Chapter 29

89.4K 1.5K 52
                                    

"S-sex.." Mahinang tawag sakin ng kakambal ko at hinawakan ako sa balikat.

"U-uh, Kas. 'Wag ka munang gumalaw. I'll check you first." Sabi niya at nilapitan si Kas para i-check samantalang ako ay tulala lang na nakatingin kay Kas na ngayon ay nakanunot ang noo at ang sama ng tingin sakin, Animo'y hindi ako kilala at bago lang ako sa paningin niya.

Habang inaasikaso siya ni Six ay hindi matanggal ang titig niya sakin.

Akala ko masakit na ang una niyang bungad sakin pero hindi pa pala. Mas masakit pala ang sumunod.

"S-sino ka ba? Nasan si Dashton? Y-yung boyfriend ko.." Mahina at paos niyang tanong sakin dahilan para manuyot ang lalamunan ko at talikuran siya.

'Akala ko matutuwa siya kapag paggising niya ako ang unang makikita niya pero masakit pala kapag umasa ka pero iba naman pala ang hinahanap niya..'

Huminga ako ng malalim at pumikit. Pinipigilan ang pagtulo ng luha saking mga mata dahil sa sakit.

"Pwede ko bang malaman kung nasaan ang boyfriend ko?" Rinig kong inosenteng tanong niya kay Six dahilan para mas piliin ko pang lumabas nalang muna sa loob ng kwartong iyon kaysa marinig pa ang mga susunod niyang tanong o sasabihin.

"Lalabas muna ako.." Mahina pero malamig ang boses ko ng sabihin iyon. Hindi man lang sila hinarap o tinignan. Naglakad ako diretso sa pinto at pipihitin ko na sana ang door knob ng tawagin niya ako.

"Baby Sex.."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang tawag niya sakin. Tila napako ako sa kinatatayuan ko at nahirapan akong gumalaw.

"Tatayo ka nalang ba dyan?" Sabi niya sakin sa napapaos na boses kaya naman agad ko siyang nilingon at nakita ko siyang nakangisi at nagpipigil ng ngiti. Ganon din si Six na umiiling at natatawa.

Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Isinuksok ko ang mukha ko sa kanyang leeg tulad ng palagi kong ginagawa sa kanya.

"Damn it. Do you remember me?" Napapaos kong tanong sa kanya. Pinipigilan ang pagiyak.

"Oo naman. Makakalimutan ko ba naman ang boyfriend slash asawa ko slash Daddy ng baby ko?" Ramdam ko ang saya sa boses niya kaya naman pumatak ang luha sa aking mata.

"Lalabas muna ako. Pagaling ka Sexy Kas." Rinig kong sabi ni Six bago narinig ang pagbukas at sara ng pinto.

"Hey.." Sabi niya at sinubukan hawakan ang mukha ko paharap sa kanya pero hindi ako pumayag. Ayokong makita niya akong umiiyak. Fuck.

"Uy. Umiiyak ka ba? Nababasa yung leeg ko." Nag-aalala pero natatawa niyang tanong sakin. Marahan niyang hinawakan ang mukha ko at hinarap sa kanya. Natawa siya ng makita ang pisngi kong basa ng luha kaya gamit ang maliit pero malambot niyang palad ay pinunasan niya ang pisngi ko.

"My baby Sex is crying." She whispered. Napatitig naman ako sa kanya.

"B-baby sex? Natatandaan mo na 'ko?" Tanong ko sa kanya. Ilang segundo ang lumipas bago siya tumango at ngumiti ng matamis.

"Yeah. Naaalala ko na lahat, yung relasyon natin, yung nakaraan at syempre pati na rin ikaw." Sagot niya at hinaplos ang buhok ko.

"Seriously? Damn it." Sabi ko at tumango siya at pagod na ngumiti. Agad akong lumayo sa kanya ng kaunti.

"Damn. I'm sorry baby. Kakagising mo nga lang pala. Kailangan mo pang magpahinga." Sabi ko sa kanya. "What do you want? Nagugutom ka ba? Magpapadala ako ng pagkain--"

"Makita lang kita pagkagising ko busog na ako.." Putol niya sa sasabihin ko dahilan para mapanguso at pigilan ang pagngisi. Ramdam kong nag-init ang buong mukha ko kahit ang tainga ko.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon