Chapter 7

21.2K 362 14
                                    

Third Person's POV

HER eyes were settled to the glass wall and gawking the city. Nasa loob siya ng kanilang department. Tutal ay tapos niya na ang gawain niya ngayong araw ay nanatili siya sa kaniyang cubicle para magpahinga kasabay na rin noon ang pagbabalik tanaw niya sa panahon kung saan ayos pa sila ni Gavin.

Nakaupo silang dalawa sa ilalim ng puno. Hindi sila um-attend sa kanilang klase dahil mas pinili nilang magpahinga roon sa garden na nasa loob pa rin naman ng school nila. Ginawang unan ni Gavin ang hita niya. She ignored the feeling of an explosion inside her heart and just acted normal as if she didn't give any malicious meaning of Gavin's act. Hindi man lang niya namalayang masyadong nang nahulog ang loob niya kay Gavin. He was so caring. Hindi niya lubos maisip na may isang kagaya nito aalagaan siya ng ganoon. 

"Do you want to spend your summer with me, Ayana? Let's go to America." Gavin looked at her eyes. Parang hinihipnotismo nito ang mga mata niya para pumayag siya.

Talaga bang yinayaya siya ni Gavin na i-spend ang summer niya na kasama ito?  She can't explain the happiness whirling inside her. Matagal niya na rin na binabalak na yayain ito na mag-travel na sila lamang dalawa. Kaya laking tuwa niya ng una siyang yayain ni Gavin.

            "Pag-iisipan ko." Umakto siya na parang nag-iisip talaga kahit na sumilay na ang malaki niyang ngiti.  Bumangon si Gavin mula sa kaniyang hita at agad siyang sinamangutan.

He leveled his head on her and because of that, their faces were just inches away from each other. She tried to distance herself from him, but Gavin kept leaning forward towards her face. She's now trapped between the tree trunk and Gavin.

"You don't want to go with me?" Kita niya ang pagbaba ng paningin nito sa labi niya. 

Napasinghap siya ng medyo naitulak niya ito at lumayo ang mukha nito sa kaniya. Kung hahayaan niya na ganoon pa rin ito kalapit sa kaniya ay baka sumabog na siya.

"May iba na kasing nagyaya sa'kin, eh."  Gusto niya lang itong asarin at natutuwa siya sa tuwing naaasar ito.

His lips protruded. She bit her lower lip to surpass her laugh. He's so cute.

Resentment was visible on Gavin's lips as he got his bag. "Fine! Go with someone else!"Iiwan na sana siya nito kung hindi niya lang nahila agad ang kamay nito at ibalik sa pagkakaupo. A loud laugh escaped from her lips.

"Galit ka na n'yan?" She was still teasing him. He frowned even more and pulled his hand away from her.

"Why would I?!" His voice was full of hatred.

Yes, he's mad.

A genuine smile curved on her lips. She leaned herself on his forearm and Gavin enveloped her right away.

"I'm just kidding. Kahit na hindi mo ako yayain, sasama pa rin ako sayo." Tiningnan niya ito habang yakap-yakap siya nito. His stare was something unexplainable. It was suffocating and melting, yet here she was, loving him, so much... so bad.

Hindi niya alam kung ano na ba ang tawag sa relasyon nila ni Gavin. Hindi na iyon mahalaga. Ang mas mahalaga sa kaniya ay nakakasama niya ito at nayayakap ng ganoon.

Ayana didn't notice that she was already smiling. Nabura rin iyon nang magrehistro sa kaniyang isipan kung anong relasyon ang meron sila ni Gavin ngayon. Their relationship was so different now from before. Kung maaari lang na ibalik ang dati, hindi siya magdadalawang isip na balikan iyon. Gusto niya ulit maramdaman ang pagmamahal ni Gavin; ang pag-aaruga nito at pag-aalala para sa kaniya. She stops reminiscing when Mica went into her cubicle.

His Wife's CryWhere stories live. Discover now