Chapter 3

130K 2.7K 205
                                    

"Don't tell me na isasama mo 'ko ng ganito ang suot?" Nabibigla kong tanong kay Shooter ng sinabi niyang ibibili niya ako ng mga damit at gamit ko.

"Ofcourse not. Hindi ka makakalabas ng bahay na 'to ng isang t-shirt at underwear lang ang suot mo." Sagot niya sakin at kinuha ang cellphone niya sa bulsa, mukhang may tatawagan.

Namula naman ang pisngi ko nang sabihin niya yon. Alam niya palang wala akong short, pero hindi man lang nag abala na bigyan ako kahit boxer para may maisuot.

"A-alam mo naman palang u-underwear lang ang suot ko, Pero hindi mo man lang ako binigyan ng short.." Pahina ng pahina ang boses ko nang sinabi ko yon.

Napatingin naman siya sakin. Nakitaan ko nang pagkaaliw ang kulay abo niyang mga mata.

"Yeah. Sinadya ko talaga yon. And do you see yourself right now? You look so freaking hot.." Sabi niya at binigyan ako ng isang nakakalokong ngisi bago ako tinalikuran at kinausap ang nasa kabilang linya ng cellphone niya.

Sinamaan ko siya ng tingin habang nakatalikod siya sakin. Naupo naman ako sa sofa habang tinitignan siyang seryoso na nakikipagusap.

"Hey, can you do me a favor?.. Yeah. Buy me some cloth... Huh? Ofcourse not, You fucker. Pang-babae ang bilin mong mga damit... Don't ask me! Bumili ka nalang. Yes.. Oo na babayaran kita pagdala mo dito.. Okay. Thanks.." Sabi niya sa kausap at pinutol agad ang linya nito.

Binalingan niya naman ako at kinausap.

"I'll just take a shower. Doon kana muna sa kwarto ko maghintay. Kapag may dumating, Tawagin mo lang ako. Understand?" Sabi niya sakin. Tumango naman ako.

"Good.." Sabi niya at mabilis akong hinalikan sa labi bago ako iwan mag isa. Nakanguso akong pumanhik sa kwarto niya at pabagsak na nahiga sa kama at tumitig sa kisame.

Biglang pumasok sa isip ko ang isang bagay. Hanggang kailan kaya niya ako ikukulong sa bahay na 'to, Kapag ba nakuha niya na ang gusto niya at nagsawa na siya sa akin? O baka ibebenta niya din ako dahil malaking halaga ang ten million para sayangin lang sa isang tulad ko.

Lumapit ako sa malapit na salamin sa akin at tinignan ang repleksyon ko, Magulo ang pinaghalong itim at dark brown na buhok, Naka puting shirt na napakalaki sakin at walang kaayos ayos ang mukha ko.

Napabuntong hininga ako. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at ipinusod ito. Naiwan ang ilang maiikling buhok ko na bumagay naman. Sunod ay kinagat ko ang labi ko para kahit papaano'y pumula ito. Tinupi ko rin ang manggas ng shirt ko, at sa lagay na yon medyo umaayos na ang itsura ko.

"Maganda ka nga.. ten million lang naman ang halaga mo." Sabi ko sa repleksyon ko sa salamin at mapait na ngumiti. Pero agad naputol ang pagiisip ko nang marinig kong may nag doorbell.

Bago ko tignan kung sino ang nasa labas, kinalkal ko muna ang damit ni Sex at kumuha ng isang jersey short para maisuot at agad akong bumaba.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sakin ang isang lalaki na si---Sex?

"Hi, Miss Sexy pretty lady. Nandyan ba si Shooter?" Nakangiti nitong tanong sakin.

"O-oo, Pasok ka. Naliligo lang si Se-- I mean Shooter." Sagot ko at niluwagan ang bukas ng pinto at pinatuloy siya. Dumiretso siya sa sofa at doon naupo.

Naupo ako katapat niyang upuan. Nababaliw na ba ako? Multo ba 'to?

From his Jaw, Eyes, Nose, lips, And even hair. Sobrang kaparehas niya si Sex. Sobrang kamukha.

"Stop staring. Alam kong gwapo ako, Pero nakakailang ang titig mo." Natatawang sabi niya sakin. Agad naman akong napaiwas ng tingin. "By the way, What's your name, Miss?"

"Kim." Sagot ko at agad iniwas ang tingin sa kanya.

"Cool name! I'm Sniper." Sabi naman niya at nilahad ang kamay niya sakin para makipag shakehands. Agad ko naman itong tinanggap.

"Sniper Ihraim Xyrhius Gray. That's my whole name." Sabi pa niya. " But you can call me Six if you want." Naitabingi ko naman ang ulo dahil sa sinabi niya.

"Kaano ano mo si Shooter?" Walang pagaalinlangan kong tanong sa kanya kahit halatang halata naman na.

"He's my twin."

Napatingin ako kay Shooter na nasa gilid ng hagdan. Topless habang nagpupunas ng basa niyang buhok. Sinabit niya sa balikat niya ang tuwalya at lumapit sakin.

"Don't touch her." Ramdam ko ang pagkairita sa boses niya ng paghiwalayin niya ang magkahawak na kamay namin ni Six. Pabato niyang binitawan ang kamay ni Six na siyang ikinatawa nito.

"Chill. Nakipagkilala lang ako." Paliwanag ni Six at tumawa.

"Don't flirt her or else I'll punch you." Sabi naman ni Shooter sa kambal niya.

"Too serious." Sagot ni Six at nakipag high five nalang kay Sex.

"Leave my house, now." Seryosong sabi ni Sex pero tinawanan lang siya ng kapatid.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sobrang magkamukha nga sila at magkasingtakad din. Ang pinagkaiba lang nila ay ang kulay ng buhok. Kulay pula ang buhok ni Six, Samantalang itim naman ang kay Sex.

"Stop so being jealous and possessive man, Ang corny." Asar ni Six kay Shooter.

"Fuck you." Sagot niya.

"Your girlfriend?" Tanong ni Six.

Umiling si Sex. "She's my wife."

Mukhang nagulat naman si Six. Pero agad din itong ngumisi.

"Seriously? Congrats Shooter."

"Thanks." Sagot ni Sex. "Now, leave my house." Sabi pa niya at pinagtulakan sa labas si Six.

"Wait! Nice meeting you, Sexy Kim!" Sigaw ni Six at kinindatan pa ako. Narinig ko ang murahan nilang dalawa bago tuluyang ipagtulakan ni Sex ang kakambal.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon