Chapter 22

86.6K 1.5K 61
                                    

"Important meeting." Paalam ni Sex sa akin pagkapasok sa kwarto ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin kami nagsasama sa isang kwarto. Inaayos niya yung necktie niya habang ako nakatingin lang sa kanya. Tumango ako.

Simula nung pumunta dito si Patricia ay naging malamig na ang tungo niya sa akin. Pangalawang araw na pero ganito pa rin siya. Kahapon ay nagpaalam siya na may important meeting kaya pumayag ako. Tapos ngayon nanaman?

"I'll go. Magluto ka nalang kung nagugutom ka." Hindi niya na ako tinapunan ng tingin at basta-bastang umalis. Bumuntong hininga ako bago lumapit sa pintuan na nakalimutan pa niyang isara.

Pasado alas nuebe y media na, hindi pa ako kumakain ng almusal. Wala akong gana. Nahiga nalang ako sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot. Nanghihina ako, kanina pa ako gising dahil sa pagbaliktad nanaman ng sikmura ko.

Kumikirot pa ang dibdib ko dahil sa pakikitungo sa akin ni Sex ngayon. Ito na ba yung araw na susulitin niya na ang sampung milyon na ginastos na sa akin? Pahihirapan niya na ba ako? Sasaktan? Gagamitin? Nagalit ba siya sa akin dahil sa ginawa ko doon sa babae niya?

"Ang dali-dali mo kasing mahulog," saway ko sa sarili ko. Mahigit dalawang buwan pa lang. Bakit ganyan kana sa kanya, Kas? Bakit?

Umiiyak man, muli akong napabangon at mabilis na tumakbo sa banyo. Heto nanaman ako sa panay suka ko. Nagmumog ako at napatingin sa salamin.
Nanlaki ang mga mata ko nang maisip ang pwedeng dahilan ng pagduwal ko.

Buntis ako?

"H-hindi pwede," marahas akong umiling. Hawak ang tiyan ko. Panibagong luha nanaman ang kumawala sa mata ko.

"Huwag muna ngayon . ." Hiling ko. Nakayuko at hinahanda ang sarili para sa magiging resulta ng pregnancy test na binili ko nung lumabas ako. Gusto kong siguraduhin ang kutob ko.

Nanlumo ako ng makita ang two lines. Nasabunutan ko ang sarili ko at hindi alam ang gagawin. "Shit!"

Naagaw ang atensyon ko ng mag text sa akin si Six na may kasamang picture.

Six:
Akala ko ikaw :(

Pagbukas ko nung picture, nakita kong si Sex yon, nasa isang jewelry store at may kasamang babae. Yung suot niya ngayon yung suot niya doon. Nakatalikod yung babae kaya hindi ko makita yung mukha.

Six:
I'll text you kung nasaan sila. Sinusundan ko sila :(

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, yung anak ko ba o si Sex. Pero tanga nga siguro ako nung makita ko yung sarili ko na nakasakay sa taxi at papunta sa address na binigay ni Six kung nasaan yung kapatid niya. Tulo lang ng tulo yung luha ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nanlulumo ako at parang zombie ang lakad pagkababa ko ng taxi. Bumaba ako sa tapat ng isang malaking bahay. Nakita ko si Six sa gilid no'n. Mukhang inaantay yung text ko. Lumapit ako sa kanya. Nagulat siya at napamura ng makita ang itsura ko. Namumugto ang mga mata at panay hikbi nalang.

"Tangina," mura niya. "Kaya mo ba, Kas?" He asked. Umiling ako kaya niyakap niya ako.

Marahan niya akong hinatak papunta sa loob, ang bagal ng lakad ko. Hindi ko kayang makita kung ano man ang ginagawa nila doon, parang gusto ko nang umatras. Ano bang mukha ang ipapakita ko roon? Wala naman akong karapatan.

"A-ayoko . ." Puro hikbi nalang ako. Kumatok si Six at nilahad sa akin ang pinto. Nanlalambot ang tuhod ko. Pumikit ako ng marinig ang pagbukas ng pinto. Hindi ko kayang makita. Ayoko.

"It's a prank!" Dumilat ako dahil sa narinig. Nakangisi sila Blade, West, Hell at Six sa akin, naka polo silang lahat na nakabukas ang ilang butones. Sa likod nila, nandoon sila Yaz na nakasuot ng simpleng white dress at nakangiti sa akin.

May red carpet na kaagad pagpasok pa lang ng pinto. Inabutan ako ni Fhe ng mga pulang rosas at nilahad ang daanan ko. Nababaliw na ata ako, nakangiti ako pero patuloy pa rin sa pagluha. Sa dulo ng carpet nandoon si Sex na nakangisi. Tumakbo ako papalapit sa kanya at agad siyang hinampas sa dibdib.

"Ang sakit sa puso ng surprise mo." Humagulgol ako. Niyakap niya lang ako at hinalikan sa ulo.

"I'm sorry," bulong niya. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at hinalikan ako. "I have a question." Sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Ano naman 'yon?

Pinatalikod niya ako, bumungad sa akin yung mga kaibigan niya nakahilera, may dalang mga papel.

"Will," Simula ni West.

"You," Sunod ni Blade.

"Marry," Anang ni Six.

"Me?" Nakangising sabi ni Hell. Napatawa naman ako.

Humarap ako kay Sex at niyakap siya.

"Marry me?" He asked. Tumango ako. "Again?" He chuckled. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n pero tumango pa rin ako.

Lumuhod siya sa harap ko may kinuhang pulang kahon, laman no'n ang isang simple ngunit eleganteng singsing na may maliit na dyamante sa gitna. Sa isang kisapmata, nakasuot na iyon sa daliri ko. Hinalikan niya ang palad ko bago muli akong niyakap.

"Kaninong bahay 'to?" I asked. Nagtaas ng kamay si Six habang inisang lagok yung alak sa kopita.

Pagkatapos ng kadramahan ko, naglabas na sila ng maraming alak at pagkain at nagkaroon ng kasiyahan.

"At yung babae?" Tumaas ang kilay ko kay Sex na umiiom din pero may pagkakataon na inaayawan niya yung kopita.

Tumaas rin ang kilay ni Sex, nagtataka.

"May sinend sa akin si Six, picture mo na may kasamang babae," sabi ko sa kanya. Kinuha ang cellphone at pinakita yung picture. Kinuha ni Sex yung unan sa sofa at binato sa kakambal.

"Fuck you!" Sigaw niya. Tumawa si Six at hindi na ginantihan ang kapatid. "She's the sales lady." Malambing naman ang boses niya ng sumagot sa akin.

"I love you," bulong niya sa akin, nakahawak sa hita ko.

"I love you, too." Sagot ko at pinatakan siya ng halik sa labi.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon