Chapter 5

122K 2.4K 155
                                    

Halos isang linggo na ang lumipas simula nung dalawin namin si Six at ang ginawang paghalik sa akin si Shooter sa hospital.

"Wala ka pa rin bang balak kausapin ako?" Tanong niya sakin kinaumagahan habang kumakain kami.

Sandali ko siyang sinulyapan pero agad ko din itong inalis at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Baby.." Malambing niyang tawag sakin. "Please talk to me.." Sabi pa niya.

Bumuntong hininga ako bago siya sagutin. "What?"

"Please talk to me.." Sagot niya.

"Kinakausap na kita.." Pabalang ko ding sagot sa kanya.

"Yung nangyari, Pagusapan natin." Seryosong sabi niya sakin.

"Alin?" Prangka kong tanong sa kanya dahil naiinis talaga ako. Mariin siyang pumikit at huminga ng malalim bago ako sinagot.

"Kung ano ang ikinagagalit mo, Yon ang pag uusapan natin." Sagot niya sa mababang tono.

"Hindi naman ako galit."

"Hindi ka galit pero ilang araw mo na akong hindi pinapansin, o kung papansinin mo man ako pagalit o pasigaw ka pa kung magsalita. Hindi ka pa galit sa lagay na yan?" Sarkastiko niyang sabi sakin dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"Alangan namang matuwa pa ako? H-hinalikan mo ako sa mismong hospital, hindi ka man lang nahiya sa kapatid mo sa kwarto. P-paano kung may nakakita sa atin?" Pahina ng pahina ang boses ko.

"So what? Sa tingin mo hahayaan kitang makita ng iba na gano'n ang itsura?" Sagot niya at halatang iniingatan ang bawat salita. Napairap ako.

"Ayon lang ba?" Nakangisi niyang tanong. "Don't worry, sa susunod sa private room na kita hahalikan."

"Ang bastos mo." Naiinis kong sagot sa kanya pero humalakhak lang siya.

"Just kidd--" Hindi na natapos ni Shooter ang sasabihin niya dahil sa pagsigaw ng kakambal niya.

"Goodmorning!" Masiglang bati ni Six pagpasok niya sa kusina kung saan kami nag-aagahan ni Shooter. Nagulat ako dahil nandito na kaagad siya. Hindi pa naghihilom yung galos pero halatang okay na siya.

"Goodmorning!" Masaya ko ding bati kay Six at agad siyang nilapitan. "Nagalmusal kana?" Tanong ko at umiling siya. "Sabayan mo na kami." Aya ko sa kanya.

"Thank you Sexy Kim." Sagot niya at agad naupo sa tabi ng upuan ko.

"What are doing here, you fucker.." Naiirita nanaman sabi ni Shooter sa kakambal.

"Nakikikain." Simpleng sagot ni Six at walang hiya hiyang kumain.

Natatawa naman akong naupo sa tabi niya at kumain din. Hindi pinansin ang mga masasamang titig na ipinipukol ni Shooter samin.

Habang kumakain, Bigla kong napansin ang tingin ni Six sakin habang may nakakalokong ngisi sa mga labi.

"Sexy Kim.." Tawag niya sakin. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.

"Ang dumi mo naman kumain." Natatawa niyang sabi sakin at gamit ang hinlalaki at inlis niya ang dumi sa gilid ng labi ko. Nilapit din niya ang mukha niya sakin at bumulong. "Don't worry. Gusto ko lang sirain ang umaga ng kambal ko." Sabi niya sakin at mahinang tumawa.

Napatingin naman ako kay Shooter na naka igting nanaman ang panga at kung nakakamatay lang ang titig niya ay siguradong pinaglalamayan na kami ngayon ni Six.

Pero hindi ko rin maiwasan ang maaliw dahil sa itsura niya. Mas lalo siyang gwapo sa paningin ko kapag galit siya o kaya'y nakasimangot.

"What the hell is that 'SEXY KIM' Thing? Huh?" Tanong niya samin ni Six.

"Endearment." Simpleng sagot ni Six na tinatago ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi.

"Fuck you." Sagot ni Shooter sa kakambal. Ngunit imbes na magalit si Six ay inakbayan niya pa ako.

"Why? Is there any problem?" Ramdam ko ang aliw ngayon sa tono ng boses ni Six.

"Yeah. There's a fucking problem." Seryosong sagot ni Shooter. "Alisin mo yang braso mo sa balikat ng asawa ko, Kung ayaw mong paglamayan ka ngayon." Malamig na sabi pa niya.

Humalakhak naman si Six dahil sa sinabi ng kakambal at agad inalis ang braso niyang nakaakbay sakin.

"So fucking serious.." Naiiling na sabi ni Six. "I'm just kidding. Gusto ko lang sirain ang sira mo nang umaga." Sabi pa niya at binigyan ng nang aasar na ngiti si Shooter.

"I'll kill you."

"What kind of killing? You will shoot me with a gun?" Nakangising tanong ni Six. "Then shoot me. I'm a doctor anyway."

"You're a doctor?" Tanong ko kay Six at tumango naman siya. "Yes. Sexy Kim. I'm a hot doctor."

"Damn you. Leave my house." Singit ni Shooter sa usapan namin.

"Okay. Thank for the breakfast, Shooter. Next time again." Sabi ni Six at tumayo na para umalis.

"Bye, Sexy Kim." Paalam sakin ni Six at hinalikan ako sa pisngi bago mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

"You fucker!" Sigaw ni Sex sa nakaalis nang kakambal.

Nilapitan niya ako at marahan akong hinawakan sa mukha.

"He fucking kissed you." Bulong ni Shooter habang pinupunasan ako sa pisngi gamit ang palad niya kung saan ako hinalikan ni Six.

"Ayan ka nanaman. Bakit ba nagagalit ka? Hindi naman kita boyfriend." Sagot ko sa kanya.

"But you're mine." Simple niyang sagot.

"I'm not yours." Sagot ko at iniwas ang mukha ko sa kanya. Naglakad ako papalayo sa kanya.

Habang naglalakad papalayo, Napahinto ako dahil sa pagyakap niya galing sa likuran ko.

"Okay.. okay.. I'm sorry. Wag kana magalit. Oo na ako na mali, wag ka lang magalit. Please baby.." Sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sakin.

Napapikit ako dahil sa ginawa niya. "Please baby.. Forgive me.." Sabi niya.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa mabilis kong pagtango. "Okay.. You're forgiven." Sagot ko sa kanya.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon