ang isang walang pangalan na number.

Kinuha ko ito at sinagot. Hindi ako nagsalita bagkus ay pinakinggan ko lang ang nasa kabilang linya.

"Hello, Sex. It's me Patricia." Malanding bungad nito sa akin.

"Are you free today? Let's date, please." Sabi pa nito pero tumaas lang ang kilay ko.

"Alam kong nagtataka ka kung saan ko nakuha ang number mo. I have my ways, babe." Sabi pa niya dahilan para kumulo ang dugo ko. Babe huh?

"Hey? Are you there? Ba't hindi ka nagsasalita?" Tanong pa niya pero ni loud speaker ko ang cellphone ni Sex at marahang ibinaba sa lamesa para marinig nila.

"Babe? Are you there?" Sabi pa nito na may halong landi. Malamig ko namang tinignan si Sex. Humalukipkip ako at pinabayaan magsalita ang malanding babaita sa kabilang linya.

"Hindi mo pa rin ba ako kakausapin? I know na hindi mo lang ako pinapansin dahil sa babaeng yon. But babe pwede namang itago diba? Alam ko namang hindi ka seryoso sa babaeng yan diba? Hindi mo naman siya mahal diba? Kahit patago Sex, Papayag ako, Pansinin mo lang ako. I'm inlove with you---"

"Walang balak makipag relasyon sa isang impokritang haliparot na may determinasyon manlandi na kagaya mo ang asawa ko. By the way it's me again, Mrs. Gray, His wife." Sagot ko dahilan para matahimik siya sa kabilang linya. "What's that babe word, huh? Eh kung isampal ko kaya sa mukha mo yang babe mo, Gusto mo yon? Ibang lalaki ang landiin mo wag ang pagmamayari ko, Dahil baka maaga kong ipakita sayo kung ano ang ang itsura ng impyerno," Sabi ko pa. "Patagong relasyon? Eh kung itago kaya kita sa lupa para wala nang Malandi sa mundo? Dont. Fucking. Call. Him. Again. Bitch." Huling sabi ko at pinatay ang linya.

Naiinis akong tumayo galing sa pagkakaupo at nagdadabog na iniwan siya. Nawalan ako ng gana dahil sa babaeng yon.

Matagal niya na bang kausap 'yon? Bakit wala man lang siyang sinasabi? Ang tangan mo, Kas. Ang tanga tanga mo.

Ba't ba nag-ilusyon ka na magugustuhan ka ng gago na 'yon? Sino ka ba? Binili ka lang naman niya. Magpasalamat ka nalang at hindi ka pa niya tinatapon, huwag kana humiling ng higit pa do'n.

"B-baby.." Rinig kong tawag ni Sex sakin pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang ako papanhik ng kwarto namin.
Inilock ko ang pinto para hindi makapasok si Sex at naupo lang ako sa kama at huminga ng malalim.

Umawang ang labi ko dahil sa pagpipigil na umiyak. Marahan kong hinampas ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "Wag kang umiyak, Kas." Mahina kong bulong sa sarili ko. "Maliit na bagay lang yon."

Agad kong pinalis ang luhang pumatak sa mata ko pero napamura ako ng sunod sunod itong pumatak hanggang sa hindi ko na napigilan at napahagulgol ako sa iyak.

"B-baby.." Dinig kong boses ni Sex. Hindi ko siya nalingon kahit na nasa tabi ko na siya. Sinubukan niya akong hawakan pero pinigilan ko iyon.

"Hinahanap kana ni Patricia," Mahina kong sabi habang pinipigilan ang hikbi. "S-sana man lang sinabihan mo 'ko." Mapait akong ngumiti

Alam kong wala akong karapatan, Dahil wala naman kaming relasyon. Ngayon ko lang naalala na hindi nga pala kami kasal at hindi rin kami mag nobyo. Wala nga pala kaming label. Hindi nga pala sapat ang sinabi niyang mahal niya ako para panghawakan ko.

"A-ano nga palang karapatan kong paalisin ka, hindi ba? Hindi naman tayo legal na mag asawa. Binili mo nga lang pala ako." Sabi ko habang pilit na pinupunasan ang luha sa aking mga mata.

"Kung may r-relasyon kayo.. Okay lang. 'Wag mo na akong intindihin.." Sabi ko at hindi napigilan ang pagpiyok pero nanatili siyang tahimik.

"Mahal kita.." Ang tanging nasabi niya.

"Kung pampalubag loob lang yan, Kaya mo s-sinasabi na m-mahal mo 'ko. Tama na." Sagot ko at hindi matigil sa pagiyak.

"I'm sorry.." Sabi niya at marahan akong niyakap at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya at paulit ulit na hinalikan ang buhok ko pero nagpupumiglas ako.

"Wala kaming relasyon. Ikaw lang ang mahal ko Kas. Ikaw lang.." Bulong niya sakin dahilan para mas lalo akong maiyak. "Kung alam mo lang, Kas. Kung alam mo lang ang nangyari.. Hindi mo 'ko pagdududahan.." Bulong niya pa at ramdam ko ang pait at sakit sa boses niya.

"Stop crying, Baby. Please." Paulit ulit niyang sabi pero umiyak lang ako lalo at hindi nagsalita.

"I love you since i met you, I wish you can remember that.." Bulong pa niya sakin.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon