Chapter 23

81.9K 1.3K 16
                                    

Kinabukasan, Nagising ako ng wala sa tabi ko si Sex. Nagkukusot pa ako ng mata nang ilibot ang buo kong paningin sa loob ng kwarto pero wala ni anino niya ang naroon. Humikab pa ako bago tumayo pero nahagip ng mata ko ang tray sa side table. May gatas, toasted bread, jam at apple.

Agad ko itong nilapitan at kinuha ang isang yellow sticky note na nakadikit sa baso.

Your breakfast is ready, wife. Eatwell :)

Napangiti naman ako at agad kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Sex. Hindi pa nakakadalawang ring ay agad niya itong sinagot.

"Hello." Sagot niya. "Goodmoring. Eat your breakfast---"

"Thank you." Putol ko sa sasabihin niya dahilan para tumahimik siya sa kabilang linya.

"You're welcome?" Patanong niyang sagot dahilan para bumungisngis ako.

"Why are you laughing? May kasama ka ba dyan?" Tanong niya pero umiling ako na parang nasa harapan ko lamang siya at nakikita niya ako.

"Wwala." Natatawa kong sagot. "Nasaan ka pala?" Ako naman ang nagtanong. Inipit ko sa balikat at tainga yung cellphone pars malagyan ng jam yung tinapay. Kumagat agad ako dito.

"Nasa office. May importante kasi akong kailangan asikasuhin kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo, tsaka ang himbing tulog mo." Sagot niya. Rinig ko sa background yung boses ng secretary niya.

Tumango tango ako ninamnam yung sarap ng tinapay at jam. May paborito na ata akong pagkain.

"Baby," tawag ko nang maalala na may ipapaalam pala ako sa kanya. "Pwede bang pumunta akong grocery store? May bibilhin lang ako." Sabi ko pero agad akong napanguso ng humindi siya.

"Pero baby, saglit lang naman ako. May lulutuin lang ako tsaka gusto kong mamasyal." Parang bata kong sabi sa kanya.

"Pag-uwi ko, mamamasyal tayo. Hindi pwedeng umalis ka mag-isa ng hindi ako kasama." Seryoso ang boses niya, halatang hindi ako papayagan.

"Okay," Matamlay kong sagot at suminghap na lamang. Napairap sa hangin dahil sa sagot niya.

"Baby, are you angry?" Tanong niya sakin pero hindi ako sumagot at akmang puputulin ko na ang tawag ng bigla siyang magsalita.

"Okay, okay. Payag na ako. But please, Update me kung nasaan ka. Tatapusin ko lang ang mga kailangan kong gawin dito sa opisina at pupuntahan kita dyan, and please Open your GPS. Sandali ka lang okay? Wag ka lang magalit." Sabi niya at nai-imagine ko ang mukha niyang nakasimangot habang sinasabi sakin iyon.

Agad naman akong ngumiti. "Okay. Promise," I laughed. "Thank you, baby. I love you." Sagot ko.

"I love you, too. Mamaya nalang. May meeting pa kasi kami. Take care, baby. Bye." Sabi niya at agad pinutol ang linya. Agad kong itinabi ang cellphone ko at agad kumain dahil excited na akong umalis. Ngayon lang ulit ako makakapasyal.

Suot ang isang color peach sleeveless dress at black doll shoes ay handa na akong umalis. Hinayaan kong nakalugay lamang ang aking buhok at agad lumabas sa bahay at napangiti ako nang manuot sa aking ilong ang sariwang hangin.

Sumakay ako ng taxi at agad nagpahatid sa pinakamalapit na mall dito. Habang nakasakay ay nakatanggap ako ng text galing kay Sex.

Baby Sex:
Where are you?

Agad akong nagtipa ng isasagot sa kanya.

Me:
Otw. Nakasakay na ng taxi.

Baby Sex:
Take care. I love you.

Nang mabasa ang reply niya ay hindi na ako sumagot at tinignan na lamang ang mga nadadaanan namin upang hindi mainip. Paglipas ng halos sampung minuto ay huminto kami sa isang mall. Agad akong nagbayad at agad bumaba.

Ang gaan gaan sa pakiramdam, ngayon lang ulit ako nakalabas. Masyadong maraming tao sa mall. Karamihan ay puro pamilya, namamasyal at nagba-bonding.

Sa paglalakad ko ay napagawi ang tingin ko sa isang shop kung saan may bilihan ng mga gamit ng mga baby. Pumasok ako sa loob no'n at tinignan ang mga gamit. May mga gamit na panlalaki at pambabae.

Bigla ko tuloy naalala na hindi ko pa pala nasasabi kay Sex na magkaka-baby na kami. Naiisip ko tuloy ang magiging reaksyon niya, yung mata niyang kumikislap dahil sa sobrang kasiyahan.

Napangiti ako. Pagkauwing-pagkauwi ko, sasabihin ko kaagad sa kanya.

May mga crib, laruan, feeding bottles, at kung ano ano pa. Naaliw ako sa mga nandon. Naisipan kong bumili ng shirt doon. May nakasulat na "Hello Daddy!" Gaganti ako. Susurpresahin ko rin siya.

Bitbit ang binili, lumabas na ako ng shop. Didiretso na sana ako sa grocery ng may maramdam. I need to pee first.

Naglakad-lakad ako at hinanap ang CR, Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Palinga-linga ako at tinitignan ang mga taong nasa likuran pati na rin nakakasalubong ko, napapabuntong hininga ako kapag walang nakikitang banta ng kahit ano.

Nagmamadali akong pumasok sa nakitang CR at akmang bubuksan ko ang isang pinto ng cubicle ng may humablot sa aking braso. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon.

"D-dashton," Nauutal at kinakabahan kong sambit sa pangalan niya. Pinilit kong kumawala. Sinubukan kong sumigaw pero nasaktuhan na walang ibang tao.

Ngumisi siya ng malademonyo at halos mabali na ang braso ko sa sobrang higpit ng hawak niya sa akin.

"Nice meeting you again, Kas." Sabi niya at itinakip sa ilong ko ang isang panyo na naging dahilan para manghina at dumilim ang buong paligid ko.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon