Chapter 13

102K 1.9K 40
                                    

"Wag mo siya masyadong isipin, Nandito lang ako. Poprotektahan ka." Sabi ni Sex sakin pagkauwi namin sa bahay.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang biglaang pagsulpot ni Dashton sa opisina ni Sex kanina.

"Baka may gawin siya sakin Sex... Baka ibenta niya ulit ako---"

"Shh. Hindi yon mangyayari okay? Nandito ako. Sasalo muna siya ng bala bago ka niya mahawakan." Sabi ni Sex na niyakap na lamang ako bago at hinalikan sa noo. "Magpahinga kana muna sa kwarto." Tumango ako at hinayaan siyang ihatid ako sa kwarto at ihiga sa kama.

Wala akong imik na nahiga sa kama habang siya ay naupo sa gilid ko. Hinaplos niya ang buhok ko at kinumutan ako. "Everthing will be alright, As long as i'm here." He said.

Siguro dahil sa pagod at sa paulit ulit na paghaplos niya sa buhok ko ay agad akong dinalaw ng antok, Ilang minuto pa ang lumipas bago ako makatulog.

"YES. Bantayan niyo ang bawat galaw niya. Wag niyo siyang hahayaang makalapit sakin dahil alam niyo kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya kapag ako ang nagbantay sa mga kilos niya." Dinig kong boses ni Sex.

Idinilat ko ang mga mata ko. Nagkukusot pa ako ng mata ng makita ko siya sa veranda, walang pang-itaas na damit, magulo ang buhok habang hinihilot ang sintido at may kausap sa cellphone.

"Fuck those Rules and Regulations. I can kill him kapag hindi ako nakapagtimpi. You know me, Blade. Napakaiksi ng pasensya ko." Malamig na sagot ni Sex. "Nandyan naman si West, Afterall."

"Yeah. Thanks." Sabi pa niya bago ibinaba ang cellphone.

Pumasok siya sa kwarto at nang makitang gising na ako ay agad niya akong nilapitan.

"How's your sleep? Nagising ba kita?" He asked. Umiling naman ako.

"Are you hungry? I'll cook. What do you want?" Tanong pa niya. Napanguso naman ako bago sumagot.

"Gusto ko ng Sinigang.." Sabi ko.

"Ayun lang?" Tanong niya. Tumango naman ako.

Agad kaming bumaba sa kusina at katulad ng nakasanayan, Nakaupo lang ako sa stool habang siya ay nagluluto. Nakapangalumbaba ko siyang tinignan habang nagluluto. Hindi ko akalain na ang ganitong kagwapong lalaki ay marunong magluto, idagdag mo pa ang kanyang masungit na mukha kapag seryoso at ang matikas niyang pangangatawan. Akala mo'y seryoso at masungit pero napakaisip bata at mahilig mangasar kapag kami lang dalawa.

Napangisi ako dahil sa naisip ko at sandaling nawala sa isipan ko ang pagpapakita ni Dashton kanina.

"Don't fantasize me. Baka magkatotoo yan." He said. Natawa naman ako.

"I'm not, you pervert." Sabi ko sa kanya.

"Me. Pervert? Oh come on. Ikaw ang nang akit sakin, Hindi ako." He chuckled. Naalala ko nanaman ang pinaggagawa ko nung nalasing ako. Hindi na talaga ako iinom ulit! I swear!

"Wag mo nang ipaalala." Sabi ko at pinamulahan ng pisngi. He chuckled again.

"Why? Ayaw mo ba maalala kung paano mo 'ko inakit at kung paano ka umungol because of me, that night?" Tanong niya habang may nang aasar pero I can see the lust in his eyes. Naiimagine ko tuloy kung ano ang tumatakbo sa isip niya dahil sa pinagsasabi niya ngayon.

"Shut up." Sabi ko at nagtakip ng mukha gamit ang aking palad.

Naramdaman ko naman ang paglapit niya sakin at ang paghalakhak niya sa tenga ko. "Don't be shy. That's normal lalo na kapag nasasarapan ka.." He whispered with a sexy laugh. Nakurot ko naman siya braso dahil sa hiya. Hinalikan niya naman ako sa pisngi bago bumalik sa ginagawa niya.

Paglipas ng ilang minuto, naamoy ko na ang nakakatakam na amoy ng sinigang na niluluto niya. Agad kumulo ang sikmura ko at hindi na makapaghintay na kumain.

Nang ihanda niya ito ay agad akong sumandok ay hindi siya pinansin. Tumaas naman ang isang kilay niya at ngumisi dahil sa naging kilos ko. Umiling lang siya at kumain na rin.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita siya. Sumimsim muna siya sa kanyang baso bago magsalita.

"Magbabakasyon tayo." He declared. Napatingin naman ako sa kanya.

"Huh, Saan? Tsaka bakit?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang magpakalayo layo kasama ka nang wala asungot." Sabi niya.

"Asungot?"

"Yeah. Si Six. Sila West, Hell, and Blade." Sagot niya.

"Seriously? Kakambal at kaibigan mo tinatawag mong asungot?" Sabi ko sa kanya pero ngumisi lang siya.

"Yeah. Asungot kami sa buhay ng bawat isa. Natural na yon." Sagot niya.

"Kung magbabakasyon tayo, Kelan naman?" Tanong ko pa.

"Kung papayag kana, Then bukas." Sabi niya at agad tinapos ang pagkain. Nasamid naman ako dahil sa sagot niya.

"Agad!?" Gulantang kong tanong. Tumango naman siya. "Hanggang kelan naman tayo magi-stay kung saang man' lupalop mo 'ko dadalhin?"

"Hanggang sa mabuntis ka." Sagot niya. Nalaglag naman ang panga ko dahil sa sinabi niya.

"A-ano?"

"Magi-stay tayo doon hanggang sa mabuntis kita. Bale doon tayo gagawa ng baby. Doon kita bubuntisin para pagbalik natin dito wala nang makakaagaw sayo kung meron man." Seryoso niyang sagot.

"S-seryoso ka ba?" Hindi makapaniwala kong tanong. Tumango naman siya.

"Uuwi lang tayo dito kapag nabuntis na kita. So maghanda ka dahil mapapagod ka doon gabi gabi. Kakaibang bakasyon yon." He said in a playful tone. Napamura naman ako dahil sa pinagsasabi niya.

"Subukan mo lang Sex.." Banta ko.

"Gusto mo bang subukan ko bago tayo umalis bukas?" Sagot niya at nagtangkang lumapit sa akin. Umiwas ako sa kanya pero tumawa lang siya. "I'm serious baby. Bubuntisin talaga kita." He whispered again. Napapikit naman ako sa ginawa niya lalo na nang halikan niya ako sa aking tenga.

"Stop it, Sex.." Saway ko sa kanya pero pinagpatuloy niya lang ang ginagawa.

"Tigilan mo 'ko, Sex. Masisipa kita." Sabi ko dahilan para tumigil siya at tawanan ako.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon