Chapter 44

7K 232 82
                                    

Third Person's POV

SHE TRIED to block the emotions she was feeling. Hindi niya na dapat iyon maramdaman. Hindi porket nandito si Gavin sa harap niya at nagmamakaawang bumalik sa piling nito ay bibigay na siya. Kailangan niyang panindigan ang bagong buhay na kaniyang pinangako hindi lang sa sarili kundi pati na rin sa kaniyang magiging anak. This is not the life she wanted. This is not what she's asking for. Hindi porket ilang taon siyang nagpakatanga rito ay ganoon na siya habang buhay.

            Matagal makalimot ang puso. Hindi niya maitatanggi na sa kabila ng lahat ay may nararamdaman pa rin siya rito. Her gaze remained cold as ice when she stared at Gavin. But the pain immediately enveloped her heart when she saw a single tear dropped from his right eye and wiped it away.

            Kung totoo itong nakikita niya, kung totoong hindi kaya ni Gavin na mawala siya sa buhay nito, bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang nito napagtanto iyon kung kailan pagod na siya? Bakit ngayon lang kung kailan wala na siyang panghahawakan para lumaban?

            "Manang Belen is also worried about you." His eyes softened when he glanced at her belly. "Our parents might doubt if they don't see you in our hou—"

            Ang kaninang awa na naramdaman niya para rito ay mabilis naglaho at muling bumalik ang matinding galit. "After all, iyan pa rin ang inaalala mo? Mas mahalaga pa rin sayo ang sasabihin ng magulang natin kesa sa mararamdaman ko?!" Hindi niya na napigilan ang pagtaas ng kaniyang boses. "Stay the hell out of my life, Gavin! I don't fucking want to see you anymore!"

Ramdam niya ang marahang paghagod ni Evan sa kaniyang likuran para pakalmahin siya. Gavin's eyes darted where Evan's hand was. She saw how fury became visible on his face. Bago pa man ito makahakbang para magsimula ng gulo ay agad na itong napigilan ni Asher. Hindi na rin ito nanlaban pa pero base sa mabilis na pagtaas–baba ng balikat nito, mukhang galit na galit si Gavin.

"I can't just leave, Ayana! You're carrying my child... our child." Sa huli nitong sinabi ay tuluyan nang nabasag ang boses nito. Kita niya ang pagkabalisa at lungkot sa mga mata nito pero agad din namang tumalim ang tingin nang bumaling kay Evan. "Are you expecting me to let that asshole to father my child? I'm sorry but there's no way in hell I'll let that. Be mad at me. You have all the right to feel that. Hurt me, I deserve that. But please... don't..." Napasinghap ito ng muling gumaralgal ang boses. "Don't prohibit me from becoming part of our child's life."

Hindi niya namalayan ang luhang naglandas na pala sa kaniyang pisngi. Kahit sina Evan at Asher ay napaiwas nang tingin sa kaniya. Marahil ay sa kabila ng kagaguhan ni Gavin, sang-ayon pa rin ang mga ito na h'wag ipagkait sa bata ang magkaroon ng isang ama.

"Okay lang sana, Gavin, kung itong batang dala-dala ko lang ang responsibilidad mo." Her heart clenched. "Pero may anak ka rin kay Sophia. Alam kong mas matimbang siya kesa sa aming mag-ina. Kahit hindi mo sabihin, kung sabay mangailangan ang mga anak mo, alam kong anak mo sa kaniya ang uunahin mong puntahan. Siya ang pagtutuunan mo ng mas maraming oras. Ang anak niyo ni Sophia ang mas makakatanggap ng pagmamahal at ayokong maramdaman ng anak ko na napipilitan ka lang maging ama sa kaniya." She felt a lump on her throat, making it hard for her to breathe.

            She already knows the truth about Sophia's madness. She just uttered those words to make Gavin realize that their child deserved better than this. Kahit na wala talagang dinadalang bata si Sophia, hindi pa rin maitatanggi na mas mahal ni Gavin ito. Nagawa nga siya nitong lokohin at ipagpalit para rito, ano pa kaya ang anak nila.

            He looked away but guilt brushed over his face. Marahas nitong inagaw ang braso na hawak ni Asher. "Do you think I didn't think of the possibility of getting you pregnant when I made love to you? I am well aware of the responsibilities of being a parent, Ayana. Hindi kita bubuntisin kung wala akong planong panagutan ka." His eyes darkened again where Evan's hand was. Naramdaman niya naman ang unti-unting pagbitaw sa kaniya ni Evan.

His Wife's CryWhere stories live. Discover now