Chapter 2

141K 2.9K 352
                                    

"What do you want for breakfast?" Tanong niya sakin kinaumagahan. Nandito ako at nakaupo sa stool habang pinapanood siyang nagluluto.

"K-kahit ano.." Mahina kong sagot at mabilis na nagiwas ng tingin. Pagkatapos kong malaman ang pangalan niya kagabi ay hindi mawala sa isip ko ang sunod niyang sinabi.

"You're mine now. Binili na kita sa halagang sampung milyon, akin kana at hindi kana makakawala pa. Remember that."

Seriously? Sa halagang ten million, pag aari na ako ng isang lalaki. Hindi ko alam pero mapait akong ngumiti dahil sa naisip ko. Tatlumpung milyon lang ang halaga ng pagkatao ko.

"Is there any problem?" Kunot ang noo niyang tanong at bigla ay napailing.

"May dapat ba akong ipagsalita?" Mataray kong sagot. Mukha namang nagulat siya at hindi naging handa sa naging sagot ko na 'di naglaon ay napalitan ng isang ngisi.

"Damn it, You're so hot lalo na kapag nagtataray ka ng ganyan." Sabi niya sakin na siyang nagpainit sa mga pisngi ko.

Hindi na ako umimik at hinayaan na lang siyang maghain para sa agahan naming dalawa.

Nagsimula na siyang kumain samantalang ako ay hindi man lang magalaw ang pagkain ko. Mukhang napansin niya ito kaya muli siyang nagsalita.

"What? Gusto mo bang subuan pa kita para kumain ka?" Seryosong tanong niya sakin.

"A-ano? I can handle myself." Sabi ko at dali daling kinuha ang kutsara't tinidor tapos ay agad sumubo ng pagkain.

"Weird."

"No. I'm not." Sagot ko pero hindi man lang siya binalingan ng kahit anong sulyap.

"Yes. You are. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko." Sabi niya pa at ramdam ko ang pagtitig niya.

"Yeah, I'm different. Kasi nag iisa lang ako." Walang alinlangan kong sagot sa kanya. Sa mga sandaling ito, Pinipilit kong kausapin siya ng normal. Hindi yung naiilang. Kailangan ko nang masanay na pag aari na ako ng isang lalaki at wala na akong magagawa pa.

Mabilis kong tinapos ang agahan ko at hinarap siya.

"W-wala akong damit.." Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Hmm? Yeah. I know. Bibili tayo mamaya." Sagot niya at nilagay sa sink ang pinagkainan namin.

"Okay.." Sagot ko at lalakad na sana palabas ng kusina ng may maalala ako.

"Ahm. Mister.." Tawag ko sa kanya dahil nakatalikod siya sakin habang nag huhugas ng pinggan.

"Do you know my name, Right?" Tanong niya sakin. Tumango naman na para bang nakikita niya ako. "Then don't call me Mister. Call me Sex." dagdag pa niya.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa gusto niya. Sex? Masyadong malaswa pakinggan.

Hindi ako tumugon sa sinabi niya kaya agad siyang nagpunas ng kamay at lumapit sakin.

"Call me, Sex." Sabi niya at dahan dahan akong nilapitan. Sa bawat paglapit niya ay ang siya namang pagatras ko.

"Ayoko. Masyadong malaswa.." Sagot ko at umatras pa ngunit tumama ang likod ko sa pader.

Ikinulong niya ako sa pader gamit ang dalawang braso niya na nilagay sa magkabilang gilid ko.

Pasugod niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para mapapikit ako. Ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa pisngi ko.

"Call me Sex." Bulong niya sakin pero umiling ako.

"S.E.X. Sex. As simple as that. Say it." Bulong pa niya pero umiling lang akong muli.

"Hmm? Say it. Say my name, baby.." Bulong niya na may kasamang panlalambing.

"A-ayoko.." Pagtanggi ko.

"Then call me baby.." Sabi niya.

"Mas lalong ayoko." Tapang-tapangan kong sagot.

"You have no choice, baby. Call me Sex or Call me baby. You choose." Sabi niya at ramdam ko ang pagngisi niya.

"Shooter. Shooter nalang ang itatawag ko sayo." Sagot ko sa kanya at bahagyang iniwas ang mukha ko sa kanya.

"No.." Sabi niya at marahang hinawakan ang mukha ko para muling magtapat ang mukha naming dalawa. "I don't like Shooter." Sabi pa niya. "It's either Sex or Baby. You only have two choices."

Ilang minuto akong hindi umimik dahil wala naman akong mapili na itatawag sa kanya. Sex or Baby?

"Hey. What do you prefer, Sex or Baby?" Natatawa niyang tanong sakin pero wala akong maisagot.

Kumunot ang noo ko dahil sa mapaglarong tanong niya. Sex or baby, Ba't parang iba na?

"Okay. Let's have a deal." Sabi niya nang mapansin na wala akong balak sumagot.

"I'll toss a coin. Kapag Head ang lumabas, You'll call me Sex. Kapag Tail naman, You'll call me Baby. Deal?" Sabi niya at hinagis ang Ten peso coin sa palad niya.

"Deal." Nagaaalangan kong sagot.

"But before I toss this coin. What's your bet, Head or tail?" Tanong niya.

Napanguso naman ako bago sumagot. "Tail."

"Tail then. Kapag Tail ang lumabas, I'll kiss you. Kapag head naman ang lumabas you'll kiss me..." Dagdag pa niya.

"A-ayoko nga." Tanggi ko pero umiling lang siya at sinimulang ihagis sa ere ang barya pagkatapos ay sinalo ito.

"Ano sa tingin mo? Head or tail?" Tanong niya sakin.

"Idunno. I'm not a fortune teller para mahulaan ko." Sarkastiko kong sagot para bawasan ang kabang nararamdaman ko na nagpahalakhak sa kanya.

"So sarcastic.." Bulong niya kasabay non ang pagbukas ng palad niya.

"Its.. Head." Nakangisi niyang sabi at tinignan ako na parang nangaasar.

"Now, You will call me Sex." Sabi niya sakin. Napanguso naman ako.

"And baka makalimutan mo, May utang ka saking halik.. At sisingilin ko na yon ngayon." Dagdag pa niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko na halos isang gahibla na lang ang layo ng labi niya sa labi ko.

"Kiss me, baby.." Bulong niya na naghihintay sa halik ko.

"A-ano ba.. Lumayo ka nga.." Sabi ko at sinubukan kong itulak siya sa dibdib ngunit hinawakan niya lang dalawa kong kamay at pinirmi yon.

"Say Sex. Say my name.." Seryoso niyang sabi at kahit napipilitan. Sinabi ko yon ng labas sa ilong.

"S-sex.." Mahina kong banggit sa pangalan niya at wala pang ilang segundo ang lumilipas ay naramdaman ko na ang labi niyang nakalapat sa labi ko.

Matapos ang ilang segundong halik ay nagsalita siya na nagpapula ng mga pisngi ko.

"Your lips are like drugs, its addicting."

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon