Epilogue

99.7K 1.7K 55
                                    

Kas's Pov

"Ang ganda mo, Miss Kas!" Natutuwa at masayang bati sakin ng babaeng nag-ayos at nag make-up sakin para paghahanda sa gaganaping kasal ko mamaya.

Nginitian ko lang siya at tinignan ang sarili kong repleksyon sa salamin na nasa harap ko. Napangiti ako ng maisip na ilang oras nalang ang bibilangin, Ikakasal na ako kay Sex.

Hiniling ng babae na tumayo ako dahil gusto niyang makita ang kabuuan ko na siya namang pinagbigyan ko.

Mula sa buhok kong naka bun na may palamuting mga bulaklak, Simpleng kulay puting wedding gown na may disensyo ng mumunting bids sa laylayan nito, idagdag pa ang iilang alahas na suot ko masasabi kong ayos na ako para sa mahalagang araw na 'to.

"Bagay na bagay po kayo ng soon to be Husband niyo, Miss!" Natutuwa niya pang sabi sakin. Tumango lang ako bilang pagsang ayon at hinimas ang aking tiyan.

'Ikakasal na kami ni Daddy, Baby.'

"Ma'am handa na po ba kayo? Hinihintay na po kayo ng sasakyan niyo papuntang simbahan." Tumango naman ako at inalalayan ako ng nag make up sa akin papalabas ng kwarto. Paglabas, Agad akong isinakay sa isang limousine papuntang simbahan.

"Ingat sa byahe ma'am! Congratulations po ulit!" Paalam nila sa akin at sinabayan pa ng kaway. Naging tahimik at mapayapa ang naging byahe ko papuntang simbahan. Sa hindi malamang dahilan, hindi maalis ang ngiti sa aking labi.

Almost three years kaming nagkahiwalay pero sa huli sa kanya pa rin ang bagsak ko. Siya pa rin ang mahal ko, nawala man ang alaala ko.

                                ***

Paglipas ng ilang minutong byahe, huminto ang sinasakyan ko sa tapat mismo ng simbahan. Halos lahat ay nakahanda na.
Hindi pa man nabubuksan ang pintuan ng sinasakyan ko ay nakahanda na agad ang mga photographer para kuhaan ako.

May tumulong sa akin palabas ng sasakyan at inayos ang gown ko. Nakita ko rin kung paano nila sabihin na maghanda na lahat dahil magsisimula na ang kasal.

Marahan akong hinawakan ng isang babaeng organizer at inalalayan para dalhin sa pwesto ko, Ganon din ang ginawa niya sa iba. Sinalubong ako nila mama at papa at agad binati at hinalikan.

"Ang ganda ganda mo, 'nak!" Natutuwang sabi sa akin ni mama at niyakap ako. Suot ang isang puting magandang dress ay eleganteng tignan si Mama. Si papa naman ay nakasuot ng tuxedo at niyakap din ako.

"Ikakasal na ang prinsesa ko.." Bulong niya sa akin at hinalikan ako sa sentido. Ngumiti naman ako at niyakap din siya pabalik.

Nagawi ang mga mata ko sa unahan ko nandon sila Yaz, Nami at Fhe na halo magmukhang magagandang diwata dahil sa nga naggagandahang suot nila.

Agad akong umayos ng tayo ng sabihan ako ng organizer na magsisimula at kasabay non ang pagtugtog ng kanta sa buong simbahan. Hinawakan ni Papa ang kamay ko at isinabit ito sa kanyang braso, at sa huling pagkakataon, Inayos niya ang veil ko at hinalikan ako sa noo bago magsimula ang lahat.

Sa pagsisimula ng kanta ay ang pagbukas ng malaking pintuan ng simbahan at ang pagtanaw ko sa mga taong nasa loob no'n. Sunod sunod ang pag flash ng camera pero hindi yon naging hadlang para makita ko si Sex na nasa dulo ng simbahan at titig na titig sa akin.

Dahan dahan kaming naglakad ni papa papasok ng simbahan pero imbes na ngumiti sa mga nakatutok na camera sa akin ay nakatuon lang ang pansin ko kay Sex. Sa tabi niya ay si Six na nakasuot din ng black tuxedo at dinaanan ng kamay niya ang kanyang kulay pulang buhok.

Ang kaninang ngiti lang na nasa aking mukha ay nadagdagan ng pagluha. Hindi ko akalain na sa sobrang sayang nararamdaman ng isang tao, wala sa sariling mapapaiyak ito habang nakangiti, Tulad ko na lang ngayon.

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon