Chapter 19

88.7K 1.7K 54
                                    

"Do you need anything? Cravings?" Sex asked me again. Kaninang umaga pa siya tanong ng tanong sa akin. Tatlong araw na simula nung makauwi ako sa bahay. Dalawang araw akong nasa hospital dahil ayaw pa niya pumayag na iuwi ako kahit pwede na. Simula no'n hindi na siya umalis sa tabi ko.

Hindi rin muna siya tumatabi sa akin pero kapag madaling araw na, nararamdaman ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto at ang pagpasok niya. Gabi-gabi siyang humihingi ng sorry pagkatapos ay hahalikan ako sa noo.

Napairap ako at natatawang tinignan siya na nakanguso. "Wala akong gusto."

He sighed and then bumalik sa laptop niya.  Naka-off ang TV, ayaw niya nang pabuksan ulit. Tinitignan ko lang siya kung paano paulit-ulit na magkasalubong ang kilay niya at magmura ng mahihina.

Humikab ako kaya napatingin siya sa 'kin. He chuckled. I rolled my eyes tapos ay pinatong ang parehas kong paa sa hita niya. Ngumisi siya at tinampal ang hita ko ng marahan.

"How dare you!" Pinandilatan ko siya ng mata. Humalakhak siya at inipit ang paa ko gamit ang braso at hita niya. Naramdaman ko sa talampakan ko ang daliri niya roon.

"Sex!" I shouted. Parang naging kiti-kiti ako, hindi alam kung paano makakalayo sa kanya. Nanghihina ang buong katawan ko at tawa lang ako ng tawa.

"Uy, bold."

Nahinto kami ni Sex at napalingon, nakita ko roon sila Six and friends. Nakangisi at nagtatawanan. Napatayo at napaayos ng upo. Napahilot nanaman si Sex sa sintido kaya nginitian ko siya bago inasikaso yung mga kaibigan niya.

"What do you need?" Tanong sa kanila ni Six. Nginitian nila ako lahat. Si Hell ay hinalikan pa ako sa likod ng palad bilang pagbati.

"Parang hindi talaga tayo kaibigan," biro ni  West at naunang naupo sa sofa. Nagpunta naman ako sa kusina para ikuha sila ng maiinom.

"May balita kami sa 'yo. Nakangisi ngunit seryosong sabi Blade.

Napangiti ako ng makita ang parang mga batang sila Six at Hell na naghaharutan, sila West, Blade at Sex naman ay seryosong nag uusap at mukhang nagmi-meeting.

"Susumbong kita sa kuya ko!" Sigaw ni Six nang ambaan siya ni Hell ng suntok. Natawa ako kaya napatingin sila sa akin. Nag-unahan pa sila palapit sa akin para tulungan akong dalhin yung mga juice.

"Ako na, impyerno!"

"Ako na numero!"

Naglakad ako papalapit kila Sex, huminto ng makalapit sa lamesa nila. May pinag-uusapan sila, may binabasa si Sex sa folder habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Blade.

"Nandiyan na lahat ng kakailanganin mo. Yung mga history niya, lahat." Blade said.

"Akong bahala sa inyo sa korte." Singit ni West at sumimsim ng juice.

Hindi naman sa pangingielam pero may parte sa utak ko na gustong makita kung ano yung nasa folder. Dahan-dahan akong naglakad at pumwesto sa likod ni Sex. Niliitan ko ang mata ko para mabasa ang laman no'n.

"Dashton--"

"Tangina naman, Hell. Foul 'yon!" Sigaw ni Six pero nakatingin sa akin. Nanlalaki ang mata. Dali-dali akong umalis sa likod ni Sex at naupo nalang sa tabi niya. Sinara din niya yung folder at hinawakan ang kamay ko.

"Kailangan natin maunahan yung mga magulang niya na mahanap siya," seryoso niyang sabi. Tumango naman yung mga kaibigan niya. "Wala akong tiwala lalo na ngayon na malaya pa rin siya."

Hinarap ko siya at nginitian. Nakita kong naka igting ang panga niya, pinipigilan ang matinding galit. Pinisil ko ang magkasiklop naming palad. Kahit papaano ay kumalma siya.

"Let's talk after this." Sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagdadalawang isip niya pero wala rin nagawa at tumango.

Gusto kong malaman kung anong meron. Bakit pinapa imbestigahan niya si Dashton, dahil ba sa nangyari do'n sa office niya o meron pang mas malalim na dahilan. Hindi sa kinakampihan ko ang gago na 'yon pero gusto ko lang malaman ang dahilan ng galit ni Sex sa kanya.

Ilang usapan at harutan pa bago nila magawang magpaalam isa-isa. Kakatapos ko lang maghugas ng mga pinggan, umakyat ako kaagad sa kwarto para makausap si Sex.

Bumungad siya sa akin, nakaupo sa kama at may tuwalyang nakasabit sa balikat. Walang pang itaas na damit at nakatitig sa folder na nakapatong malapit sa kama.

Lumapit ako sa kanya at ako na mismo ang nagpunas ng buhok niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang beywang, nakatingala sa akin gamit ang mapupungay na mga mata.

"You want to talk?" He asked. Tumango ako.

"Yung nasa folder, files ni Dashton yung nandoon hindi ba?" I asked softly. Tumango siya, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Bakit mayroon ka no'n?"

Pumikit siya at kumunot ang noo. Kitang kita ko ang paggalaw ng adam's apple niya dahil sa paglunok. "Nag-aalala ka sa kanya?"

Nakita ko sa mata niya ang takot. "Natatakot ka ba sa pwede kong gawin sa kanya?" Tanong niya sa akin na parang bata.

Umaawang ang labi ko at hindi mahanap ang tamang salita. Wala sa isip ko ang pag-aalala sa Dashton na 'yon matapos ang mga ginawa niya sa akin. Gusto ko lang malaman ang dahilan.

"H-hindi ganon 'yon," sagot ko. Hinaplos ko ang pisngi niya. "Gusto ko lang malaman, anong dahilan?"

"Do you trust me?" He asked.

Agad akong tumango. Tumango rin siya at ngumiti. Para bang 'yon lang ang kailangan niya para mapanatag siya. Sinuksok niya ang mukha niya sa dibdib ko at niyakap ako. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sumunod niyang sinabi.

"I'll protect you. Kahit buhay ko pa ang kapalit," he said. "Hindi na mauulit 'yong pinagdaanan mo. I love you."

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon