Chapter 9

106K 2.1K 43
                                    

"Let's go to the bar." Aya ni Sex sa kakambal na nagdadrama sa isang sulok.

"Ayoko pang matali.." Bulong nito sa kawalan.

Parang kanina lang tuwang tuwa pa siya dahil kakausapin ko yung babaeng dapat papakasalan niya, Pero iniwan lang namin saglit nakaupo na ito sa isang sulok at nagdadrama.

"Hey, Asshole. Let's go to the bar. Iinom mo lang yan. Mukha kang tanga." Sabi pa ni Sex.

Nilingon naman siya ni Six na may nangingilid na luha.

"Jusko po, Six." Nasabi ko nalang sa hangin habang tinitignan ang kambal. "Akala ko matino at seryoso, May kabaliwan rin palang tinatago." Bulong ko pa.

"Ayoko pang makasal. Hindi ko maikakalat ang lahi ko kapag nakasal ako." Sabi ni Six sa kakambal.

"Gago." Sagot ni Sex. "You're a fucker." Sabi pa nito.

"Anong gagawin ko?" Tanong nito.

"Magpakalalaki ka, You asshole. Ginamit mo diba? Edi panindigan mo kung may nabuo." Seryosong sagot ni Sex.

"Sana wala." Bulong ni Six. "Tara na nga. Bar nalang tayo. Susulitin ko na ang pagiging binata ko." Sabi nito at hahatakin na sana palabas ni Six ang kakambal ng lumapit sakin si Sex.

"Baby. I'll just go the bar. Pwede? Sasamahan ko lang si Six." Paalam nito sakin.

"Y-yeah. Okay lang, 'Di mo na kailangan magpaalam." Sabi ko sa kanya.

"Kesa magpaalam ka, Ba't di mo nalang isama? Sexy Kim Sumama kana. Baka mambabae pa yan don." Sabat naman ni Six habang natatawa.

"I'm not a flirt like you." Sagot naman ni Sex.

"Really? Eh mas marami ka pa ngang naikama kesa sakin--"

"Shut up or die?" Banta ni Sex sa kakambal na agad tumahimik.

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Six.

"Baby. Can I?" Tanong muli ni Sex.

"Go. Samahan mo na siya." Sagot ko at aakyat na sana sa taas ng hawakan niya ang kamay ko.

"Jealous?" Nakangisi niyang tanong sakin. Napataas naman ang kilay ko at hindi naiwasan ang pagtataray.

"Nah, i'm not. Don't assume too much." Sagot ko pero humalakhak lang siya.

"My baby is Jealous." Sabi niya at hinatak ako para mayakap niya pero hinampas ko lang siya sa dibdib at nagpumilit kumawala pero tumawa lang siya. "Don't worry, Matagal na yon. I'm a goodboy now, because of you." Bulong nito sakin.

"So cheesy and corny." Sigaw ni Six at umakto pang nandidiri. "Let's go!" Sabi pa nito.

"I'll punch him." Bulong ni Sex sakin. "Isasama na kita. Pero hindi ka iinom. Sasama ka lang." Paalala niya at pinagpalit ako ng damit bago umalis.

With Ripped Jeans and Spaghetti strap and a cardigan, Hinayaan niya akong sumama.

"One vodka, please." Sabi ni Six sa bartender pagdating sa bar at agad naupo sa isang bakanteng upuan.

"How 'bout you? You want juice?" sabi ni Sex sakin at inilapit pa ang labi niya sa tenga ko dahil masyadong malakas ang musika. Tumango naman ako.

"One Orange Juice." Sabi ni Sex.

Tinignan ko naman si Six na agad tinungga ang isang bote ng alak na kakabigay pa lang nung bartender sa kanya.

"Here." Sabi ni Sex at inabot sakin ang isang orange juice.

Pinagmasdan ko naman ang mga taong masayang nagsasayawan sa gitna at sinasabayan ang musika. May mga nakikipaghalikan sa gilid at may naglalandian sa sofa. So PDA.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon