Chapter 40

20.7K 355 59
                                    

Third Person's POV

BITBIT ni Ayana ang luggage niya pababa ng hagdan. Iniwan niya na ang ibang mga damit niya sa kaniyang kwarto. Wala na siyang pakialam doon, ang mahalaga sa kaniya ay makaalis sa bahay na iyon. Nasa kabila naman niyang kamay ang brown envelope na tatapos sa ugnayan nila ni Gavin. Masyadong matagal na panahon ang ginugol niya sa pagiging martyr. This is the time to start her new life now.

Agad siyang sinalubong ni Manang Belen at puno ng kalituhan ang mga mata nito. "Saan ka pupunta, Ayana?"

"Aalis na po ako, Manang." She can still feel the heartache but she refused to entertain it. She has to be brave. "Nasaan po si Gavin?"

"Umalis siya kasama si Sophia."

Mabuti naman hindi niya na kailangang harapin si Gavin bago siya umalis. Ayaw niyang makita kung paano ito magdiwang dahil sa wakas ay bumitaw na siya. Inabot niya rito ang brown envelope. Kahit na may kalituhan ay tinanggap iyon ni Manang Belen.

"Pakibigay po niyan kay Gavin." Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi pero bakas pa rin ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Bahagya niyang yinakap ito.
"Mami-miss po kita."

Ngayon ay paniguradong may ideya na ito sa nangyayari. Aalis na siya at kailanman ay hindi na babalik sa bahay na iyon. Sa bahay na naging saksi kung paano siya nawalan ng pagmamahal sa sarili.

"Sasabihin mo ba sa magulang mo ang paghihiwalay niyo ni Gavin? Paano ang bata?" Puno ng pag-aaalalang tanong nito. "Saan kita bibisitahin?"

"Doon po muna ako sa mansyon ni Damon. Alam niyo naman po kung saan iyon. H'wag niyo na lang po sabihin kay Gavin." Puno ng pait ang mga salitang binitawan niya.

Hindi siya hahanapin ni Gavin. Kahit pa ibalandra niya rito ang address na pupuntahan niya ay malabo siya nitong sundan. He'll probably throw a party for her leaving his life finally.

Hinatid siya ni Manang Belen hanggang sa garahe ng bahay nila. Inilagay niya sa kaniyang kotse ang kaniyang luggage at handa nang umalis.

Sa huling pagkakataon ay nginitian niya si Manang Belen. "Bibili po ako ng bahay malapit sa mansyon ni Damon. Kapag ayos na po ang lahat ay kukuhanin po kita rito." She can see that at any moment, Manang Belen's tears will flow. "Ayos lang po ba iyon sa inyo?"

Kahit nangingilid ang luha ay nakuha nitong tumango at ngumiti. "Maghihintay ako basta h'wag mo lang patatagalin. Gusto ko nang alagaan ang baby mo." Bahagya pa nitong hinaplos ang kaniyang tiyan.

Kumaway ito ng simulan niyang paandarin ang kaniyang kotse at handa nang umalis. Hindi niya maitago ang kaba habang tinatahak niya ang daan patungo sa gate nila. Once she passed those bars, she's really stepping out of Gavin's life.

Ilang beses siyang bumusina sa tapat ng gate pero kahit isang guard ay wala man lang balak buksan ito. It took for minutes and still, they're acting as if there's no car continued to horn them.

Binuksan niya ang bintana at bahagyang linawit ang kaniyang ulo para makita siya ng mga ito. "Excuse me, I am leaving. Open the gate." She ordered. The guards just look at each other and it made her frown even more. "I said I am leaving." Her voice was now dangerous.

One of the guards rubbed his nape while apologetically looked at her. "Pasensya na, Mrs. de la Vega. Utos ni Sir Gavin na h'wag kang palabasin."

Umawang ang kaniyang labi at mabilis ding nag-igting dahil sa inis. Different emotions suddenly enveloped her. Ano na naman bang palabas ito? Ganoon na lang ba iyon? Ang walang hiyang Gavin na iyon ay may karapatang magpakasaya sa labas kasama ang hitad nito samantalang siya ay nakakulong sa bahay at walang karapatang maging malaya?

His Wife's CryWhere stories live. Discover now