Chapter 24

78.9K 1.6K 46
                                    

"Gumising kana, nasarapan ka naman sa pagtulog mo," boses ng isang lalaki ang gumising ng diwa ko. Napadilat ako dahil sa pagtapik ng isang palad sa pisngi ko. Kahit nahihilo at sobrang sakit ng ulo ay pinilit kong tingalain ang lalaki, bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Dashton.

"Gising kana, babe." Natatawa niyang sabi at naupo sa harap ko.

Ginalaw ko pa ng saglit ang ulo ko upang mawala ang pagkahilo ko pero napansin kong nakatali ako sa isang upuan at hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at paa.

"Wag kana gumalaw, Hindi ka naman makakaalis dyan." Natatawang sabi ni Dashton sakin at humugot ng isang sigarilyo sa kanyang bulsa at sinindihan ito sa harap ko.

"Saan mo 'ko dinala, ha? Anong gagawin mo sakin? Pakawalan mo 'ko dito!" Sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya. Inilapit ang kanyang mukha sa akin at binuga ang usok ng sigarilyo niya sa mukha ko bago sumagot na naging dahilan para mapaubo ako.

"Hindi mo ba ako namiss?" Tanong niya. Binalewala ang aking tanong.

"Pakawalan mo na ako! Ibalik mo na ako kay Sex!" Sabi ko pero hinawakan niya lamang ang panga ko.

"Manahimik ka. 'Wag kang magalala magkikita rin kayo ni pinsan," ngisi niya. ",Sa impyerno." Sabi niya at mala demonyong tumawa.

"Kapag nalaman ni Sex kung nasaan ako, ikaw ang pupuntang impyerno, gago!" Sigaw ko, sumeryoso siya at sa isang iglap ay dumapo ang malakas na sampal sa mukha ko. Ramdam kong namanhid ang aking pisngi at napagilid ang ulo ko dahil sa lakas ng sampal niya pero kataka- takang hindi ako umiyak. Oo masakit, pero hindi sapat para umiyak ako.

Hindi ako umimik. Nanatili akong tahimik at hindi gumawa ng kahit anong kilos. Dahil sa kalagayan ko ngayon, naalala ko kung paano 'ko nakilala ni Sex. Nakatali rin ako sa upuan pero ang pinagkaiba lang ay ang si Dashton ang nasa harap ko ngayon hindi tulad noon na pinagaagawan ako ng mga matatanda sa isang bar.

Pero agad nanlaki ang mata ko at naikuyom ang kamao ng maalalang hindi lang ako ang pwedeng mapahamak ngayon, dahil sa sandaling ito dalawa kami ng anak ko ang nasa panganib.

"Oh, insan kamusta?"

Agad akong napalingon kay Dashton na nakangisi ngayon habang nakatingin sakin at naka loud speaker ang cellphone. Rinig na rinig ko ang boses ng taong nasa kabilang linya.

"Fuck you, Dashton! Nasaan ang asawa ko!"  Dinig kong boses ni Sex, ramdam ko doon ang galit, takot at pag-aalala.

"Easy. Nangamusta lang ako." Sagot ni Dashton.

"Don't fucking fool me! Nasan siya, huh? Sumagot ka!" Sigaw pa ni Sex dahilan para mangili ang luha sa mga mata ko. Nakakatawang isipin na sa sampal ni Dashton ay hindi ako naiyak, pero marinig ko pa lang ang boses ni Sex na nag-aalala sa amin ng anak ko ay mabilis akong pinangilidan ng luha.

"She's okay," nakangising sagot ni Dashton at muling hinawakan ang aking mukha at iniharap sa kanya. "Gusto mo siyang makausap? Magsalita ka. Naririnig ka niya."

"H-hey baby, Are you there?" Tanong ni Sex pero hindi ako sumagot dahil nagbabara ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita dahil alam kong sa oras sa sumagot ako ay pipiyok lamang ako at ayoko siyang mas lalong mag-aalala.

"Please answer, Baby.. I'm so fucking worried, Damn it! Nasa'n kayo? Pupuntahan ko kayo. Please sumagot ka, Kas." Nagmamakaawa na ang boses niya ngayon, pumatak ang butil ng luha sa mga mata ko.

Tahan na. Okay lang ako.

"Napipi ka ba, babe? Sumagot ka. Kinakausap ka ni insan." Natatawang sabi ni Dashton pero hindi ako umimik, bagkus ay dinuraan ko lamang ang mukha niya dahilan para mapamura siya.

"Tarantado kang babae ka!" Mura niya sa akin at sinampal ulit ako. Narinig ko naman ang nag-aalalang boses ni Sex sa kabilang linya.

"Shit, Nasa'n kayo? Tangina mo Dashton, 'Wag mo silang sasaktan!" Sabi ni Sex pero hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung saan ako dinala ni Dashton.

"Sumagot ka," Mariing utos ni Dashton sa akin pero umiling ako at nagmatigas. "Ayaw mo?" Tanong niya at sinabunutan ako ng napakahigpit. "Sagot.." Bulong niya pero umiling ako. "Tangina! Sabi ko sagot, kung ayaw mong patayin ko yang anak mo!" Sigaw niya pa sakin. Natakot kaya sinunod ko ang gusto niya.

"S-sex," Napakahina kong bulong pero hindi nakaligtas ang pagpiyok at ang sunod sunod na pagluha ko.

"Baby.." kumalma ang boses niya.

"O-okay lang kami.." Sagot ko sa kanya at pilit ngumiti animo'y nasa harap ko lamang siya.

"'Wag kang mag-alala, ililigtas ko kayo--"

"Tama na ang drama. Nasiyahan naman kayo sa paguusap." Sabi ni Dashton at lumayo sa akin.

"20 million--- I mean 40 million, Kapalit ng mag-ina mo." Rinig kong sabi ni Dashton. "Bukas ng umaga, Itetext ko sayo ang address kung saan mo dadalhin. Ikaw lang magisa. Wag kang magsasama, kundi patay silang dalawa." Dagdag pa niya habang nakatingin sa damit na ireregalo ko sana kay Sex.

Matalim na mga titig naman ang ipinukol ko sa kanya pero ngumisi lang siya, punong puno ng galit ang itim niyang mga mata.

"Kim Axel Sapphira," pagtawag niya sa akin. "Asher." idiniin ang pagbigkas sa apelyido ko.

"Wala ka pa rin bang matandaan?" Natatawang tanong niya sa 'kin dahilan para kumunot ang aking noo.

Matandaan?

"Mukhang wala pa. Ang tanga tanga mo talaga. Ang bobo mo.." Sabi niya at humagalpak ng tawa pero nanatili akong tahimik at nakatitig lang sa kanya.

"Hindi mo pa rin ba naaalala ang pinakamamahal mong lalaki? Ang pinakamamahal mong si Shooter?" Tanong niya sakin. Bakas ang pagkamuhi ng banggitin ang pangalan ni Sex.

"Anong meron sa kanya?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"He's your fucking boyfriend three years ago," sagot niya. Mapait na tumawa. "Kung hindi lang nangyari yung aksidente na naging sanhi para makalimutan mo siya."

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon