Chapter 37

20.6K 340 41
                                    

Third Person's POV

KASALUKUYAN siyang nakaupo sa Coffee Shop. Ilang oras na rin siya roon at nakakailang tasa na siya ng kape. Mas pinili niyang doon muna kesa umuwi sa bahay nila at mag-aaway na naman sila ni Gavin. Hindi niya maatim na makita ito kasama ang kabit nito.

Nakakasuka.

            Umasa siyang susundan siya ng asawa niya pero kahit anino nito ay hindi niya nakita. Siguro namalik-mata lang siya sa pag-aalalang nakita niya sa mukha nito kanina. Dahil kung talagang nag-aalala ito sa kaniya ay sana sinundan siya nito pero hindi. Mas mahalaga rito ang kapakanan ni Sophia at ng batang dinadala nito.

            Dala niya rin naman ang anak nito pero bakit hindi nito nagawang sundan siya? Ayos lang ba rito na mapahamak siya basta ang mahalaga ay maayos si Sophia? Parang may pumiga sa puso niya at nagdulot ng matinding sakit sa kaniyang sistema.

            Pinunasan niya ang tumakas na luha sa kaniyang mata. Hindi niya akalaing may luha pa siyang maiiyak ngayon. Akala niya kasi ay naubos na itong lahat kagabi.

            Wala pa siyang balak na sabihin sa parents niya ang nangyayari sa bahay nila. Pinakiusapan niya na rin si Manang Belen at kahit ayaw nito ay pumayag ito sa gusto niya. Kahit hindi niya sabihin ay umaasa pa rin siya na maayos pa nila ni Gavin ang relasyon nila.

            Matapos magbayad ay lumabas siya sa Coffee Shop at nagsimulang maglakad habang pinagmamasdan ang iba't ibang taong nakakasalubong niya. Hindi niya maiwasang mainggit sa mga magkasintahang napapadaan sa kaniyang gawi. Ramdam niya kasi na talagang nagmamahalan ang mga ito. Kung ganoon lang sila ni Gavin sa simula pa lang ay hindi na sana mangyayari ito. Hindi na sana sila magkakasakitan pa.

            Nagtungo siya sa parke na hindi naman kalayuan sa Coffee Shop na pinuntahan niya. Kung nalaman niya lang na may ganitong lugar doon ay hindi na siya nag-aksaya ng oras sa loob ng Shop para umiyak. Naupo siya sa isang bench malapit sa malaking puno kaya maaliwalas na hangin ang sumalubong sa kaniya. Kahit pa paano ay guminhawa naman ang kaniyang pakiramdam.

            Nagpalinga-linga siya sa paligid. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa kakaibang naramdaman. Pakiramdam niya kasi ay may nakatingin sa kaniya. Hindi iyon ang unang beses na naramdaman niya iyon. Kahit saan siya magpunta ay pakiramdam niya may sumusunod sa kaniya. Isinantabi niya iyon at hindi na pinagtuunan ng pansin.

            She leaned her back on the backrest as she took a deep breath and closed her eyes. The fresh air helped her to relax. The sunlight strikes on her face. Any minute and the sun was probably to set.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Mica. Kailangan niya ng makakausap. Kailangan niya ng taong masasandalan ngayon. Napapagod na siyang kimkimin ang tunay niyang nararamdaman.

Sinagot agad ni Mica ang tawag niya at hindi niya napigilang humikbi ng marinig niya ang boses nito. "Mica..." Gumaralgal ang kaniyang boses.

            "What's wrong, Ayana?" Nag-aalala ang boses nito.

"Meet me at the park that's near at Eli's Coffee Shop."

            "Why? What happened?" Mica confusedly asked.

            "Just go here and I'll tell you." She hung up the call and placed her phone in her pocket again.

Halos kalahating oras din ang pinaghintay niya bago dumating si Mica. Agad itong tumabi sa kaniya bakas ang pag-aalala sa mukha. Ilang minuto silang hindi nagsalita at tanging pinakikiramdaman lang ang isa't isa.

            "Nag-away kayo ni Gavin?" May pag-iingat sa tono ng boses nito.

            Muling nangilid ang kaniyang luha. Ang isiping mas kinampihan ni Gavin ang kabit nito ay sobrang sakit sa kaniya. Pakiramdam niya ay wala talaga siyang halaga. "He doesn't love me."

His Wife's CryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang