Chapter 26

83.4K 1.5K 27
                                    

"Sinabing 'wag na kayo sumama!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko at kay Six na gustong sumama sa pakikipagkita ko kay Dashton ngayon.

Hindi ako makapag-isip ng tama. Mag-ina ko? Buntis si Kas? Nawawala ako sa sarili ko kapag naiisip ko na dalawa sila ng anak ko ngayon ang nasa panganib.

"Ang gago mo naman. Sa tingin mo ba kapag pumunta ka doon mag-isa ay papakawalan niya na si Kas? Dapat lang may kasama ka." Kalmadong sagot ni Hell habang nakatitig sa kanyang laptop at nagpipipindot doon.

"Pero baka kung anong gawin niya sa asawa't anak ko kapag nakita niya kayo--"

"Fuck you. Anong akala mo samin, tanga? Magiging kaibigan mo ba kami kung lampa at mahina kami?" Tanong naman ni Blade sakin at pinapaikot sa kanyang kamay ang isang matalim na kutsilyo.

"Yeah. He's right. 'Wag mo kaming maliitin." Sabat naman ni West at prenteng nakaupo lang sa isang silya.

"Oo nga. Ikaw lang ang kinakabahan. Basic lang yan." Sagot ni Six habang pinupunasan ang dalawang baril na may mataas na kalibre.

"Na-trace mo na?" Tanong ni West kay Hell.

"Yeah. Buti nalang bukas ang GPS ng cellphone ni Kas," Sagot ni Hell na napangisi. Isinuot naman ni Blade ang itim niyang jacket at tumawa nang malakas.

"Tara na! Lagot ka samin, Gago." Sabi ni Blade at nakipag fist bump sa kakambal ko. Nilapitan naman ako ni Six at inabot sa akin ang isa sa baril na hawak niya at tinapik ako sa balikat.

"Okay lang 'yan. Wag kang bakla, Maliligtas natin ang asawa mo," sabi niya sa akin "at ang pamangkin ko." Kalmado pero seryosong dagdag ni Six at sumunod kay Blade na lumabas ng bahay ko.

Ito na nga ang ayaw ko kapag umalis ako. Ayokong maulit yung nangyari noon na dahil sa pag-alis ko, napahamak si Kas at sa isang iglap, nawala siya sa pagkakahawak ko.

"Yeah, and don't worry, nasa likod mo lang kami." He laughed. "Hindi kami magpapakita." Sagot ni West at isinuksok din sa bewang niya ang isang baril bago lumabas.

"Magiging maayos ang planong 'to. Basta gwapo tayo." Natatawang sabi ni Hell at tinapik ako sa balikat senyales na sumunod na ako sa kanila.

Maghintay ka lang, Kas. Babawiin kita sa kanya.

Mabilis kaming nagsisakayan ng mga kaibigan ko sa aming mga sariling sasakyan pero bago ko pa maisara ang bintana ng sasakyan ko ay may iniabot na si Hell sakin.

"Wear it. Dyan tayo maguusap na lima kahit nasa magkakaibang lugar tayo." Sabi niya sakin at iniabot ang isang maliit na parang bluetooth earphone.

"Thanks."

Agad kong pinaandar ang sasakyan ko at dumiretso sa address na ibinigay ni Dashton sakin.

"Wazzup mga panget!" Sigaw ni Six sa kabilang linya dahilan para marinig ko ang mga murahan nila doon. Hindi ako nakisali pero napangisi ako ng maisip na kahit gago ang mga kaibigan ko maasahan ko naman sila sa mga ganitong bagay.

"Magsitigil kayo, mga gago!" Sigaw ni Hell sa kanila na agad naman nakapagpatigil sa kanila, pero hindi sa hagikhigkan nila.

Naging tahimik ang mga byahe namin, at nang malapit na kami ay napansin ko ang paghinto ng sasakyan ni West. Siguro'y maglalakad para hindi mapansin. Ako naman ay nagdire-diretso lang hanggang sa marating ko ang eksaktong lugar.

Itinago ko nang maayos ang baril sa aking beywang at agad bumaba ng kotse dala ang isang bag na naglalaman ng pera na hinihingi ni Dashton.

Agad ko namang nakita si Dashton na nakatayo at nakatingin sa 'kin sa malayo, inilibot ko ang paningin ko pero napansin kong wala sa tabi niya si Kas. Wala sa paligid si Kas. Damn it!

Kumuyom ang kamao ko at parang gusto ko nalang barilin si Dashton. Mukhang napansin yon ni Six na siguro'y nasa paligid lang namin kaya naman sinabihan niya ako.

"Don't shoot him," pigil niya sa akin. "Mamaya na." Kalmado niyang dagdag at halatang pinapakalma ako.

"Here's your money. Ibalik mo sa akin ang mag ina ko," Mariin kong sabi sa kanya pero hindi naman siya kumilos sa kinatatayuan niya. "Fuck you Dashton.Yung usapan natin." Mariin ko pang sabi sa kanya pero nakatitig lang siya sakin ng diretso habang ako ay inililibot ang paningin ko nagba-baka sakali na makita si Kas pero wala talaga.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Bawat hakbang ko ay maingat dahil hindi ko alam ang pwedeng maging kilos niya.

"Dyan ka lang!" Biglang sabi ni Dashton at mabilis na naglabas ng baril at itinutok yon sakin. Huminto naman agad ako at malamig siyang tinignan.

"M-may kasama ka?" Nauutal na tanong ni Dashton pero hindi ako umimik.

"Mukha bang meron?" Sarkastiko pero seryoso kong sagot sa kanya dahilan para kumunot ang noo niya.

"Wag mo 'kong lokohin. Malakas ang pakiramdam ko, Shooter." Nakangisi niyang sagot dahilan para magulat ako, pero hindi ko pinahalata.

"Tangina niyo! Labas!" Sigaw niya animo'y pinaparinggan ang mga kasama ko pero wala ni isang lumabas.

Diretso lang ang titig ko kay Dashton pero sa gilid ng aking mata ay nakita ko sila Hell na maingat na kumikilos sa gilid.

"Nasa'n si Kas?" Malamig kong tanong sa kanya pero tumawa lang siya at hindi sinagot ang tanong ko.

"Sumagot ka! Nasa'n ang mag ina ko?" Sigaw ko sa kanya pero mas lalo lang siyang tumawa.

"Secret.." Nakangisi niyang sagot dahilan para magpaputok ng baril si Hell malapit sa kanya..

"Sagot na maayos ang kailangan namin." Seryosong sabi Blade at lumabas na sa pinagtataguan nila ni Six. Kahit si West ay lumabas na rin.

Nasa gitna namin siya habang kaming lima ay nakapalibot sa kanya habang lahat ay may hawak na baril na nakatutok sa kanya.

"Nasaan si Kas?" Ulit ko sa tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot.

"Nasaan siya?" Ulit ni Six sa sinabi ko pero nanatiling walang imik si Dashton dahilan para barilin siya ni Six sa hita.

"Sagot agad!" Sigaw ni Six at malutong na nagmura samantalang si dashton ay napaupo at napasigaw dahil sa tama nito sa hita.

Nakangising lumapit si Blade sa kanya at naupo sa harap niya. "Bro, nasaan si Kas?" Nakangisi niyang tanong dito pero kita kong nagtitimpi lang din ito.

"Bakit ko sasabihin?" Nakakalokong balik tanong ni Dashton dito. Agad nilabas ni Blade ang patalim at marahan iyong ipinatanong sa hita ni Dashton kung saan may tama.

"Gusto mo lakihan ko pa 'tong sugat mo?" Tanong ni Blade sa kanya at unti unting hinihiwa ang sugat ni Dashton dahilan para mas lalo itong humiyaw dahil sa sakit.

"So nasaan si Kas?" Si Hell naman ang nagtanong at lumapit din sa kanya at itinutok ang baril nito sa noo ni Dashton. "Wag mo nang patagalin ang pagsagot. Parehas konektado sa baril ang pangalan ng kambal na yan. Shooter at Sniper. Ako naman pangalan ko, Impyerno. So gusto mo talaga ng mahirap na kamatayan?"

"W-wala na." Sagot ni Dashton dahilan para lumapit ako at sapakin siya.

"Tangina mo. Nasaan ang asawa ko?" Nanggigigil kong tanong sa kanya.

"Nasa sementeryo. Nilibing ko ng buhay." Natatawa niyang sagot dahilan para mapahinto ako. Kahit sila Blade ay nanlaki ang mga mata dahil sa sinabi ni Dashton.

"A-ano?" Tanong ni Six.

"Nakalibing ng buhay sa pinakamalapit na sementeryo mula dito. Bilisan niyo, baka patay na yon." Natatawa pa rin niyang sabi dahilan para mas lalong hiniwa ni Blade ang sugat niya.

"Iiyak ka samin ngayon. Gago." Bulong ni  Six sa kanya samantalang si Hell at West ay sumunod sa pagtakbo ko para mapuntahan ko si Kas.

Kumapit kayo, Kas Papunta na ako.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon