Chapter 4

126K 2.7K 135
                                    

Nakapangalumbaba ako at tinitignan si Sex na tamad na nakaupo sa sofa habang hawak ang kanyang sintido. Nakakunot ang noo habang nakapikit. Animo'y may malalim na iniisip.

Ilang araw na ang lumipas pero wala pang nangyayari sa amin. Hindi naman sa gusto ko pero nagtataka lang ako kung ano ba talaga ang balak niyang gawin sa akin.

"Motherfucker." Bulong niya pero narinig ko. Hindi ako sumagot.

"That fucker.." Dagdag pa niya. "I want to punch him. Damn it." Ako naman ang napakunot ang noo at agad nagsalita.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Unti unti naman siyang dumilat at binalingan ako. Napaayos naman kaagad ako ng upo.

"Nothing."

"B-bakit ang init ng ulo mo?" Nahihiya kong tanong. Tumaas ang kilay niya. Shit. Ano nga bang pake ko. Hindi ko naman siya kilala. "H-huwag mo na palang sagutin. Sorry--"

"Naaksidente si Sniper."

Nanlaki ang mata ko at kinilabutan. Kakadalaw niya lang dito nung nakaraan tapos ngayon naaksidente na siya. Humalakhak si Shooter dahil sa itsura ko.

"That motherfucker is okay. Minor injury lang daw." Sagot niya at muling hinilot ang sintido.

"Kung okay lang naman pala siya, anong problema?"

"Tsk." Asik niya at nag iwas ng tingin. "Nevermind." Panggagaya niya sa akin.

"Ano nga?"

"Hindi mo maiintindihan." Sagot niya.

"Ano nga kasi." Sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Yung kotse ko yung gamit niya nung naaksidente siya." Masungit niyang sagot at animo'y talagang namomoblema.

Hindi ko alam kung maaawa o matatawa na ba ako para sa kapatid niya. Imbes na alalahanin si Six ay yung kotse pa ang inuna niya. Anong klaseng lalaki ba siya.

"Questions?" Tanong niya. Umiling naman ako. "Good. Now, magayos ka. May pupuntahan tayo ngayon." Sabi niya sakin.

"S-saan?" Tanong ko.

"In hospital, baby." Sagot niya sakin.

"Okay.." Nagaalangan kong sagot at agad pumanhik sa kwarto niya para makaligo at makapag ayos.

Tinignan ko muna ang mga pinabili ni Sex sa kakambal para sakin. Halos lahat halatang mamahalin. Meron namang simple lang pero pag tinignan mo ang price tag, Napakamahal. May Mga blouse, polo, shirt, skirt, at pants. May mga pabango din at sapatos. Napanguso naman ako sa nakita.

Agad akong naligo at nag ayos. Nagsuot ako ng isang  White off-shoulder dress  partnered with black flat shoes. Ini-bun ko ulit ang buhok ko na siyang bumagay sa suot ko.

Tumagal ng kalahating oras ang pag aayos ko ng katukin ako ni Sex at sinabing aalis na daw kami. Agad akong lumabas at nakita ko siyang nakatayo doon at hinihintay ako.

Wearing a simple dark blue v-neck shirt partnered with maong pants, nakasuot rin siya ng isang silver na kwintas na may pendant na heartbeat, parang isang modelo na ang nasa harapan ko idagdag pa ang hindi niya pinagkaabalahang ayusin na buhok niyang animo'y magulo pero bagay pa rin sa kanya.

"Stop staring," he chuckled. Hinablot ang aking kamay at sinabayan maglakad. "Let's go."

"Yeah. Let's go." Sagot niya at inalalayan ako hanggang sa makasakay kami sa kotse niya.

Nang makasakay ako sa front seat, agad siyang umikot para makasakay na rin.
Hindi katulad ng unang sakay ko sa kotse niya na malungkot ako at umiiyak, ngayon ay medyo naging maaliwalas na ang pakiramdam ko.

Hinintay kong paandarin ni Sex ang kotse niya, pero ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin ito kumikilos. Nilingon ko ito at nakita ko siyang seryosong nakatitig sakin.

"Hey." Tawag pansin ko sa kanya.

"Did you put some lipstick on your lips?" Biglang tanong niya sakin. What?

"Huh? No. Hindi ako gumagamit ng lipstick." Sagot ko dahil hindi naman talaga ako gumagamit ng ganon.

"Really? Kaya siguro ang putla ng labi mo." Sabi niya sakin at ini-start na ang makina ng kotse at sinimulan na itong paandarin.

Habang nasa byahe, Ramdam ko ang mga titig niya sakin kapag humihinto kami dahil sa stop light.

Nang makarating kami sa hospital ay agad bumungad sa akin ang abalang mga doktor at nurses. May mga pasyente rin na nasa wheelchair. Nang malaman namin ang room ni Six ay agad dumiretso doon.

Sumakay kami sa elevator. Tanging kaming dalawa lamang ang nasa loob non. Pinindot niya ang 3rd floor at habang naghihintay na bumukas iyon, ay naramdaman ko ang paghawak ni Sex sa kamay ko at pinagsiklop niya ang mga yon.

"O-oy. Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya ngunit imbes na sumagot ay mas hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ko. Kasabay non ang pagbukas ng elevator. Tamad na kinatok niya ang isang pintuan na kwarto panigurado ni Six.

"Who's there?" Sigaw niya mula sa loob.

"Sex." Napairap si Shooter.

"Sex who?" Sigaw niyang muli.

"Fuck you." Sagot ni Shooter at binuksan ang pinto. Humalakhak si Six, nakahiga at prenteng kumakain ng grapes sa kama. May benda sa ulo at may kaunting galos sa pisngi at labi.

"How's my car?" Agad na tanong Shooter. Nakahalukipkip. Umakto si Six na nasasaktan.

"Shit, kakambal ba talaga kita?" Maarteng tanong ni Six. "Inuna mo talaga yung kotse mo?"

"My keys?" Naiiritang tanong pa ni Shooter, ininguso ni Six yung susing nasa table malapit sa kama niya. Kinuha ni Shooter yon at napamura. "Buy me a new one."

Nag-puppy eyes sa 'kin si Six animo'y humihingi ng tulong. Nagkibit balikat ako dahil wala akong maibibigay. Wala akong pera 'no.

"Please?" He mouthed. Napailing ako.

"No money." I answered. He laughed.

"Tangina, ang cute mo." Natatawa niyang sabi sakin. Namura pa nga ako. Naramdaman ko naman na nag-iba ang  mood ni Shooter sa tabi ko.

"Find another girl, fucker." Sigaw niya at binato sa kanya ang isang orange.

"Ouch." Natatawa pa rin si Six, epekto ata ng aksidente niya. Hinatak ako ni Shooter palabas ng pintuan.

"Get well, papalitan mo pa yung kotse ko." Sabi ni Shooter pero nakatalikod na. Kumaway pa si Six sa amin at kinindatan pa ako.

Pagkalabas, napapikit ako ng mabilis akong ipangko ni Shooter sa pader. Napadilat ako at nakita ang pagtatampo sa mata niya.

"You like him?" Seryosong tanong niya. What? mabilis naman akong umiling. Gwapo siya pero hindi ko siya gusto.

"Kanina pa ako nagseselos alam mo yon? Tapos dinagdagan mo pa.. Tsk. Bad baby.." Bulong niya sakin.

Aapila pa sana ako ngunit naramdaman ko na ang mga labi niya sa labi ko at hinahalikan ako.

Hindi ako marunong humalik. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tanggapin ang mga halik na ibinibigay nya sakin.

Pagbitiw ng mga labi niya sakin ay naghabol ako ng hininga dahil doon.

"I want to kiss you more. Pero ayokong makita yung mukha mong hindi makahinga dahil sa mga halik ko. Baka hindi na ako makapagpigil.." Bulong niya pa sakin na nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon