Chapter 1

179K 3.4K 592
                                    

"Wear this." Sabi niya sakin ng makalabas kami sa bar kung saan niya ako kinuha. Kahit napipilitan, Agad kong sinuot ang jacket na binigay niya sakin dahil sa lamig na dulot ng hangin at masyadong kita ang balat ko sa damit na suot.

Hinawakan niya ako sa siko at inalalayan papunta sa kotse niya pagkatapos ay agad niya akong pinagbuksan at pinasakay.

Saan niya kaya ako dadalhin? Sa bahay niya, sa condo, Hotel, O baka naman sa Motel?

Hindi ako inosente. Alam kong kaya ako pinagpupustahan ng mga matatanda kanina sa loob ay para makaisa sa akin, at paniguradong isa siya sa mga 'yon. Dadalin niya ako sa motel para masulit ang sampung milyon na binayad niya sakin hanggang sa magsawa siya tapos ay itatapon nalang akong na parang basura sa huli.

Sinimulan niyang paandarin ang kotse, samantalang ako ay tahimik lamang na nakatingin sa daanan habang pinipigilan ang nangingilid na luha sa aking mga mata. Hindi ko na sinubukan pang pumalag o kumawala dahil sa pangangatawan pa lamang niya ay halatang hindi na ako mananalo pa.

Kumuyom ang kamao ko nang huminto kami dahil sa sandaling traffic, bumaba ang isang kamay niya sa hita ko para mamahinga. Agad ko siyang nilingon ng may masamang tingin, Ngunit nagulat ako ng makita ko ang munting ngisi sa labi niya.

"Fuck . ." mahinang bigkas ng labi niya at agad inalis ang kamay sa hita ko at nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa huminto kami sa isang napakalaking bahay.

"Come on." Sabi niya sakin at pinagbuksan ako ng kotse ngunit hindi ko magawang ikilos ang katawan ko, ayokong sumama sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil sa hindi ko pagkilos. Bago pa man niya ako mahawakan ay mabilis kong pinalis ang kumawalang mumunting luha sa gilid ng mata ko at wala sa loob na sumunod sa kanya.

Makakaramdam sana ako ng pagkamangha dahil sa napakagandang disenyo ng bahay niya kung hindi ko lang alam kung bakit ako nandito. Ang ganda ng bahay pero isang demonyo naman ang nagmamay-ari, Sayang lang.

Naramdaman niya siguro niya ayokong magpahawak sa kanya kung  kaya't hinayaan niya ako at itinuro nalang sa akin ang daan kung saan man niya ako dadalhin.

"Too quiet . ." Bulong niya habang binubuksan ang pinto at pagbungad sakin ng isang kwarto. Simple pero nakapa elegante ng bawat gamit sa loob no'n. Sa paglilibot ng paningin ko ay ang siyang paghawak niya sa kamay ko at pagdala sa akin papaupo sa kamang naroroon.

Sinundan ko ang bawat galaw niya. Mula sa pagsara ng pinto hanggang muli siyang mapunta sa harap ko. Ginulo niya ang noon ay magulo na niyang buhok at marahang itinabingi ang ulo at hinawakan ang labi na animo'y pinag aaralan ako at sinusuri.

"What's your name?" Tanong niya sakin habang tinatanggal ang neck tie niya at sinunod ang pagbubukas ng butones ng puting polo niya dahilan para makita ko ang matikas niyang pangangatawan. Parang may nagbara sa lalamunan ko at nahirapan akong lumunok.

"What's your name?" Ulit niya at tinapon nalang kung saan ang polo niya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at dahan dahang hiniga sa malambot niyang kama at marahan akong dinaganan.

"Hey. What's your name?" Pag uulit niya.

"K-kim.." labas sa ilong kong pagsagot.

"Hmm. Kim what?" Tanong niyang muli at pinatakan ako ng isang halik sa pisngi.

"K-kim Asher.." Sagot kong muli.

"Nice name." Sabi niya at bumaba ang halik niyang nasa pisngi ko lang kanina na ngayon ay nasa panga ko na pababa sa aking leeg.

Napapikit na lamang ako at nakagat ang aking pang ibabang labi nang maramdaman ko ang kanyang dila at labi doon na sinisipsip at marahang kinakagat ang maliit na parte ng aking leeg.

Hindi nakatas ang maliliit na butil ng luha na kumawala sa gilid ng aking mata. Tumaas ang mga halik niya at napunta iyon sa aking tenga.

"Hmm . ." Dinig kong bulong niya at ang dahan dahang pagbubukas niya sa zipper ng damit ko na siyang nagpahikbi sakin.

Dumilat siya at tinignan ako. Hindi ko mawari sa mga kulay abo niyang mga mata kung nag aalala ba siya sa akin o baka naman nagtataka siya dahil sa biglaan kong paghikbi.

"Why are you crying?" Ramdam ko ang pagaalala sa tinig niya pero hindi ako sumagot. Gamit ang kanyang hinlalaki ay pinunasan niya ang luha ko.

"Hey.. Face me." Ang kaninang  kinakatakutan ko na boses niya ay biglang lumambing ang tono pero nanatili akong tahimik dahilan para marinig ko ang mahihina ngunit malulutong niyang mura.

"Damn it.. I want you, but I can't because you're not yet ready. Fuck!" Dinig ko pang bulong niya at mabilis na umalis mula sa pagkakadagan sakin.

Nagmulat ako at nakita ko siyang nagpunta sa isang cabinet at kumuha ng dalawang white shirt pagkatapos ay inihagis malapit sa akin ang isa doon.

Bumangon ako galing sa pagkakahiga at pinilit na tignan ang kanyang mukha na ngayon ay nawalan na ng emosyon.

"A minute ago . ." Pagsisimula niya, "Kalimutan mo na nangyari yon. Magpalit ka na ng damit mo, Baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong galawin ka kung ganyan ang suot mo." Sabi niya at walang pasabi na lumabas ng sariling kwarto.

Napatitig ako sa damit na ibinigay niya. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya.

Kulay puti ang kabuuan ng kwarto niya at napakalaki nito.  Sa unang tingin pa lamang ay malalaman mo na agad na mamahalin ang mga gamit sa loob ng kwarto na kinalalagyan ko ngayon.

Dahan dahan akong bumaba sa kama at hinubad ang pulang takong na kanina ko pa suot at halos mamula na ang talampakan ko dahil dito.

Naglakad ako at pumunta sa isang pinto na tingin ko ay banyo niya. Pagpasok ko, bumungad sakin ang halos lahat ay panlalaking gamit at nanuot sa ilong ko ng mabangong amoy no'n.

Wala na akong sinayang na oras at agad nagpalit ng aking damit pagkatapos ay lumapit ako sa tapat ng salamin at tinignan ang sarili ko. Hinawi ko ang ilang takas na buhok sakin at sinikop iyon sa tenga ko.

Ang shirt na suot ko ay halos maging bistida na dahil masyado itong malaki sakin. Nagpasalamat na din ako kahit papaano dahil hindi na ito kasing sagwa ng kaninang suot ko. Bumaba ang tingin ko sa leeg ko at halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang isang marka doon.

Marahan ko itong hinaplos at napatitig doon ng matagal.

"Who are you?" Tanong ko habang hinahaplos ang marka sa leeg ko na animo'y sasagot ito kung ano ang pangalan ng lalaking gumawa nito sakin.

"Shooter.."

Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko siya doon sa may pinto ng banyo habang tamad na nakasandal at nakahalukipkip habang mariin ang pagkakatitig sakin.

"H-huh?"

Kanina pa ba siya dito?

"Shooter Ephraim Xavier Gray, Yon ang pangalan ko." Sabi niya pero hindi ako sumagot dahil masyadong nakakailang ang mga titig niya.

"But you can call me, Sex . . Sex Gray." Sabi niya at ngumisi ng nakakaloko.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon