Chapter 38

19.3K 264 57
                                    

Third Person's Point of View

"SABIHIN mo na kaya sa parents niyo ang nangyayaring ito, Ayana?" Suhestiyon ni Manang Belen at muli na nama niyang nakita ang pag-aalala sa mukha nito. "H'wag mong hayaang saktan ka niya ng ganito."

            Nasa kusina sila at kitang-kita nila kung paano asikasuhin ni Gavin si Sophia. May malaking glass wall sa kusina at kita roon ang garden kung nasaan ang asawa niya at kabit nito. The two were sitting on the grass while Gavin's hands were encircled on Sophia's waist. That image was like a sharp blade that cuts her heart into thousands of pieces.

            "Hindi ko pa kaya, Manang." Gumaralgal ang boses niya pero linabanan niya ang tuluyang pagkabasag nito.

            Marahang hinimas nito ang kaniyang likod. "Hindi ka man lang niya nirespeto at dinala niya pa ang bruhang iyon dito sa bahay niyo mismo. Tama na, Ayana. H'wag ka namang magpaka-martyr. Magkakaanak ka na."

            Iyon na nga. Magkakaanak na siya. Ngayon pa ba siya susuko kung kailan may buhay na siyang dinadala. Pero alam niyang mapapagod din siya. Sinusulit niya lang ang pakamatryr niya tyaka siya susuko. Pagod na rin siyang ipagsiksikan ang sarili niya sa taong hindi siya kayang panindigan.

            "We can't see the right things when it comes to love as we already blind by our feelings." The tears and the pain all but binding her, she forced herself not to cry.

            "Pero Ayana—"

            "Ayos lang po ako, Manang Belen." Hindi niya na mabilang kung ilang beses na siyang nagsinungaling. Kita sa kaniyang mga mata ang mga emosyong pinilit niyang itinatago. Paano siya magiging masaya sa ganitong sitwasyon? Hindi niya man lang naranasang pahalagahan.

            "Alam kong marami kang kinikimkim na emosyon, Ayana." Puno ng lungkot ang mga mata nito.  "Hiwalayan mo na siya." 

            Mabilis siyang umiling bilang pagtutol. "Hindi ko pa po talaga kaya." Mahina siyang napahikbi.

            Nasasaktan din naman siya, eh. Pero alam niyang mas lalo siyang masasaktan kung hahayaan niya si Gavin sa iba. Hangga't kasal siya kay Gavin ay hindi nito maitutuloy ang balak na pakasalan si Sophia. Kung magiging miserable siya. Gagawin niya ring miserable ang mga ito. Hindi niya hahayaang makasal ang dalawa at bumuo ng masayang pamilya na pinapangarap niya. Hangga't may pinapanghawakan siya, magiging labag sa batas ang pagsasama ng dalawa.

            Bumuntong hininga si Manang Belen. Wala rin itong magawa sa katigasan ng ulo niya. "H'wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo. Maaapektuhan niyan ang anak mo." Alam na nito ang tunay na nangyari kung bakit sila muling nagkaganoon ni Gavin. "Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka."

            Mahigpit niya itong yinakap. Sa ganitong sitwasyon ay kailangan niya talaga ng taong masasandalan.  "Thank you." Muli nitong hinagod ang kaniyang likod para pagaanin ang kaniyang nararamdaman.

            Mabilis siyang napahiwalay kay Manang Belen at pinunasan ang luhang nakatakas na pala sa kaniyang mga mata nang mapansin niya ang presensya ni Gavin sa loob ng kusina. His stare was directed at her. Umiwas siya ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito. Rumehistro sa kaniyang isipan kung gaano ito ingat na ingat kay Sophia sa tuwing nasasalubong niya ang mga mata nito.

"Gavin," Seryoso ang tinig ni Manang Belen dahilan para rito mapabaling ang atensyon nila ni Gavin. "Pwede bang tigilan mo na ito?" 

Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ni Manang Belen. May kung anong dumaang sakit sa kaniyang dibdib. Kahit ang iba ay nagmamakaawa na rito pero wala talagang pakialam ang asawa niya. Gagawin nito talaga ang lahat para sa taong mahal nito at hindi siya iyon. She'll never be chosen.

His Wife's CryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant