Chapter 13

20.8K 313 11
                                    

Third Person's POV

THEY were inside the bar now. Iba't ibang inuming alak ang in-order ng mga katrabaho niya. Nagsimulang mag-inom ang mga ito maliban sa kaniya. Noon pa man ay hindi na talaga siya nainom. Hindi niya gusto ang lasa ng alak.

"Ayana, don't be a killjoy. Hindi na tayo mga bata." Si Stacey. Kanina pa siyang pinipilit ng mga ito na tikman ang mga alak na binili ng mga ito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako umiinom?" Kaunti na lang talaga ay maiirita na siya sa mga ito. 

"C'mon, girl! Hindi naman magagalit si Evan kung iinom ka ngayong gabi!" Tumatawang sambit ni Mica at nagawa pa siyang sikuhin.

            She rolled her eyes. "H'wag mo nga akong asarin kay Evan." Nakanguso niyang sabi.       

"Then, drink and we'll never tease him with you."

Para matapos na ang pang-aasar ng mga ito sa kaniya ay wala siyang nagawa kundi kunin ang kopita at lumagok ng alak ng ilang beses. She savored the bitterness.

"Happy now?" She sarcastically uttered. They just laughed.

            "Evan is calling me right now. Should I answer his call and tell where you are?" Inaasar na naman siya ni Mica at alam niyang kaya nga nitong gawin ang sinabi nito. Nagawa nga nitong papuntahin sa kompanya si Evan, iyon pa kaya?

Hindi niya na alam kung nakailang kopita na siya. Hindi kasi siya tantanan ng mga ito kaya wala siyang magawa. Gusto niya ng matigil ang mga ito sa pang-aasar sa kaniya kay Evan. Naiirita na talaga siya pero mas lalo lang siyang tinatawanan ng mga ito ngayong kita na talaga ang iritasyon sa mukha niya.

"Stop fooling me." Her vision was not clear anymore and she felt her surroundings were shaky.

"Are you already tipsy?" Mica chuckled.

"I'm still sober." She lied.

"Let the party begins!" Mica shouted and went to the dance floor. Her officemates followed Mica. Naiwan siyang mag-isa sa table nila. Sumasayaw ang mga ito na para bang pag-aari ng mga ito ang dance floor. Ang ibang naroroon ay pinili na lamang maupo dahil sa kakulitan ng mga ka-officemates niya. Napailing na lamang siya. Mukhang mga lasing na ang mga ito.

Hindi naman naiwasan ng ibang lalaking naroon na lapitan siya sa table nila para yayaing magsayaw. Ang iba pa rito ay inaalok siyang uminom pero lagi niya rin namang tinatanggihan. Because of her seductive dress that almost reveals her soul, some men think that she was an easy girl. Naging dahilan iyon kung bakit naging mapilit ang mga ito kaya talagang tinatarayan niya na mapaalis lang ang mga ito.

Nagtungo siya sa bar counter at doon naupo. Mas madilim kasi sa parteng iyon kasi siguro naman wala ng lalapit sa kaniya. Um-order din siya ng alak at ngayon ay nakailang lagok na siya. Her eyes were already sleepy and her body became weak. She can't control herself anymore. Ngayon ay alam niya na ang pakiramdam ng malasing. She suddenly giggled because of that thought.

"One shot of hard drink." The stranger guy said and sat beside her.

                        She looked at him. She could say that he's handsome. He's wearing a gray simple t-shirt with black jeans and white shoes. Even though it was dark where she at, she can still see how attractive the guy is. She immediately looked away when the guy looked at her.

"Why you're alone in this kind of place?" She flabbergasted the moment he asked. His voice was really manly.

"I'm not."

Tumaas ang isang kilay nito na may mapaglarong ngiti sa mga labi. "But it seem—"

"I'm with you, so, I guess I'm not alone." She grinned at him. Mukhang lasing na nga siya at nagagawa niya ng magbiro ng ganoon. Kanina lang ay pinagtatabuyan niya ang lahat ng lumalapit sa kaniya pero ang lakas na ng loob niyang magbiro sa hindi niya kilala.

His Wife's CryWhere stories live. Discover now