Chapter 8

110K 2.2K 49
                                    

Kinaumagahan, Nagising ako dahil sa pangumagang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana.

Napatingin ako sa alarm clock sa gilid ko na maga-alas syete na. Babangon na sana ako nang maramdaman kong may braso ang nakayakap sa bewang ko ngayon.

Napalingon naman ako kay Shooter na napakahimbing pa rin ng tulog hanggang ngayon at nakasuksok sa leeg ko ang mukha niya.

Dahan dahan akong umayos ng higa para maayos ang pagtingin ko sa kanya.

Gwapo pa rin kahit natutulog. Matangos na ilong, mapulang mga labi, Mahabang pilik mata at Kulay abong mga mata. Para sakin ay kulang pa ang salitang gwapo para sa kanya.

Maingat kong hinawi ang buhok niyang nasa kanyang mukha at tinitigan siyang mabuti. Hinawakan ko ang kanyang panga na siyang gustong gusto ko lalo na kapag umiigting ito kapag nagagalit siya.

"Goodmorning.." He murmered.

Nanlaki ang mata ko at agad inalis ang palad kong nasa kanyang mukha.

"K-kanina ka pa gising?" Nauutal kong tanong sa kanya. Idinilat niya ang kanyang mga mata dahilan para magkatitigan kami.

"Not really. Nagising lang ako dahil naramdaman kong may nakatitig ata sakin." Sagot niya sa paos na boses.

Tatayo na sana ako dahil gising na siya ng hablutin niya ako sa kamay at muling ikinulong sa mga bisig niya.

"Stop. Dito muna tayo." Sagot niya at pinatakan ako ng isang halik sa pisngi.

"Pero--"

"No buts. Inaantok pa ako. 5 minutes please.." Parang bata niyang sabi at isinuksok nanaman ang mukha niya sa leeg ko.

"Shooter, ano ba.." Saway ko sa kanya. "Oy."

"Shooter my ass. It's Baby Sex, Baby." He murmered again.

"Baby sex, Bangon na." Pilit ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Isa.." Bilang ko.

"Dalawa.."

"Tatlo." Sabay niya sa bilang ko kaya kinurot ko siya sa braso.

"Aww. It's hurt baby. You're bad." Sagot niya.

Inalis ko ang braso niyang nakayakap sakin at bumangon ako mag-isa. Bumangon din siya ng nakanguso at nakakunot ang noo.

"Baby.." Tawag niya sakin. "5 minutes please.." Sabi niya pero umiling ako.

Tara na. Ikain mo nalang yan. Gutom lang yan." Aya ko sa kanya at hinawakan siya sa kamay at pilit na hinahatak pero hindi ko kaya.

"Sex-- I mean baby sex, Ano ba? Tara na." Sabi ko sa kanya.

"No. I don't want." Sabi niya na parang bata.

"Baby Sex--"

"Kiss me first. Before i get up." Putol niya sa sasabihin ko.

"Kiss? Kiss your face. Tara na kasi. Nagugutom na ako." Sagot ko sa kanya. Napipilitan man ay bumaba na din siya at sinamahan ako na siyang nakapagpatawa sakin.

Habang nagluluto siya ay napapansin ko ang nakasimangot niyang mukha at ang pagpaparinig niya sakin.

"No morning kiss.. Tsk." Bulong niyang asik. Napangisi naman ako dahil parang siyang bata.

Pinagluluto naman niya ako tuwing umaga at kahit papaano ay may respeto siya sakin tapos ay dinalan niya pa ako ng chocolates kahapon ay sapat nang dahilan para matuwa ako sa kanya.

"Baby Sex.." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sakin ng nakanguso at nakakunot ang noo.

"Come here." Aya ko. Lumapit naman siya sakin.

"Now what?" Masungit niyang tanong sakin.

Nakaupo ako sa stool habang siya ay nakatayo kaya kailangan ko pang tumingala para matignan lang siya. Kahit nahihiya ay kinabig ko ang batok niya papalapit sakin at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Happy?" Tanong ko pagtapos.

mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil natulala siya at napakurap kurap pa dahilan para mapangisi ako.

LUMIPAS ang ilang linggo at nasanay na ako sa prisensya niya. Madalas ay naiiwan akong mag-isa sa bahay o kung hindi man ay isinasama niya ako sa trabaho. He became too possessive, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ako nasasakal na at para bang nasanay agad ako sa ugali niya.

"Kambal!" Umalingawngaw nanaman ang boses ni Six sa buong bahay na siyang nagpabalik sa aking wisyo.

"Kambal! Sexy Kim!" Tawag samin ni Six with his Black V-neck and maong short and as usual with his red hair, too.

"What happen? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Magpapakasal na 'ko, Sexy Kim." Sagot niya na animo'y iiyak na.

Jusko po. Anong nangyare sa kambal na 'to at parang naging isip bata?

"H-huh? Kasal? Kailan? Kanino? Saan? Bakit?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Naalala mo yung babaeng hinahanap ako  sa hospital? Siya ang papakasalan ko." Sagot ni Six.

"Huh? B-bakit?" Tanong ko pa.

Napakamot naman siya ng ulo bago sumagot. "E' kasi may nangyari samin, Nakalimutan ko gumamit ng shield kaya ayun sinugod ako at sinabing pag hindi ko daw siya pinanagutan, mapapatay niya daw ako." Paliwanag nito.

"Nabuntis mo?!" Nagugulat kong tanong pero umiling siya.

"H-hindi pa. Pero dahil nga wala akong nagamit na shield, baka may mabuo at kailangan ko siyang pakasalan. Ayoko pang matali ng maaga." Naiiyak na sabi ni Six.

Nilingon ko naman ang kakambal nito na si Sex na tahimik lang sa isang tabi.

"Anong plano mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kausapin mo siya Sexy Kss, please." Nagmamakaawang sabi sakin ni Six.

"Ano naman ang gagawin ko doon?" Tanong ko.

"Sabihin mong asawa kita at may anak na tayong dalawa at masayang nagsasama--"

"You want to die?" Biglang sabi ni Sex na may pinapaikot na kutsilyo sa kamay niya ay seryosong nakatingin sa kakambal.

"Sabi ko nga joke lang." Bawi ni Six sa sinasabi. "Ipaliwanag mo na ayoko pang matali. Girl's talk. Please, Sexy Kim."

"O-oo na. Sige." Sagot ko.

"Shit! Thank you Sexy Kim! You're the best!" Masaya nito at ambang yayakapin ako ng hatakin ni Sex ang damit nito sa likod at nilayo sakin.

"Thank you lang, Walang yakap. Asshole." Pigil nito kay Six.

"Possessive Jerk. Hiwalayan mo na yan Sexy Kim. Akin ka nalang-- Fuck! Joke lang. Hindi kana mabiro!" Sabi ni Six nang ambang hahawakan ni Sex ang kutsilyo na siyang nakapagpatawa sakin.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon