Chapter 32

20.1K 293 13
                                    

Third Person's POV

NASA bewang niya ang kamay ni Gavin habang naglalakad silang dalawa patungo sa department niya. Hindi maipagkakaila ang mga matang sinusundan sila ng tingin. Marahil ay hindi pa rin makapaniwala ang mga ito na siya ang asawa ni Gavin. Sino nga ba ang mag-aakala? Isang empleyado na nasa mababang posisyon lang siya kaya hindi siya mapaghihinalaan na siya ang asawa nito. Gayunpaman, masaya pa rin siya kasi hindi na nila kailangang itago ang relasyon nilang dalawa.

Hindi niya na pinapasok pa si Gavin sa loob ng department nila. Hanggang sa pintuan lang silang dalawa pero nakasilip naman ang mga katrabaho niya para usisain sila. Napailing na lamang siya dahil sa kakulitan ng mga ito. Bago siya bitawan ng asawa niya ay marahan nitong pinisil ang kaniyang bewang at ginawaran siya ng isang mainit na halik sa labi. Magtatagal pa sana iyon kung hindi lang siya bumitaw dito.

"I'll visit here later or you can visit me on my office so we could... you know." Naging mapaglaro ang tingin nito sa kaniya kaya alam niya na ang ibig nitong sabihin.

            Hinampas niya ang dibdib nito para patigilin sa kapilyuhan. "Go to your office now. Magtatrabaho na ako." Marahan niya itong itinulak kasi ayaw pa rin siyang bitawan.

            His lips protruded. "Fine. See you later, Wife."

Nang makaalis ito ay hindi na napigilan nina Mica na usisain siya. Sari-saring tanong ang binato ng mga ito sa kaniya at wala siyang nagawa kundi ang sagutin lahat iyon. Hindi kasi siya hinayaan ng mga itong makarating sa cubicle niya hangga't hindi niya nasasagot. 

"We just want a private life that's why we didn't tell to everyone." Pagsisinungaling niya nang itanong ni Mica kung bakit hindi nila pinaalam na mag-asawa silang dalawa ni Gavin.

Nang marating niya ang kaniyang table ay may nakapatong na bungkos ng pulang rosas at maliit na itim na box. Nasa likod niya sina Mica at nae-excite rin sa kung anong laman ng kahong iyon. Hindi naman niya naitago ang ngiti sa kaniyang labi.

            "Ako ang unang dumating sa department natin at pagkarating ko ay nandyan na 'yan," nanunuksong sambit ni Mike. 

"Mr. CEO is quite romantic, huh," kinikilig na sambit ni Stacey.

"Open it, Ayana. Faster!" Mica exaggeratedly said too.

With a big smile on her lips, she unwrapped the cover of the box. She's also curious about what's inside the box. She slowly opened it but she immediately jumped backward when she already saw what's inside.

Nang mabuksan niya iyon ay lahat sila ay napaatras dito at napatakip sa ilong dahil sa masangsang na amoy na hatid nito. Ang kaninang kasiyahan na namumutawi sa kaniya ay napalitan ng matinding takot. Nagsimulang manginig ang kaniyang mga kamay at ramdam niya ang panghihina ng kaniyang tuhod.

Isang itim na patay na pusa ang laman ng kahon habang naliligo ito sa sariling dugo. Halos sila ay mapasuka dahil sa itsura noon. Napatalikod siya dahil hindi niya talaga kayanin ang itsura at amoy nito.

"There's a letter inside," matapang na kinuha ni Mike ang kapirasong papel na nasa kahon. Inabot nito ang papel sa kaniya at wala siyang nagawa kundi ang basahin iyon. 

"Paniguradong hindi iyan galing kay Mr. CEO." Loisa uttered and her eyes were full of tears as she controlled herself not to vomit.

Nang buksan niya ang papel ay mas lalo siyang binalot ng takot at tuluyan na nga siyang nanghina. Nangilid ang kaniyang luha. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng ganito katindi. Kung noong ka-college sila ay may nangti-trip sa kaniya na buhusan siya ng tubig, banggain habang naglalakad at itulak, makakaya niya pa iyon. Pero ang ganito katinding pangti-trip ay hindi niya mapapalampas. Kung sinuman iyong galit sa kaniya ay masasabi niyang matindi ang galit nito.

"YOU MUST DIE. YOU MUST ROT IN HELL, FILTHY BITCH!"

Iyan ang nakasulat sa papel at alam niyang nabasa rin iyon ng mga katrabaho niya. Nag-aalala siyang tiningnan ng mga ito. She was immediately so physically weakened that her hands fell to her sides and she could no longer lift them. Mike caught her and made her sat on the chair again.

"Hindi kaya ay may gusto kay Mr. de la Vega ang nagpadala nito? Hindi siguro matanggap na may asawa na at ikaw ang pinagbubuntungan ng galit." Napasang-ayon ang lahat sa sinabi ni Mike.

"Throw that dead cat now!" Mica shouted. "Call the CEO."

She closed her eyes and Mike lifted her. "We're going to take you to the clinic."

Mabilis siyang inihiga ni Mike sa kama nang makarating sila sa clinic ng kompanya. Ilang minuto siyang nanatili roon na tanging nakapikit lang ang mata. Ramdam niya pa rin ang panginginig ng kaniyang mga kamay at ang pangingilid ng kaniyang luha. Lumabas si Mike ng dumating si Gavin. Agad naman siyang dinaluhan ng asawa. Naupo ito sa kama at marahan siyang yinakap. Paniguradong nasabi na nina Mica ang nangyari.

            "Are you okay, Wife?" He caressed her cheeks. "I will make pay whoever did this to you." Rage suddenly glistened in his eyes.

            "I am okay." A weak smile appeared on her face.

"You are not." Gavin brushed his lips on her forehead. "No one is allowed to hurt you."

She put her arms around his waist and held herself against him in an embrace, nestling her head on his shoulder. Then Gavin's lips made his way to hers. His lips were soft and then she felt the tip of his tongue against hers, the briefest moment of intense pleasure, but at that instant, the taste became overwhelming.

"I will just check the CCTV cameras. Wait for me here, hmm?" He kissed her on her forehead.

Tatayo na sana ito ng dumating si Asher.  "All the CCTV cameras at Ayana's department were hacked." He uttered. "The footages that can lead to the person who put that thing on Ayana's table were already deleted." 

Lalong nagalit si Gavin sa ibinalita nito. "Then what were the security guards doing while that person sneaked—"

            Aser answered."They were drugged. Some of the security guards are now in conscious but some are still unconscious."

            Kita niya kung paano umigting ang panga ni Gavin dahil sag alit. Marahan niyang hinimas ang braso nito para pakalmahin. Masinsin siya nitong tiningnan at hinila siya kaya napasandal siya sa dibdib nito.       

'YOU MUST DIE. YOU MUST ROT IN HELL, FILTHY BITCH!'

Hindi niya makakalimutan ang mga katagang iyon. Wala siyang ideya kung sinong may galit sa kaniya. Kahit kailan ay hindi siya nakipag-away. Kahit na sobra na siyang naagrabyado ay hindi siya gumanti. Kaya nga hindi niya na inalam kung sino ang taong laging sinasabotahe siya. Sana lang talaga ay matigil na iyon. Ayaw niya ng ganoon.

Asher turned his gaze on her. "We won't let anyone harm you, Ayana."

Nginitian niya ito pero agawa din naman iyong napawi dahil sa masamang tingin sa kaniya ni Gavin. "Siguro ay nagkamali lang ang taong naglagay noon sa table ko. Baka hindi talaga iyon para sa'kin—"

"Ayana..." She stopped when Gavin called her name as he hugged her so tight. "I will protect you. No one can harm you. I promise that."

Ngising-ngisi si Asher habang tinitingnan silang dalawa, "Love birds." Umalis na ito dahil ayaw daw nitong makaistorbo sa kanilang dalawa.    

            "I love you, Wife." The familiar warmth that given in that voice aroused her.

"I love you too."

*****

Minnie Hwang

His Wife's CryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant