Chapter 43

6.9K 203 22
                                    

Third Person's POV

NATANGGAP niya ang text ni Asher na pwede na siyang pumuntang basement. Ipinakuha na rin niya rito ang bag niya sa department nila dahil kung siya ang kukuha noon ay samo't saring tanong pa ang makukuha niya sa kaniya mga katrabaho bago makaalis. Hindi niya inaasahang nag-aabang si Asher sa elevator para samahan siya.

            "We need to move fast. Baka may makakita sa atin." Wika nito. Nang bumukas ang elevator ay mabilis silang sumakay. Tanging sila na lamang ang naroon. Binigay nito ang kaniyang bag sa kaniya. "Hindi ka na talaga babalik kay Gavin?"

            Hindi niya mapigilang matawa. "Seryoso ka ba? Sa tingin mo babalik pa ako sa kaniya sa kabila ng lahat nang nangyari?" Umiling-iling siya na tila hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Mas pagtutuunan ko na lang ng pansin ang anak ko kesa mamalimos ng atensyon sa pinsan mo." Kahit papaano ay nabawasan ang kirot sa tuwing sinasambit niya ang katagang iyon. Siguro ay unti-unti na siyang natatauhan. Ang kailangan niya lang gawin ay tuluyang ipaunawa sa kaniyang sarili na kailanman ay hindi maaaring maghalo ang tubig at langis.

            "I know what you've been through, Ayana. I also want you to be happy. Ang sa akin lang baka naman may rason si Ga—"

            "Enough, Asher, please." Mariin niya itong nilingon para manahimik. Asher pouted and shrugged his shoulder.

            Lumabas sila sa elevator at mabuti na lang agad siyang nahila ni Asher para makapagtago sa hallway papuntang cafeteria. Masasalubong nila si Gavin kasama ang secretary nito at ilang empleyadong lalaki. Mukhang galing ito sa meeting na ginanap sa labas ng kompanya. His black tux overpowering all the coat and ties of his employees.

            Nag-aalala siyang lumingon kay Asher. Hindi pwedeng makita sila ni Gavin na papuntang basement. Kinuha ni Asher ang kaniyang bag at walang pasubaling tinapon sa malapit na basurahan.

            Her eyes widened and she incredulously looked at him. "What the hell did you do, Asher? Bakit mo tinapon ang bag ko?!" Hindi ganon kalakas ang boses niya pero sapat na iyon para mahalata nito ang kaniyang inis.

            Nginisian pa siya nito kaya mas lalong namula ang kaniyang mukha dahil sa galit. "Hindi pwedeng makita ka ni Gavin na may dalang bag. Kung ako naman ang magdadala n'on, hindi naman siya maniniwalang sa'kin 'yon." He has a point. "Palitan mo na lang ang mga gamit mong nandon. Ang mahalaga ay makaalis ka rito." Nawala rin naman ang inis niya dahil sa nakitang determinasyon na tulungan siya ni Asher.

            "Makakasalubong natin si Gavin. Anong gagawin natin?" She worriedly asked.

            "Just act normal. Kunwari ay kagagaling lang natin sa cafeteria at ihahatid kita sa department mo." He uttered.

            Sumang-ayon siya sa sinabi nito. Nagsimula silang maglakad kung saan makakasalubong nila si Gavin. Kita niya ang mabilis na pagsasalubong ng kilay nito nang makita sila ni Asher. Napatigil sila sa paglalakad nang tumigil ito sa harap nila. Maging ang mga kasama nitong empleyado ay napatigil din.

            "What are you doing here?" His eyes were filled with rage. Sumulyap siya kay Asher, nagbabakasakaling ito ang tinatanong ni Gavin pero mas lalo lang nadepina ang galit sa mga mata nito dahil sa ginawa niya. "I'm talking to you, Ayana." Mariin nitong sabi na halatang nagtitimpi na lang.

            Kanina pa siyang kinakabahan pero mas naging triple ang kaba niya ngayong kaharap niya na ito. May posibilidad din na malaman nitong tatakas siya kung hindi niya aayusin ang sarili.

            "Galing kaming cafeteria. Sinamahan ako ni Asher kasi nagutom ako. Pabalik na kami sa department ko." Mahinahon ang kaniyang boses na para bang walang binabalak na pagtakas.

His Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon