Chapter 39

23.2K 394 90
                                    

Third Person's POV

"DRIVE faster, Evan. He's already behind us." Binalot ng kaba ang kalooban niya. Maya't maya ang lingon niya sa side mirror ng kotse. Mabilis ang patakbo ni Gavin at talagang pursigido itong maabutan sila.

            Ginawa nga ni Evan ang sinabi niya. Binilisan nito ang pagmamaneho ng kotse. Butil-butil ng tubig ang makikita sa noo nito. Ang tanga niya para ngayon lang maintindihan ang lahat. Ang tanga niya para ipagkanulo ang sarili sa matinding sakit. Maybe it's time to let go now. She already did her part. Hindi naman siya nagkulang. Sapat na siguro iyong pagiging martyr para mapatunayan ang pagmamahal niya kay Gavin.

            Kailangan niya ng mabuhay ng walang Gavin sa tabi niya. Sagad na sagad na ang pagiging tanga niya kaya ngayon ay sarili naman niya ang pagtutuunan niya ng pansin. And of course, her baby.

            Hindi niya makukuha ang lahat ng gustuhin niya. Hindi niya mapipilit ang isang tao na mahalin siya pabalik dahil hindi na tuturuan ang puso. Kusa itong nagmamahal sa taong karapat-dapat at nagpapakatanga sa taong sakit lang ang dala.

             Before they could pass at the subdivision's gate, it suddenly closed and the guards invade them to leave. Evan opened the window of his car.

"Let us leave." His gaze darkened.

"Sorry, Sir, pero utos ni Mr. de le Vega na wala raw pong palalabasin ngayon." Ani ng isang guard na sumilip sa bintana ng kotse ni Evan.

Hindi niya alam kung nakailang mura siya sa isip niya. Ano ba ang gusto nitong mangyari? Ibinibigay niya na ang kalayaang magpakasal ito sa iba kaya sana lang ay hayaan na siya nitong sumaya. He wants an annulment, right? She'll give it to him. Hindi naman siguro nito balak na magpakasal kay Sophia habang siya ay nakatira kasama ng mga ito.

            Nang muli siyang tumingin sa side mirror ay nakababa na si Gavin sa kotse nito at bakas sa bawat hakbang nito ang matinding galit. Ilang beses itong kumatok sa bintana kung saan siya naroroon. She swallowed deeply as nervous enveloped her body. Hindi niya ito pinagbuksan. Wala na silang dapat pag-usapan.

            "Don't open the door." Utos ni Evan nang akma na nitong pipindutin ang buton. Sinunod nito ang gusto niya. Nanatili silang pareho sa loob ng kotse kahit na pinaliligiran sila ng mga guards at galit na galit na si Gavin.

            Hindi tinted ang kotse ni Evan kaya kahit deretso sa unahan ang kaniyang paningin ay nakikita niya sa kaniyang peripheral vision kung paano umigting ang panga ni Gavin dahil sa galit.

            She was flabbergasted when Gavin punched the window and it immediately broke. Her eyes widened. His blood that escaping from his hand dropped on her dress.

Inutusan niya si Evan na h'wag pa ring buksan ang pinto kahit na patulyo si Gavin sa pagsira ng salamin. Pero nang makita niya kung gaano na karami ang nawalang dugo kay Gavin ay muli na naman siyang natalo ng puso niya. She asked Evan to ope the door and quickly went outside. Sinalubong siya ni Gavin ng maalab na tingin. Iyon na naman ang emosyong hindi niya maipaliwanag kung anong ibig sabihin niyon. Lumabas din si Evan at agad na pumunta sa kaniyang tabi.

"What do you want?" Her voice cracked. His cold stare sent shiver on her spine. Her knees trembled.

His eyebrows were thick and in the line with anger and his fist was clenched. "You're carrying my child, Ayana. I hope you didn't forget that before you decide to run away with that jerk."

"You brought your mistress in our house. You slept with her inside your room. You shared one bed with her. You care for her more than you care for me." Bahagya siyang umiling na tila hindi makapaniwala na kaya pa siya nitong sumbatan sa kabila ng ginawa nito sa kaniya. "No. You never care for me, Gavin. You never did." She couldn't even bring herself to cry because the pain was that racking. 

His Wife's CryWhere stories live. Discover now