Chapter 31

20.6K 327 36
                                    

Third Person's POV

THE sound of ocean waves gave a chill to her. The cold wind was touching her skin. Nakaupo siya sa pagitan ng mga hita ni Gavin habang nakapulupot naman ang dalawa nitong kamay sa kaniyang bewang habang nakamasid sila sa kulay asul na dagat. Marahang hinahalikan nito ang kaniyang leeg at tumitindig ang balahibo niya roon dahil sa ginagawa nito. Nakasandal siya sa matipuno nitong dibdib.

            Hindi sila pumasok sa kompanya ngayong araw. Pumunta sila sa isang resort para roon magpahinga. Sa katunayan ay ilang araw na rin silang wala ni Gavin sa kompanya dahil sa kung saan-saan siya nito dinadala. Hindi siya tumututol kasi gusto niya rin naman.

            "This is so relaxing." Nakaka-relax naman talaga ang pwesto nilang dalawa ngayon ng asawa niya.

            "Let's take a leave for a month, Wife. I want to spend more time with you."  Dumiin ang bawat halik nito sa kaniyang leeg.

"Hindi pwede. May trabaho kang kailangang gawin sa kompanya." Gusto niya rin iyon pero syempre hindi nila pwedeng ipagsawalang bahala ang responsibilidad nila sa kompanya. 

"I can make up with it after that leave—"

            "You know I want to spend more time with you too, but we have responsibilities to do." She uttered.

Gavin sighed. "Just one month, please?" His lips protruded. 

            "Gawin natin iyan kapag wala na masyadong kailangan sa kompanya."

Gavin wrapped his hands on her waist tighter. "Promise?"

"Promise," she answered as a bright smile appeared on her lips. 

            Tumayo si Gavin at tinulungan naman siya nitong makatayo. "Let's eat now." Pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay tyaka naglakad papunta sa restaurant na napili nila. Maraming sumusulyap sa gawi nila ng kaniyang asawa. Hindi niya masisisi ang mga ito dahil agaw pansin nga naman talaga ang kasama niya.

            Pinaghila siya ni Gavin ng upuan at naupo naman ito sa kaniyang harap. Nagpa-reserve na ito kanina kaya noong dumating sila sa restaurant ay hindi na nila kailangang maghintay sa pagkain dahil nakahanda na iyon.

            "Why did you order so many foods? We can't eat these all."

Nginitian lang siya nito tyaka naglagay ng iba't ibang putahe sa kanyang plato. "Eat well, Wife."

Nagsimula na nga silang kumain at hindi na nawala ang mga mata ni Gavin sa kaniya na para bang kapag kumurap ito ay mawawala siya sa harapan nito.

"I won't vanish, okay? Stop staring." She cupped his cheeks and pinched it.

"What if you change your mind and leave—"

            "God, Gavin! Why would I do that?" Kung may mang-iiwan man sa kanila ay nasisiguro niyang hindi siya iyon. Ang tagal niyang naghintay na mahalin siya nito ngayon pa ba siya susuko?

            "I know I don't deserve this because of all the things I've done—"

            Hindi niya na ito pinatapos pang magsalita dahil idinampi niya ang kaniyang labi rito. Mabilis namang hinabol ni Gavin ang labi niya kaya mas napalalim pa iyon. Namumula naman ang magkabila niyang pisngi na bumitaw dito. May ilan kasing napatingin sa gawi nila.

            "No matter what you are, I will keep choosing you." Every piece of her was flying— with relief, with happiness. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ito sa kaniya. Mahal na siya ng kaniyang asawa. Kung mayroon man siyang mahihiling pa ay iyon ang isang masayang pamilya.

His Wife's CryWhere stories live. Discover now