Chapter 27

77.2K 1.5K 27
                                    

Mabilis namin narating ang sementeryong sinasabi ni Dashton. Kahit pagod galing sa pagtakbo ay agad kong pumunta sa sementeryo at hinanap ang bagong hukay dahil siguradong nandon si Kas.

"Gago talaga! Tatlo yung bagong hukay! Nasan dyan si Kas?" Hinihingal na tanong ni West sakin, Samantalang si Hell ay tumakbo sa isang hukay at agad hinukay iyon.

"Tagiisa tayo, Bilisan niyo! Baka mapahamak ang asawa mo!" Sigaw niya samin ni West at agad kaming tumalima sa sinabi niya. Gamit ang mga palad ay naghukay ako. Kahit mahirap.

"Kas, Kapit ka lang. Please.. Baby.." Bulong ko at naghukay ng naghukay. Hindi ininda ang pawis at dumi.

"Tangina niyo! Maghuhukay kayo hindi kayo nagdadala ng pala!" Rinig kong sigaw ni Blade na agad kaming nilapitan at binigyan ng tag-iisang pala.

"Nasaan si Dashton?" Tanong ni Hell sa kanya.

"Nandoon. Ginawang punching bag ni Six." Natatawang sagot ni Blade at tumulong sa paghuhukay na ginagawa ko.

"Wag kang mag-aalala. Malakas yang asawa mo. Kaya nila yan." Pagpapalakas nila sa loob ko pero hindi ko man lang siya natapunan ng tingin dahil sa ginagawa.

Lumipas ang halos ilang minuto ang paghuhukay namin at ramdam ko na abot ko na ang pinaglalagyan ni Kas. Pinaghalong kaba at sakit ang nararamdaman ko. Natatakot ako. Natatakot ako na baka huli na ako dumating.

Nang matapos ay agad kong binuksan ang lalagyang kahoy gamit ang pala. Sobra ang bilis ng tibok ng puso.

Nang mabuksan ko 'yon ay bumungad ang walang laman na kabaong. Nanlumo ako at parang nanlambot ang mga tuhod ko.

Nilapitan ko sila Hell nagbabakasali na baka maling hukay lang ang nahukay ko, pero bumagsak ang pag-asa ko ng wala rin doon si Kas.

"W-walang laman." Mahinang sabi sakin ni West na sobrang dumi na rin.

Kuyom ang kamao ko at gusto kong manapak ng i-dial ko sa cellphone ang number ni Six na agad nitong sinagot.

Rinig ko pa ang pagsigaw ni Dashton sa kabilang linya na lalong nagpakulo ng dugo ko.

"Wala si Kas sa sinabi niyang lugar," Mariin ngunit malamig kong sabi sa kanya.

"Wala talaga siya dyan!" Sabi ni Six sakin. "Nasa isang lumang budega siya malapit sa ilog. nilinlang niya tayo! tumakbo kayo bilisan niyo, tatlumpung minuto, sasabog ang bomba."

Agad nanlaki ang mata ko at napamura.
Kahit pagod, Tumakbo ulit ako na agad sinundan ng tatlo.

"Saan tayo pupunta?" Sigaw na tanong ni Hell sakin.

"Sa pinakamalapit na budega. Nandon si Kas, Nilinlang tayo ni Dashton. May bomba doon!" Sagot ko sa kanila. Kasabay naman non ang pagtanaw ko sa isang lumang budega na agad naming nilapitan.

Kanya kanya kaming naglabas ng mga baril bago pasukin iyon.

"Kas?" Tawag ko sa kanya pagkapasok.

"Kas? Nasaan ka?" Sabi ko pa pero walang sumagot.

"Maghiwa-hiwalay tayo." Suhestiyon ni Blade at agad pumunta sa isang banda ng budega.

Ako naman ay dumiretso sa madilim na parte. Marahan at dahan dahan ang kilos. Baway kwarto ay sinisilip ko, nagbabakasali na nandon si Kas.

"Kas, Si Sex 'to. Naririnig mo ba ako?" Sigaw ko. Nanatiling tahimik ang buong paligid hanggang sa makarinig ako ng mahinang ungol. Sinundan ko ang ungol na yon hanggang sa mapadpad ako sa isang kwarto.

Nagkalat ang mga basag na bote ng alak, Sigarilyo at mga lalagyan ng pagkain. Nakita ko pa ang nakataob na pinggan sa gilid at ang natapon na tubig galing sa isang plastik na baso.

Inilibot ang tingin sa paligid at nakita ko si Kas.

Parang may humampas na malakas na bagay sa dibdib ko habang nakatingin sa asawa ko. Nakatali sa isang upuan at madumi ang suot. Sobrang gulo ng buhok, may dugo ang noo at walang malay. Agad ko siyang nilapitan at napansin ang bomba na nasa gilid niya.

Tatlong minuto nalang.

"Nakita ko na si Kas! Lumabas na kayo ng budega. Less than three minutes nalang yung bomba bago sumabog." Sabi ko kila Hell sa kabilang linya samantalang ako ay pilit ginigising ang walang malay na si Kas.

Nang mapansin na hindi siya magising ay kinalagan ko nalang siya at binuhat palabas ng budega.

"Please wake up baby.." I whispered.

"Wag kang bibitaw, Kas."

"Nandito na ako.."

"Wag mo 'kong iwan.."

Mabilis ang naging kilos ko pero hindi sapat para makalabas agad kami. Hindi sapat para maunahan ang halos ilang segundo nalang na pagsabog ng bomba.

I know I'm not a good man but please, help us.

I really love this woman, please protect her and our child.

Just.. Just help us, God..

"Please.."

Kasabay nang pagsabog ng bomba ay ang pagkalabas namin ng budega pero nahulog kami sa ilog dahil sa lakas ng impact nito.
Kumalat ang usok sa buong paligid, nagliparan ang ilang gamit sa budega sanhi ng pagsabog pero si Kas ng kailangan ko.

Agad ko siyang nakita, Nakalutang. Hirap man lumangoy ay nilapitan ko siya at dinala sa parte na malayo sa budega. Inuna ko siyang iniahon ng may pag-iingat pagkatapos ay sumunod ako.

Itinapat ko ang palad ko sa bibig niya, Tinignan kung humihinga pa siya pero agad akong kinabahan ng walang hangin ang tumama doon galing sa kanya.

Sinubukan ko siyang bigyan ng CPR. Hinawakan ko ang ilong niya at inilapat ang labi sa labi niya at sinubukan siyang bigyan ng hangin pagkatapos I pressed her chest.

"Kas, gising na nandito na ako." Bulong ko sa kanya at inulit ulit ang ginawa ko sa kanya. Nagba-baka sakali.

"Kamusta si Kas?" Rinig kong boses ni Six sa aking gilid na kararating lang kasama sila Hell. Agad niya kaming nilapitan at hinawakan ang pulsuhan ni Kas.

"Wala na siyang pulso." Mahinang sabi ni Six sakin pero hindi ko yon pinansin. Patuloy lang ako sa aking ginagawa.

"No. Gigising siya para sakin, malakas yan." Basag ang boses kong sagot sa kanya at muling binigyan ng hangin si Kas pero kasabay non ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Kahit kailan, Hindi ko pinakitang mahina ako sa ibang tao. Ayokong pagtawanan nila ako. Pero nandito ako ngayon, umiiyak sa harap ng mga kaibigan ko.

"I love you. ." Bulong ko kay Kas, kasabay non ang pagkarinig ko sa ingay ng ambulansya na papalapit na sa kinalalagyan namin.

"Kas baby, Please, gumising kana. Don't leave me. I'll be good promise. Gumising ka lang. I really really love you.."

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon