Chapter 12

100K 2.1K 42
                                    

"E-excuse me Sir, May new client po sa labas." Sabi ng secretary ni Sex na mukhang nahihiya ngayon.

Sinama niya ako ngayon sa opisina niya dahil mabobored lang daw ako sa bahay at baka dumating nanaman yung mga kaibigan niya at wala siya doon para protektahan ako. Tsk. Sariling kaibigan walang tiwala.

It's been three weeks since nung may nangyari samin, The heck. At kung umasta si Sex ngayon ay parang kahapon lang may nangyari samin. Damn.

Madalas kasing pumunta sa bahay ang mga kaibigan niya upang inisin lang siya o kung hindi naman ay may kinakausap siya nito minsan tungkol sa mga business nila kaya mas gusto niyang kasama ako sa opisina upang hindi daw ako magulo ng mga kaibigan niya.

"I'm not free. Busy ako." Sagot ni Sex pero hindi matanggal sakin ang mga titig niya.

"Pero sir, Isa po sila sa malaking client---"

"You're fired." Bored na sagot ni Sex sa kanya.

"S-sir?" Nauutal at hindi makapaniwalang tanong nito.

"You're fired. Get lost." Sabi ni Sex na hindi man lang tinignan o sinulyapan ang kanyang sekretarya. Maluha luha naman at bagsak ang balikat nitong lumabas.

"Bakit mo siya tinanggal sa trabaho?" Sigaw ko kay Sex na titig na titig pa rin sakin.

"Hindi siya marunong umintindi. Sinabi ko nang busy ako pero pabalik balik siya at sinasabing may bagong kliyente." Sagot nito.

"Wala na siyang trabaho! Mahirap maghanap ngayon. Baka may pinapaaral siyang mga kapatid--"

"Wala. Maliban sa pagsusustento sa boyfriend niya. Wala na siyang pinaglalaanan ng sinasahod niya sakin." Sagot niya. "Don't get me wrong. Nalaman ko yun sa resume niya."

"Wala ka na ring secretary." Sabi ko sa kanya. Hinablot niya ako sa aking palapulsuhan at ikinandong sa kanyang hita.

Hinalikan niya ako sa aking batok bago ako sagutin. "You can be my Sex-ytary if you want." Bulong niya at idiniin talaga ang salitang 'Sex'.

"Hanggang dito ba naman?" Sarkatiko kong sabi sa kanya pero ngumisi lang siya at ang halik niyang nasa batok ko ay napunta sa likod ng aking tenga at marahan itong hinahalikan at kinakagat.

"A-ano ba S-sex.." Mahina kong saway sa kanya. Gumapang ang kamay niya sa aking hita at nanatili ito doon.

"S-sex baka may pumasok.." Sagot ko at medyo kinakabahan.

"Ako lang naman ang papasok.." Makahulugan niyang sabi dahilan para uminit ng husto ang mukha ko at magbalik sa akin ang ginawa namin nung lasing ako.

"Tigilan mo 'ko Sex. Masasapak kita." Sabi ko sa kanya. I can see in his gray eyes the lust and desire.

Pero agad akong kinabahan at pilit inalis ang braso niyang nakapulupot sa aking bewang at ang kamay niyang namamahinga sa aking hita nang may kumatok sa pintuan.

"I'm not available." Sabi ni Sex na hindi pinansin ang pagkatok sa pintuan.

Pero nanlaki ang mata ko nang bumukas ito ang bumungad sa amin ang isang lalaki.

Napaawang ang labi ko at mabilis na nangilid ang mga luha sa aking mga mata dahil sa lalaking nasa harapan namin ngayon. Nilingon ito ni Sex at agad sumama ang itsura niya.

"Kamusta na, Pinsan?" Bati nito kay Sex na may malaking ngisi sa mukha na halatang nang aasar. Suot ang isang Black na shirt, Jeans at rubber shoes ay mayabang siyang nakatayo sa tabi ng pinto.

"What are you doing here, Dashton?" Malamig na tanong ni Sex dito.

"Hindi mo ba kakamustahin ang pinsan mo, Shooter?" Nang aasar nitong tanong.

"You're not my cousin." Sabi ni Sex.

"Yes I am." Sagot nito.

Pumatak ang isang luha sa aking mata ng marinig ko ang pangalan niya.

"Dashton.." Bulong ko. Parehas silang napatingin sa gawi ko. Makikita sa mukha ni Dashton ang pagkagulat samantalang pagaalala nanaman ang kay Sex.

"Hey. Anong nangyari? Ba't ka umiiyak?" Nagaalalang tanong ni Sex sakin at pinahid ang luha sa aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaki. Umawang ang aking labi at pinipigilan ang hikbi.

"Answer me, baby.." Sabi pa niya.

"K-kim.." Nauutal na tawag sakin ni Dashton.

"What? Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Sex.

"S-she's my Ex." Sabi ni Dashton. Nagtatanong naman ang tingin ni Sex sakin ngayon.

"Ikaw... Ikaw yung dahilan kung bakit ako napunta sa bar na yon diba? Kaya ako pinagpustahan ng mga walanyang matanda noon!" Umiiyak kong sigaw ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Sa sobrang galit ko ay umalis ako sa tabi ni Sex at nilapitan siya at pinagsasapak sa dibdib.

"May pinaamoy ka sa akin nung gabing yon hindi ba? At nagising nalang ako na nakatali ako sa stage at pinapepyestahan ng tingin ng manyak na matatanda sa bar para maiuwe! Bakit? Dahil sa utang mo at ako ang ginawa mong pambayad!" Sigaw ko. Humagulgol ako ng iyak pero nilapitan ako ni Sex at isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib at inalo ako.

"Stop crying baby..." Bulong niya.

"H-huh? Ako ba ang may kasalanan o malandi ka lang talaga? Bakit ako ang sinisisi ko, Baka naman ikaw mismo ang nagpunta doon para ibenta yang katawan mo! Malandi ka hindi ba? Malandi---" Hindi na natapos ni Dashton ang sinasabi niya dahil sinapak siya ni Sex na nakapagpatumba sa kanya.

"ASSHOLE! Wag mo siyang tawaging malandi dahil hindi mo siya kilala! Gago ka pala e'! Yung taong sinasabihan mo nang malandi at ipinambabayad utang mo ay pinapangarap ko lang naman. So shut the fuck up!" Sigaw ni Sex sa kanya at sinipa siya dahilan para tumulo ang dugo sa kanyang bibig.

"Umalis ka sa harap ko ngayon. Magtago ka. Wag kang magpapakita sakin dahil maglalaro tayong dalawa." Nakangising sabi ni Sex dito. Pero ang ngising iyon ay nakakatakot. "Hide and kill. You like that? Magtago ka ng mabuti, Dahil kapag nakita kita... Patay ka." Sabi ni Sex.

"You can't do that to m-me! I'm your cousin. Hindi mo 'ko papatayin dahil lang sa malanding babae na yan--"

"So? You're not my cousin." Sagot ni Sex.
"Magtago kana. Because the game starts now." Sabi pa nito at nilapitan ako. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang mabilis at paika ika na lakad ni Dashton palabas para umalis.

"I'm sorry about that." Malambing niyang sabi sakin at malayo sa Sex na galit na galit at nakakatakot kanina lang. "Wag ka sanang matakot sakin.." Bulong niya at niyakap ako ng napaka higpit. "I'll protect you. I can be your shield in this war. I promise." Bulong pa niya. Tumango naman ako at niyakap din siya.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon