Chapter 25

78.2K 1.4K 9
                                    

Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabing 'yon ni Dashton sakin. Boyfriend ko si Sex three years ago? May past kami? Pero bakit wala akong maalala ni-isa?

"T-totoo ba yung sinabi mo sakin? May past kami ni Sex?" I asked. "Na boyfriend ko siya?" Nanginginig ang boses ko nang itanong ko yon kay Dashton na nakaupo ngayon sa isang gilid at umiinom lang ng alak.

"Paulit ulit ka, Sinabi ngang oo. Ang bobo mo." Sabi niya sa 'kin at hindi man lang ?nag-abala na tapunan ng tingin.

"P-pero paanong nangyari na wala akong maalala? B-bakit ikaw ang alam kong ex-boyfriend ko at wala nang iba?" Naluluha kong tanong sa kanya dahil sobrang naguguluhan talaga ako sa mga sinasabi niya.

Tinungga niya ang bote ng alak bago lumapit sakin at umupo sa harap ko. "Gusto mo ba talagang malaman?" Tanong niya at wala sa sarili akong tumango. Ngumisi siya at naupo sa harapan ko pagkatapos ay nagsindi ng isang sigarilyo bago magsalita.

"Okay. Mamamatay ka na rin naman, Siguro pwede ko nang ikwento sayo lahat." Sabi niya. Hindi naman ako sumagot at tinitigan lang siya. Hinihintay ang bawat salitang lalabas sa bibig niya.

"Three years ago, Boyfriend mo si Shooter He's my cousin, malayong pinsan pero pinilit maging malapit ng mga magulang ko sa magulang niya. Alam ko lahat ng ginawa niya para mapasagot ka niya." Panimula niya. "You're fucking inlove with each other, samantalang ako? Ni-hindi mo man lang nakilala."

"But one day, Kinailangan niyang umalis for some business purpose. Mga magulang ko lang ang malapit sa kanila, pero ako hindi." Kwento niya. "Nung malaman kong aalis siya, doon ko naisip na pagkakataon ko na sa 'yo. Malalapitan na kita ng walang balakid." Kwento pa niya at parang kinukurot ang puso ko sa mga naririnig kong kwento galing sa kanya.

"Ayaw pa nga niya umalis kung hindi lang siya pinilit ng parents niya. Pagka-alis na pagkaalis niya, nagparamdam agad ako sayo. Pero unang kita mo pa lang sa akin, kitang kita ko na agad ang pagkasuklam at pandidiri sa mga mata mo." Mapakla siyang tumawa ng sabihin niya ang mga salitang yon.

"Pero pinilit ko pa rin ang sarili ko sa 'yo. Tangina, tatlong araw lang 'yon." Sabi pa niya. "Huling araw, pinilit kitang isakay sa kotse ko kahit na ayaw mo. Dadalhin lang naman kita sa paborito kong lugar, susulutin na malaya kitang kasama." Kita ko ang namumuong luha sa mata niya.

"Umalis tayo, Ako nagmamaneho no'n. Hindi ko na iniinda yung mga sapak, kurot pati na mura mo sa akin," he smiled bitterly. "Pero nabunggo tayo ng isang truck. Lasing yung driver no'n at wala sa sarili kaya hindi tayo napansin." Dagdag pa niya pero nanatili akong tahimik at pinapakinggan lang lahat ng sinasabi niya.

"Sa ating dalawa, Ikaw yung pinaka napuruhan. Dinala tayo parehas sa ospital pero ikaw yung kritikal ang lagay. Nag 50-50 na nga ang buhay mo no'n." Mahina niyang kwento sa 'kin pero sapat para marinig ko.

"Nacomatose ka ng ilang araw, Araw-araw ako ang bantay mo sa ospital kasi walang kaalam alam si Shooter sa nangyari. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ka nagkagano'n." Sabi pa niya. "Habang si Shooter nababaliw kakahanap sayo, Ikaw comatose. Hiniling ko sa mga magulang ko na itago ang nangyari sa atin. 'wag ipapaalam kahit kanino lalo na sa pamilya nila."

Huminga ako ng malalim at pakiramdam ko may nagbara sa lalamunan ko at nahihirapan akong huminga.

"Paglipas ng ilang araw nagising ka rin sa wakas pero," huminto siya sandali. "Wala kang maalala." Sabi pa niya at itinapon kung saan ang kanyang sigarilyo. "Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinabi ko sayong ako ang boyfriend mo.."

"Sinamantala ko ang kahinaan mo. Bakit ba? Ayon nalang ang una at huling pagkakataon para maging akin ka, bakit ko pa papakawalan?" Sabi pa niya dahilan para pumatak ang luha ko. "Hinayaan kong mawala ng tuluyan sa alaala mo si Shooter, lahat pinalitan ko ng maling alaala at impormasyon."

Lahat ng pinaniniwalaan ko noon, kasinungalinan lang pala lahat.

"S-stop," Pumiyok ang boses ko ng sabihin ko yon dahil sa sakit na nararamdaman, Kahit ang ulo ko ay nagsisimula nang sumakit dahil sa mga sinasabi niya.

"No. Simula no'n, Ako na ang tumayong boyfriend mo. Lahat ng alaala niyo ni Sex na hindi mo maalala, pinalitan ko ng alaala natin, Lahat." Sabi niya at hindi pinakinggan ang sinabi kong tumigil siya.

"T-tama na, tumigil kana.." Sabi ko sa kanya dahil sumasakit ang ulo ko at gusto ko nalang takpan ang tainga ko para hindi ko na marinig po ang mga sasabihin niya.

"Minahal kita, Kas. Hanggang ngayon. Kaya lang naman kita naibenta dahil kinailangan ko ng pera dahil nalubog ako sa--"

"Tumigil kana!" Sigaw ko sa kanya at wala akong ginawa kundi ang umiyak lamang at gustuhin ko mang takpan ang tainga ko ay hindi ko magawa dahil nakatali ako.

Napahagulgol nalang ako ng iyak dahil ang daming pumapasok sa isip ko na animo'y eksena sa isang pelikula pero lahat ng tauhan doon ay hindi makita ang mga mukha.

"I love you.."

"I love you too, Baby."

Gusto ko mang tumigil na sa pag-iyak pero hindi ko magawa. Ang kaninang sakit sa ulo ko ay mas lalong lumala. Halos mapasigaw ako dahil sa sakit, samantalang si Dashton ay nakatitig lang sakin, Walang ginagawa kundi panoorin ako.

"Sumasakit ang ulo mo?" Marahan niyang tanong sakin pero hindi ako sumagot.

Lumapit siya sa likuran ko at sa isang iglap ay hinampas niya ako sa batok para mawalan ako ng malay, para sandaling mawala ang sakit na nararamdaman ko at magpakain sa kadiliman.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon