Chapter 46

6.3K 159 31
                                    

Third Person's POV

"EVAN..." Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Hindi niya akalain na hanggang dito ay susundan siya nito. Agad naman siya nitong linapitan at bahagyang hinila ang kamay para paupuin siya sa tabi nito. Halata niya ang pagtingin nito sa kaniyang kabuuan tyaka tipid na ngumiti na para bang kuntentong-kuntento sa nakikita.

            "What are you doing here? Paano mo nalaman ang address ng bahay namin dito?" Mukhang hindi niya kailangang tanungin pa ito tungkol sa bagay na iyon dahil nasisiguro niyang si Mica ang nagsabi rito.

            Natigilan siya ng walang pasubali nitong hinawakan ng marahan ang kaliwa niyang pisngi. A passionate smile curved at his lips. "I'm so happy about your decision, Ayana. Gavin doesn't deserve anything from you."

            Iniwas niya ang mukha rito at mukhang nakuha nito ang ibig sabihin niyon. Bahagya siyang umusod dahil ramdam niya ng masyado silang malapit sa isa't isa. She's happy that Evan's here. Kahit na pinupuntahan siya ng mga pinsan niya sa bahay nila paminsan-minsan ay iba pa rin iyong may nakakausap siya na dati ng kakilala.

But she's not ready to open her heart for someone else yet. At alam niyang naging malinaw siya sa parteng iyon kay Evan. Ayaw niya itong paasahin. Naging mabuti ito sa kaniya kaya hindi niya gustong saktan ito.

            "Kumain ka na ba ng tanghalian? Alam kong pagod ka sa byahe. Sumabay ka na sa aming kumain tapos gamitin mo 'yong isang guest room sa taas. Doon ka na lang magpahinga." She stated. Napansin niyang wala itong dalang kahit na anong gamit. "Kailan ka pa rito?"

            Evan rested on the backrest of the sofa. Ang isang kamay nito ay pinamahinga sa mismong banda ng kaniyang likuran kaya kahit na may pagitan naman sa kanilang dalawa ay iisipin ng mga makakakita na ang lapit-lapit nila sa isa't isa. She wanted to put more distance from him again. Pero pinili niya na lamang na h'wag nang pansinin ang mga kilos nito.

            "Kararating ko lang at dumeretso agad ako rito pagkaayos ko ng gamit ko. I checked in at the nearest hotel here. Nakakahiya naman kung makikituloy ako rito sa inyo." He chuckled. Medyo pumungay ang mga mata nito dahil na rin siguro sa matinding pagod at kawalan ng tulog.

            Umawang ang kaniyang labi at gulat itong tiningnan. "Bakit hindi ka muna nagpahinga? Pwede namang bukas mo ako puntahan, hindi naman ako umaalis dito. I'll ask my parents if you can stay here in our house." Kita niyang nagningning ang mga mata nito dahil sa huli niyang sinabi. "You're a friend of mine, Evan. I'm sure okay lang sa parents ko na rito ka na tumuloy. Mag-check out ka na roon sa hotel at lumipat ka na rito. Ipapahanda ko ang guest room pagkatapos nating kumain." She doesn't want him to get the wrong idea. Kaibigan lang talaga ang kaya niyang i-offer para rito.

            Tumayo na siya at nagtungo sa kusina. Saktong hinahanda na nina Manang Belen ang pagkain at isang kasambahay na babaeng banyaga. Tumanda lang ito ng ilang taon sa kaniya. She smiled at them when they noticed that she was there while Evan was behind her back.

            "Oh, tatawagin ko na sana kayo. Umupo na kayo at magsimula nang kumain." Anyaya ni Manang Belen at tuluyang tinapos ang paghahanda sa mga pagkain.

            Her forehead creased and roamed her eyes inside the dining room. "Wala pa po ba sina Mommy? Hindi po sila sasabay kumain?" Taka niyang tanong.

Maagang umalis ang parents niya para puntahan ang plantasyon na binili ng mga ito. Talagang desidido ang parents niya na roon ipagpatuloy ang buhay nila sa France. Ang naiwan nilang kompanya sa Pilipinas ay si Gavin pa rin ang namamahal, iyon ang pagkakaalam niya. Pinapaayos na ng parents niya sa lawyer ng mga ito ang pagi-split ng dalawang kompanya. Hindi rin kasi nagkukwento sa kaniya ang mga ito. Naririnig niya lang kapag nag-uusap at agad ding titigil sa pagsasalita kapag nahalatang nakikinig siya. It's obvious that they don't want her to know what's happening in the Philippines. Kahit ang tungkol sa annulment nila ni Gavin ay ang parents niya ang nag-asikaso. Tanging pirma niya lang ang kinuha ng mga ito at hindi na siya binalitaan pa.

His Wife's CryWhere stories live. Discover now