Chapter 5

21.4K 369 4
                                    

Third Person's POV

KINABUKASAN, tanging sila lang dalawa ni Manang Belen ang tao sa mansyon. Friday ngayon at day off niya. Hinintay niya munang makaalis si Gavin bago bumaba. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang magsalita si Manang Belen.

"Kung patuloy kayong ganyan ng ganyan ni Gavin ako na mismo ang magsasabi sa parents niyo na itigil niyo na ang kalokohang 'to!"

"Normal lang naman pong mag-away ang mag-asawa 'diba?" Pangungumbinsi niya rito.

"Normal pa bang matatawag iyang nagkakasakitan na kayo? Ano ka bang bata ka! Alam kong mahal mo ang asawa mo pero hindi na siguro tamang hayaan mong saktan ka niya kung kailan niya gustuhin." Nanatili siyang tahimik habang nagsasalita ito. "Para ko na kayong anak. Sana naman itigil niyo na ito."

"I love him, Manang." She felt her heart skip a beat. Walang nagawa si Manang Belen kundi ang respituhin ang desisyon niya. Siguro nga ay napakabaliw niya para mahalin pa rin ang taong walang ginawa kundi ang saktan siya.

Bandang tanghali na at kakatapos niya lang maligo. Kukuha sana siya ng makakain sa cabinet nila sa kusina ng mapansin niya na kaunti na lang ang laman niyon. Mukhang hindi pa nakakapag-grocery si Manang Belen. Tutal ay day off naman siya at walang gagawin, siya na lang ang pumunta sa supermarket para mamili.

Halos isang oras din siya sa loob ng supermarket. Dinamihan niya na ang mga kailangan nila sa bahay para hindi na pumunta pa si Manang Belen para mamalengke sa susunod na linggo. Nagtungo siya sa cashier at bago pa lamang siya makapili roon ay may bumangga sa cart na tulak-tulak niya. Dahil sa lakas ng impact niyon ay nabitawan niya.

Her lips slightly parted and her forehead creased. But annoyance faded away when she recognized the person who accidentally bumped her cart.

"Nice to see you here, Ayana." Zandra greeted her joyfully.

She's Zandra Sophia Mendez, one of her colleagues. Sophia was wearing a pink fitted dress and she has a chestnut brown curly hair. She's still beautiful like before.

"I'm sorry if I accidentally bumped your cart. I didn't notice you." She apologetically said. "It's just that I'm in a hurry."

"It's okay. No worries." A dazzling smile furrowed on her face. "How are you? It's been a while."

Pinauna niyang pumila si Sophia dahil base rito ay nagmamadali ito.

"I'm so fine!" Sophia exaggeratedly uttered. "And I'm getting married soon." Inilahad nito ang kamay sa kaniya. There's a small diamond ring in her finger.

"Really? When? I mean, who's the lucky guy?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Noon kasi ay bina-busted nito ang lahat ng nanliligaw nito at lagi nitong sinasabi na hinihintay lang daw nito ang lalaking mahal nito. "Iyon bang gusto mo noong college pa lang tayo?"

Sophia smiled timidly at her and blush was visible in her cheeks. "I can't tell you right now. You'll know soon. Don't worry, you're invited."

"I'll look forward to that."

"How are you with Gavin? How's the life of being a wife?"

Isa ito sa saksi noong kinasal sila ni Gavin. Malapit din kasi ang pamilya ni Sophia sa pamilya niya kaya imbitado ito. Gayunpaman, wala itong ideya sa relasyong mayroon sila ng asawa niya.

Lagi na rin naman siyang nagpapanggap na masaya kaya lulubos-lubusin niya na. "Well, we're doing fine. We're good." She smiled at Sophia. Hindi niya matagalan ang tingin dito kasi baka mahalata nito na nagsisinungaling lang siya.

"Talaga bang mabuting asawa si Gavin sayo?" Hindi niya alam kung namamalik-mata lang siya o talagang may kakaiba sa pagngisi ni Sophia. Iyong tipo na nagungutya at hindi naniniwala. Sa paraan ng pananalita nito ay para bang alam nito ang lahat ng nangyayari sa loob ng bahay nila.

"Excuse me?" Her eyebrow quirks up.

"I mean... Umh..."

"Next." The cashier uttered. Sophia doesn't finish her sentence as she immediately went to the counter.

Her scrutinizing gaze was pointing at Sophia until she went out at the supermarket. Ayana just tilted her head and ignored the question that starting to form in her mind.

Binayaran niya na ang kaniyang pinamili at nang makarating sa bahay nila ay inayos niya iyon sa kusina. Nagtungo rin siya sa kwarto ni Gavin para linisin iyon. Ilang beses niya na iyong ginagawa na lingid sa kaalaman ng asawa niya. Ayaw na ayaw ni Gavin na pumapasok siya sa kwarto nito kaya sa tuwing wala ito sa bahay, tyaka lang siya nagkakaroon ng pagkakataon na makapasok doon.

Gavin was the type of guy that all his things were in a proper place. He's so careful and he wants everything settled. That's why she just changed his bed sheet; the curtain and she cleaned his toilet.

Bahagyang nakabukas ang cabinet ni Gavin kaya nagtungo siya roon para sana isarado iyon pero napukaw ng isang itim na maliit na box ang kaniyang atensyon. Wala sa sariling kinuha niya iyon at unti-unting binuksan. Bumilis ang tahip ng kaniyang puso dahil pakiramdam niya ay alam niya kung anong laman niyon. A pink pear-cut diamond ring was inside the box. It was not just a simple ring but one of the most expensive rings in the world. It was not their wedding ring.

Iniisip pa lamang niya na mapupunta ito sa ibang babae ay parang hinihiwa na ang puso niya. It seems like the girl who will receive the ring was very special to her husband and of course, it wasn't her.

She took a deep breath before she left the room. She went downstairs and ignored the twinge of jealousy. But she can't put it aside. His husband is in love with someone else. Is he going to propose with the girl he really loves? Is he going to divorce her? Hindi iyon pwedeng mangyari! Hindi siya pwedeng iwan ni Gavin!

She widened her moist eyes and blinked to remove the sourness in them. She couldn't cry, at least now.

*****

Minnie Hwang

His Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon