Chapter 49

6.5K 144 30
                                    

Third Person's POV

"ASHER..."

His eyes softened when he met her eyes. Kitang-kita niya ang pagod nito at masyadong halata ang gumugulo sa isip nito. Pasan nito ang responsibilidad ng kompanya nila at alam niyang may sarili rin itong kompanya na kailangan ng atensyon nito.

"I'm just so tired, Ayana. Sorry about that." He massaged his temples as he leaned both elbows on the table.

Wala na sa background sina Mica kaya siguro ay binigyan silang dalawa ni Asher ng oras para makapag-usap. Hindi niya mapigilan na h'wag makaramdam ng awa rito. Malaki rin naman ang naitulong nito sa kaniya kaya hindi niya kayang makita na nahihirapan ito at wala man lang siyang magawa. Siguro ay pakikiusapan niya ang magulang niya na tulungan si Asher sa kompanya tutal ay kanila rin naman iyon.

"I'm sorry I can't do anything to help." She sincerely uttered.

Asher smiled at her but it doesn't reach his ears. "It's okay. I'm happy seeing you... moving on now." Naniniguro ang boses nito at alam niyang kinikilatis nito ang emosyong makikita sa kaniyang mukha. "Mas lalo pa lang nakakaganda ang pagmo-move on. You glow, Ayana. Kung hindi ka lang buntis baka kung sino-sino na ang lumalapit d'yan sayo."

Nagkibit-balikat siya at marahang natawa. Saksi ito kung gaano siya ka-martyr kay Gavin. It seems she can't be saved anymore from being drowned by her feelings. But look at her now, she's in the process of changing her life for the better.

"Wala namang nakakalapit dito sa'kin. Sampung bodyguard kaya ang laging nakabuntot sa'kin kaya sino ba naman ang gugustuhing lumapit?" Napailing-iling siya at natatawa na lang. Kahit nga ang iba niyang pinsan ay intimidated sa mga bodyguards niya.

"Bakit parang nanghihinayang ka?" He narrowed his eyes. "Gusto mong makipag-date sa ibang lalaki?"

Napaawang ang kaniyang labi at matalim itong tiningnan. "Ano ka ba naman, Asher! Ang laki-laki na nitong tyan ko. Sa tingin mo maiisipan ko pang makipag-date?" She rolled her eyes as she saw him laughing.

"Well, it's good then. My cousin won't like it if you have another man—"

He immediately cut his sentence as she quirked her eyebrow. "I don't want to date any other man because I want to focus on my child and not because Gavin doesn't." Hindi niya na alam kung nakailang irap na siya rito. Hindi niya maitago ang saya sa kalooban niya dahil nagiging makulit at palabiro na ulit si Asher. Wala na ang bakas ng pagsusungit nito kanina. This is the Asher she knew.

"Ows, Ayana? Then what's the meaning of Evan visiting you there, huh?" He smugly inquired and his voice was with sarcasm. Sa tono ng boses nito ay para bang nagsisinungaling siya at sinusubukan niya pang magpalusot.

She grimaced. "He's a friend, Asher. Nabigla na nga rin ako n'ong makita ko siya sa living room namin dito."

"You didn't give your address?"

She shook her head. "Why would I? Si Mica lang naman ang sinabihan ko." Hinimas niya ang kaniyang tyan nang maramdaman niya ang marahang paggalaw doon. "Alam ni Gavin at for sure alam mo rin na nandito ako sa France. N'ong hinatid mo naman ako sa private plane, hindi ko naman sinabi sayo at hindi ka rin nagtanong."

His laughter boomed in every corner of the room. Kita niya sa screen ng computer ang paglingon ng ilang empleyado rito.

"I just used my charm to the attendant in your private plane. She doesn't even hesitate to tell me though."

"Alam mo rin bang..." Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba rito ang tungkol kina Sean.

"Alam ang ano?" Kuryoso nitong tanong.

His Wife's CryWhere stories live. Discover now